Sabado, good time mamaya, good time ng mga magsasahod sa amin. Hindi ako sasama dahil sayang na sayang lang ang pera, isa pa hindi ko na rin kaya ang uminom ng alak. Ang daming taong nag-gu-good time pagkatapos nilang sumahod, at marami pa ring mga tao ang nagsasabi na mahirap ang buhay. Mahirap ba talaga ang buhay? Pagkatapos kong mapanood kagabi ang Schindler’s List , nakita ko ang kahirapan ng buhay, ang kahirapan ng buhay noong World War II. Kitang-kita ang paghihirap ng mga Jews, at alam din nating lahat na naghirap din ang ating mga ninuno sa kamay ng mga hapon. Sakop tayo ng isang bansang ‘di man lang marunong mag-english. Kahit anong gustuhin nilang gawin ay kaya nila, mang-rape, pumatay, magnakaw at kahit ano pang pang-aabuso. Wala kang laban kung isa ka sa mga biktima ng karahasan ng mga hapon, kung may magtatanggol man sa iyo, tiyak rin ang kanilang kapahamakan. Ngayon, sinasabi ng mga tao na mahirap daw ang buhay ngayon. Gaano ba kahirap ang sinasabi nila? Mas mahirap ba sa mga naranasan ng ating mga ninuno noong panahon ng mga Hapon? Mahirap ang buhay, nakakatawa, nakakatawa lalo na kung literal mong babasahin, ano ba ang mas mahirap? Ang buhay o ang patay? Mas mahirap ang patay. Kailan ba mawawala ang hirap ng buhay na sinasabi nila? Walang katapusan, dahil sa totoo lang sila lang ang nagpapahirap sa buhay nila. Sinasabi rin ng iba, sa Pilipinas daw di ka aasenso, hindi ganyan ang paniwala ng mga negosyanteng mga Koreano at mga Intsik sa ating bansa, ang paniniwala nila, sa Pilipinas lang sila aasenso. Kung kaya ng mga banyaga na umasenso dito, bakit hindi natin kaya? Dahil walang puhunan? Sino nga ba ang madalas magsabi na walang asenso sa Pilipinas? Sila ang mga taong laging naka-upo sa sugalan, tambay sa kanto, mga tamad maghanap ng trabaho, mga nagtatrabahong nagpapakalunod sa utang at mga empleyadong pagkatapos sumahod ay nag-iinuman. Kung gugustuhin lang nila ay kaya nilang humanap ng puhunan para magsimula ng sariling negosyo, tamad lang sila. Nasasabi nilang walang asenso sa ating bansa, dahil sila ay walang asenso, at wala silang asenso dahil sa paniniwala nilang hindi sila aasenso. Sa bagay kahit maniwala kang may asenso dito kung tamad ka naman ay balewala rin.
Salungat naman sa sinabi ko, meron din palang umaasenso kahit tamad. Ang kapit-bahay kong si Anna, nang dahil lang sa kaka-internet, nagkaroon na siya ng kotse, papalit palit ng cellphone, laptop, magandang bahay at higit sa lahat nagkaroon ng lolo na tinuturing niyang asawa. Isang 3M na amerikano, MATANDANG MADALING MAMATAY, teka, baka British iyon o kaya ay Australiano. Ganyan kasi tayong mga Pinoy eh, kung makakita ng puti, automatic na Amerikano siya para sa karamihan sa mga Pinoy. Hindi kasi sikat sa Pilipinas ang salitang Scotish, British, Russian, Indian, Irish at iba pang lahi, basta ang alam lang natin ay, Amerikano ‘pag puti, Negro ‘pag itim, Intsik, Hapon at Koreano kapag singkit, kapag medyo maputi sa Negro at maganda ang mata na amoy patis na may halong bagoong at itlog na maalat, 100% sure bumbay siya. Kung Russian man siya at kakulay ni Owen Wilson, sa atin hindi siya Russian, isa siyang Amerikano. Kapag naman nalaman natin na hindi pala siya sa America nakatira, kundi sa Russia, iko-consider naman siyang Amerikanong nakatira sa Russia. Teka nga pala, si Anna