Feb 25, 2010
Maganda ang gising ko, ang kisame pa rin namin ang una kong nakita. May nakasulat na “Buhay ka pa. Lol”. 'Yang sulat na iyan ang nagpapasaya sa aking pagising araw-araw. Nakakatakot na kasi kahit sa pagtulog maaring mamatay ang isang tao. Kahapon lang namatay ang Ninong ko dahil sa pagtulog, nakalimutan niyang gumising kaya di na talaga nagising. Noong isang Linggo naman namatay din ang pinsan ng kaibigan ko na halos ka-edad ko lang, dahil rin sa pagtulog. Kaya ang saya ko. Ako ang nagsulat sa “Buhay ka pa. Lol”. Gamit ang Pandang ballpen na kulay blue at binaligtad na kahon ng sigarilyong Hope. “Buhay ka pa. Lol”, yan ang nagpapatunay na sa mundong ito ako nagising, hindi sa lugar na maraming bulaklak at paru-paro o sa dagat ng apoy. Pero nakakainis pa rin dahil ang pagising kong ito ay para lang ubusin ang oras kong nakadilat ang mata sa trabahong nakakasawa. Araw-araw ganito. Masaya sa umaga, boring kapag nasa opisina na. Pagkatapos kumain ng dalawang pirasong tinapay at uminon ng di naman kainitang kape, papasukin ko na ang banyo para maglabas ng kulay brown sa kulay white na upuan, maliligo at magtutoothbrush. Ipopromote ko ang sachet ng Head & Shoulder, ang shampoo na ito ay napapatagal ko ng 8 araw, di kasali ang Linggo dahil di naman ako naliligo kapag Linggo. Ang ibang shampoo kasi 6 na araw lang ubos na. Bakit naman ako maliligo ng Linggo? Wala namang pasok tuwing Linggo, sarap magpuyat ng Sabado at gumising ng tanghali kinabukasan. Kung maliligo man ako ng Linggo siguro kung may date ako. Impossible! Di ako magkakaroon ng kadate. Kung magkakadate man ako, gusto ko sa crush ko. Ganoon ako ka loyal sa mga babae. Crush ko pa lang loyal na ako, paano pa kapag nagmamahalan na kami. Si Anime ang crush ko, binansagan ko siyang anime dahil mukha siyang anime, cute, sexy, malaki ang kinabukasan, mapang-akit na pwet at demonyitang ugali. Suplada siya. Palagay ko lang. Sa ganda niya kasing iyon parang di bagay sa kanya ang maging mabait. Dapat kapag ganoon ang itsura mo, mataray at masungit ka dahil kung di ka magtataray at magsusungit, parang sinisira mo ang salitang NO ONE IS PERFECT, pwede ring Nobody is perfect. Perfect ka na kapag maganda ka tapos maganda pa ang ugali, walang thrill, lahat ng manliligaw sasagutin mo sigurado dahil ayaw mong may nasasaktan ka kasi nga mabait ka.
Lagi kong nakakasabay sa jeep si Anime. Oo nga pala ang tunay niyang pangalan ay May, pero Anime na lang dahil parang calendaryo siya kung May. Ngayong umaga umaasa akong makakasabay ko siyang muli. Hindi ako yung tipong nakikitabi sa mga chicks tuwing sasakay ng jeep. Iniiwasan ko silang makatabi, uupo lang ako sa harap ng chicks o malapit sa harap nila, palalampasin mo ba ang posibilidad na makasilip ka sa miniskirt niya? (kung naka-miniskirt man). Kahit alam ko namang tela lang ang makikita sa mga nakaminiskirt kong nakakaharap ay napapasulyap pa rin ako. Style lang yung nagiging malikot ang ulo ko na kunwari titingin sa kaliwa, kanan at baba. Matindi ang mga mata ko kahit hindi ako titingin ng diretso sa skirt alam ko kung nakalitaw ang panty o hindi.
Sa wakas at nakasakay rin. At tignan mo nga naman ang swerte. As usual, kaharap ko siya, si Anime. ‘Di ako mapakali kapag kasakay ko siya. Tingin sa kanan, medyo stop ng konti sa kanyang mga mata, tingin sa kaliwa medyo stop ng konti sa kanyang mga mata. Bwisit! Nakapantalon siya ngayon kaya sira ang Glancing Routine kong Kaliwa-Kanan-Medyo mabilis sa baba-Kanan-sa mata-Kaliwa-Sa skirt. ‘As usual din ang kanyang reaction sa jeep, magbayad, magbasa at pumara. “Para! ” sigaw ko sa driver dahil nakita ko na ang cute na cute na gate ng aming opisina. Trabaho buong araw. Uuwi. Kakain at matutulog.
No comments:
Post a Comment