Feb 26, 2010
Kagaya ng dati “Buhay ka pa. Lol”. Masaya nanaman. Uulitin ang mga ginawa kahapon at sasakay ulit ng Jeep. Umalis ang jeep ng wala si Anime. Malungkot ang mga eyeballs ko at ang tatay ng iba ko pang balls. Napansin ko ang dalawa sa madalas kong makasakay, dati rati may contest sila na kung sino ang unang makakapang-libre yun ang astig, ngayon ata nawala na. Dati kasi pabilisin sila ng bumunot ng pera at medyo parang nag-aaway pa sa pagbabayad “Pare ito na!”, “Hindi ito na lang!”, “Hindi pare ito na lang!”, nagmumukha tuloy baliw ang aabot ng pamasahe, hindi alam kung alin ang iaabot sa driver. Mas ok pa sana kung ang awayan nila ay “Pare akong ng magbabayad! Meron akong 780 pesos dito!”, “Pare ako na lang mas marami ang pera ko sayo, may 1,025 ako dito!”. “Ok pare ikaw na!”. Ngayong umagang ito walang wala na iyan, napansin siguro nila na wala namang benepisyo kung sino sa kanila ang makapang-libre araw-araw. “Pare eto ang akin, nasan na ang sayo, bayad na tayo.” Iyan na ang pagbabagong naganap sa buhay nila. Naging praktikal, matalino at tahimik.
Nakarating ako sa trabaho ng di pinupulikat ang mga bituka at di nagmamadali dahil sa sakit ng tiyan. At trabaho na naman. Haaaaayyyy! 6:00pm, nagmamadali ako sa banyo para makapagpunas ng katawan pero may overtime pala kaya 8:00pm ako lalabas. O, 8PM na! Fastforward>>>. Takbo papuntang terminal. Swerte ko bading ang katabi ko, maarte pa naman takip ng takip ng ilong amoy pawis kasi ang damit ko, hindi ako ha! Ang damit ko. Wow! Starbucks. May hawak siyang kape na nagkakahalagang 100-200 pesos. Hmmm sarap yata niyan ha! Aalis na ang jeep. Pang 10mins na ng biyahe at isang beses ko lang siya nakitang sinipsip ang gintong kape. 20mins na wala pa ring kasunod ang unang tsupa. 30mins at bumaba siya na isang beses lang sinipsip ang gintong kape. Sa call center siya nagtatrabaho, ngayon gets ko na kung bakit isang beses lang niya tsinupa ang gintong kape.
No comments:
Post a Comment