baka makatakas sa tsismis na ito, bigla na lang siyang nagkaroon ng asawa, walang kasalang naganap, basta na lang nangyari ng bigla. Apat na beses mong uulitin ang edad ni Anna sa edad ng sudden husband niya, at may balance pa siguro si Anna ng limang taon. Basta si Anna madalas noon pumasok sa internet café, dahil ang café ay isang parang restaurant na may computer na maaring gamitin para makapag-internet, iyon ang internet café. Kaya sige, si Anna noon madalas pumasok sa Internet shop na malapit lang sa bahay namin. Si itsura noon ni Anna, hindi man lang siya mukhang nag-iinternet, mas iisipin mo pa siyang isa dalagita na pumapasok sa isang internet shop, hindi para mag-internet, kundi ma-amaze ng walang katapusan sa nagagawa ng computer, na-aamaze sa powerpoint, solitaire at paggalaw ng mouse cursor. Ganyan ka inosente si Anna. Lintik na bata, may kachat na palang lolo na magpapayaman sa buo niyang Pamilya. Malaki ang naging pagbabago ng buhay ni Anna at ng kanyang pamilya. Ang dating nanay niya na nakikipagtsismisan tuwing umaga tungkol sa masasamang ugali ng mga katsismisan na absent ay hindi na ngayon nakikipagtsismisan, isa na siyang dakilang Jugger Mom, ang dating nakabestidang pang FPJ na pelikula, ngayon ay nakashort na at rubber shoes na may tuwalya sa balikat habang nagjajugging kasama ang mga nanay na dating gusgusin, na ngayon ay Jugger na rin dahil sa mga anak na pinalipad sa abroad upang doon maghanap ng asenso. Marunong na ring magfacebook ang nanay ni Anna at doon ibinubuhos ang kayabangan niya. Siguro ayaw na rin niyang patawag na Aling Puring, siguro dapat Ms. Puring na, dahil ang anak niya ay nakapangasawa ng taong kasing tanda ng tatay niya.
Kapag nga yumayaman ka, iniiwan na ang mga salitang pangmahirap lang, kagaya ng Aling. Ang Aling ay para sa mga mahirap at simpleng babae lamang, na nagkakaedad ng 40 above. Isa sa mga bayani ng pagpapalit ng salitang mayaman ay ang nanay ni Pacquioa, na si Aling Dionisia, na dapat ay Lola Dionisia. Ayaw na niya ang nanay Dionisia at Aling Dionisia, dapat daw Mommy Dionisia na, at para mas IN, dapat Mommy D. Kasi nga naman ang salitang nanay at aling ay para lang sa mga babaeng under 1,000 lang ang perang nahahawakan, para sa mga babaeng tig-60 lang ang damit, para sa mga babaeng nagpapanty ng maluluwang at mala bacon na ang garter, para sa mga babaeng nangangamoy usok na, para sa mga babaeng nagtatago sa mga naka-motor na naniningil ng utang. Si Mommy D ba ay qualified pa ba sa salitang Aling at Nanay? Hindi na. Dahil sa guhit guhit pa lang sa mukha niya mas qualified siya bilang isang Lolang nagkakalat sa mga lokal na istasyon ng telebisyon. Ang nakakapagtaka, bakit porket nanay siya ni Pacquioa ay instant celebrity na? Wala naman siyang talent, wala naman siyang appeal. Ibig sabihin, ginagamit siya ng mga media para sumikat ang kanilang programa, pati nga mga patalastas ay ginagamit siya dahil alam nilang sikat. Takot na takot ang mga media kay Pacquiao at kay Lola D, dahil hindi nila kayang i-correct ang mga salitang dapat i-correct sa kanila, kahit anong patalastas pa ay siguradong madali lang nilang natatapos pagdating sa shooting, kahit may mali hindi kayang sabihin ng director sa mag-ina na; “Ulit! Mali ang pagkakabigkas mo eh”. Hinding hindi nila magagawa yan.
NEXT
No comments:
Post a Comment