March 19, 2010 (unedited)
Matagumpay na natapos ang kahapon, kaya naman nandito ako ngayon. Parang tumigas ang mga muta ko ngayon, ramdam na ramdam ko na matutulis ang mga ito dahil nasasaktan ako habang inaalis ito sa pagkakadikit sa paligid ng aking mga cute eyes. Pipila sa bakery para sa apat na pisong tinapay na bibilhin. Magtitimpla ng kape para may sawsawan ang mga tinapay at iinumin ang pinagbanlawan ng pandesal, Coffee bread flavor. Tuwing nakaupo ako sa mesang ito na nag-iisang nag-aalmusal, naalala ko nung mga panahong magkakasabay kaming kumakain nina Itay, Inay, at ang dalawa kong barakong kapatid. Nakatulala sa mesa at unti-unting nagbeblurred ang paningin ko, naging black and white bigla ang paligid, ok, grayscale ang lahat ng bagay. Parang sa isang pelikula na biglang na warp ang isang bida sa nakaraan na kasunod ang senaryong luma ang pagkakaset. Dalawa o tatlong kulay laman ang makikita at blurry sa gilid na talagang para sinasabi sa mga manonood na “Hoy, luma ito, naiisip lang ito ng bida.” Ganyan na ganyan ang nangyari sa akin, pero hindi para isipin o balikan ang nakaraan, kundi nakatulog ako ng mga apat hanggang limang minuto. Hindi naman sa pagmamadali, pero ipoforward ko na...
>>> Nasa jeep na ako, dahil sa pagkakaforward ng istorya. Kasakay si Anime, pero wala ako sa mood na manyakin siya. Ayaw maalis sa isip ko ang kalungkutan ng mesa namin kanina. Ang dalawa ko kasing kapatid, alas-tres pa magigising dahil sa puyat kakalaro ng DOTA, kaya wala akong nakakasabay na kumain sa makasaysayang mesang iyon. Naalala ko na tuwing may nakakapang bubble gum si Itay, ako kaagad ang tinatawag upang ipatanggal sa akin ang hindi ko namang idinikit na bubble gum. Kulangot ang madalas kong idikit, at laging swerte si Itay dahil kapag nakakapa niya ito siguradong tuyo na. Kakaiba nga tayong mga Pilipino pagdating sa Bubble gum at kulangot. May pagkakatulad ang dalawang bagay na yan, pareho silang idinidikit sa ilalim ng mesa, ilalim ng upuan sa paaralan, ilalim ng upuan sa Jeep, sa mga singit singit ng bus. Ang tanging nakikita kong pagkakaiba ay ang kulangot ay lumalabas sa ilong at ang bubble gum ay sa bibig. Hindi rin gaanong madikit ang kulangot, pero sapat na ang dikit nito para maidikit sa ilalim ng mesa. Ang bubble gum rin ay madalas na maging isyu sa paaralan, dahil idinidikit ito ng mga pilyong estudyante sa uupuan ng iyakin nilang kaklase. Kapag mahaba-haba ang sungay ng estudyante ay madalas sa buhok ng mga losers niya ito idinidikit, na kerosene gas naman na siyang pantanggal ng ina ng batang biktima.
Masarap katabi si Anime, tuwing nakapantalon, pero kung nakaminiskirt, mas masarap siyang kaharap kaysa sa katabi. Apat na katao ang pagitan namin. Hindi ko siya kaharap at katabi, kaya kahit gustuhin ko man na manyakin siya, no chance din.
No comments:
Post a Comment