Ang daming website na nag-ooffer ng libreng pagpopost ng ads, halos lahat pinasok ko para lang maibenta ang laptop ko na samsung sens q45. Pati sa mga local free advertising website dito sa pampanga ay walang nagawa para matulungan akong maibenta ang itinuturing kong pag-asa na pambayad ng utang. Inisip ko na kailangan kong isacrifice ang laptop para mabayaran lahat ng mga taong halos araw-araw na lang ay nangungulit at nananakot dahil sa mga utang ko sa kanila. Isa sa mga kaibigan ko sa Yahoo Messanger ang tinanong ko kung gusto niyang bilhin ang laptop ko, pero gipit din daw siya, nagkainitan kami nang sabihan niya akong “Sobrang mahal kasi pare eh, kahit e-post mo yan sa sulit tatawanan ka lang ng mga buyer.” Sabi ko 60,000(Nung brand new) ko itong binili 30,000 ko na nga lang binebenta. “Pare hindi mo naman masasabi yan sa mga buyer eh, kung ibebenta mo yan ng 20K sa sulit mag-aagawan ang ilan doon, pero wag mong ipost ang 20k, ilagay mo 23k tatawad pa kasi sila.” Hindi ko pinansin ang sinasabi niyang post-post sa sulit kaya ni hindi man lang ako nagtanong kung anong sulit ang pinagsasabi niya. Ilang araw lang nagpadala na ng demand letter ang isa sa mga pinagkakautangan ko at naisipan kong ibenta na lang sa mas mababang halaga ang laptop, inupdate ko lahat ang mga website na pinagpost ko ng ads at naisipan kong makipagchat sa kaibigan kong wala ng sinabi kundi sulit, sulit at sulit. Matagal siyang magreply kaya tinype ko sa address bar ang sulit.com, mali ang address at hindi ko alam kung ano ang tamang address sa sulit na sinasabi niya. Lumipas ang ilang minuto at nagreply siya, at nagsimula na ang aming usapan hanggang sa makuha ko ang tamang address ng sulit na sinasabi niya, sulit.com.ph pala hindi sulit.com. Gumawa ako ng account at ipinost agad ang nasabing laptop. Kinabukasan, hindi ko alam kung papaano ginawa ng sulit.com.ph pero lumitaw kaagad sa google ang ipinost ko, tinype ang Samsung Sens Q45, at nasa top 1(noon, ngayon nasa top 5 kahit na inactive na ang ad) ang pinost ko, ipinagmayabang ko pa ito sa mga kaibigan ko. Dahil sa nakita kong mabait ang google sa sulit.com.ph naisipan kong ipost ang patay kong business na paggawa ng PVC Cards. Hindi lumitaw sa google ang post kong ito, pero ok lang dahil top 1 naman Samsung Sens Q45 ko. Lumipas ang ilang araw, may natanggap akong text sa 'di pamilyar na numero ng cellphone at ang sabi ay “Kung kukuha kami weekly ng membership cards sa inyo ng about 1000pcs every week, magkano niyo ibibigay?”. Sumagot ako at ibinigay ang pinakamura naming presyo tinanong ko rin kung paano nila nalaman ang number ko at ang business, at ang sagot ay “SA SULIT” isang salitang hindi ko malilimutan. Ilang araw kaming nagpalitan ng text ng nag-inquire, gusto ko mang tawagan pero nagtitipid ako ng load noon, walang wala ako talaga sa panahong iyon. Dahil sa may pending na mga cards ang customer sa dati nilang provider, sa amin na ibinigay ang mga pending na iyon na halos 7,000+ at tinanong nila ang bank account ko para makapagdeposit na sila. Ibinigay ko ang bank account ko at kinabukasan ng alas-11 ng umaga nagtext ulit siya sa akin “Sir nadeposit ko na po ang 50%”. Chineck ko ang account ko at laking gulat ko nang may makita akong napakalaking halaga sa account ko, hindi pangkaraniwang pangyayari, dahil madalas initial deposit lang ang laman ng account ko. Nabayaran ko ang utang ko sa taong nagpadala ng demand letter at nabayaran na rin ang iba, ang iba naman ay nagbawas lang ako dahil kailangan kong magtira sa idineposit para sa materyales na gagamitin ko sa mga orders at mga taong babayaran. Pansamantala ko munang isinara ang advertisement ko para sa laptop dahil hindi na ako ganoon ka-pressure.
Ilang araw ang lumipas nasira ang dalawa kong printer na ginagamit sa paggawa ng PVC at isa na lang ang natira, hindi sapat iyon para umabot sa deadline. In-activate ko ulit ang ad kong samsung sens q45, kailangan sa loob ng 4 na araw ay mabenta ito para makabili ako ng 3-4 pang printers. Dalawang araw lang at may tumawag sa akin, kukunin na daw niya ang laptop, sa halagang Php15,000, nagkita kami at ibinigay ko na ang laptop ko at bumili na rin ng gamit na kailangan para matapos ko ang mga cards sa pinag-usapang araw, at natapos ko nga, at naging masaya naman ang customer ko. Hanggang ngayon ay umoorder pa rin sa akin ang client na nakuha ko sa sulit.com.ph at patuloy pa rin ang mga nag-iinquire at umoorder sa akin gawa ng sulit.com.ph. Marami akong kaibigang nilapitan, pero lahat sila ay hindi na tumulong, sinermonan pa ako, mabuti pa ang sulit.com.ph, binibigyan na niya ako ng customers, tinulungan pa niya akong makabangon mula sa pagkakalibing ko sa utang at patuloy niya akong tinutulungan hanggang sa ngayon. Salamat SULIT.COM.PH ikaw ang tunay na kaibigan ko!
No comments:
Post a Comment