Sunday, April 4, 2010

031310 - May Baka, May Baka na Hugis itlog

March 13 (Unedited)
                Tuwang tuwa ang itsura ng baka na nakaprint sa noodles na babanatan ko ngayong umaga, ipinapahiwatig ng label ng noodles na ito na kada bili mo ng noodles na may flavor na beef ay isang billiong baka ang natutuwa sa iyo dahil isa sa mga kalahi nila ay ginawang pulbos ang laman at inilagay sa maliit na pakete sa loob ng noodles. Di lang ang mga baka ang natutuwa tuwing ginagawa silang panangkap sa pagkaing tao, kundi pati mga manok at baboy din. Sarap ng smile nila parang totoong masaya na naging flavor sila sa tig-8 pesos na noodles. Kung kayang tayo ay masakop ng mga aliens at gawin tayong mga flavor sa pagkain nila, nakasmile din kaya tayo sa mga Muru-Muru Noodles Human Flavor, Sawarusi Chips Female Human Flavor, Kusimu Tarim with Old Human Eye, Fresh Option: Human Flesh – P40 per kilo, Human Intestine P12 Per Kilo tapos may tarpaulin na nakahubad na tao na nakasmile sa shop na iyon, ang cute din siguro parang chicken flavor lang. Kawawang baka hindi ko man lang malasahan sa noodles na ito, mas lasang dagat dahil sa alat, dapat dito Noodles Ocean Flavor. Napansin ko nga pala ang presyong P6.00 Only sa plastic pero bakit 8 pesos na binebenta? Ang daming ganitong kaso sa mga produkto na binebenta ng mga sari-sari store, may presyo na sa label tapos inooverwrite pa nila ng magic marker, sa bagay di mo sila masisi dahil sa napakaliit lamang ng tubo nila kaya may sarili silang VAT, may Vat na sa mga binibili natin, may tax na sa sahod natin at meron pang mga underground vat sa mga sari-sari store.
                Habang nagaalmusal ako dinig na dinig ko ang kantang sikat na sikat ngayon para sa bagong sistema ng election “May Bilog, May Bilog na Hugis Itlog.” Sana di na abutan ng mga magiging anak ko ang kantang ito dahil baka matatak sa kanilang isip na ang hugis ng mundo natin ay hugis itlog, ok pa sana kung ang kanta ay “May oblong may oblong na hugis itlog” o kaya naman ay “May oval may oval na hugis itlog”. Sa bagay di rin natin masisi ang gumawa ng kanta baka nakatingin sa egg yoke nung ginawa ang kanta kaya naisulat niya na bilog ang itlog, pwede ring nakatingin siya sa mga itlog ng mga suso na grupo ng mga bilog bilog na kulay pink na nagkadikit dikit, o baka naman tinitignan niya ang itlog ng nakabaligtad kaya naging bilog ang hugis nito.
*Yellow na parte ng itlog minsan tinatawag na RED/PULA ng mga  kapampangan.
                “Oo sir! Parating na po ako! Sensiya na po ang bagal kasi ng nasakyan ko kaya malelate ako ng anim na buwan, siyam na taon na po kasi kaming naglalakbay patungo sa kawalan” isang gawagawang tawag, kunwari tinawagan ako ni Boss dahil late na ako, gusto ko lang kasing ipabatid sa driver ng jeep na nasakyan ko na pinatunayan niyang hindi ang pagong ang pinakamabagal sa buong mundo kundi ang pagmamaneho niya at ang bulok niyang jeep. Dinededma lang ako dahil mukhang nag-eenjoy siya kay Tom Jones, di gaanong halata ang earphone niya kaya nasayang ang effort kong paringgan siya. Si Anime, bawat araw na di ko siya makita lalong tumitindi ang sikat ng araw at ang init ng pag-ibig ko sa kanya. Anime kung nasaan ka man ngayon sana maisip mo rin na minsan sa jeep ay nagkatabi tayo sa front seat at sa buong oras na katabi kita tanging ang pagkikiskisan ng ating mga balat sa kamay ang aking nadarama at nais kong malaman mo na magiging asawa rin kita balang araw, kaya wag kang magpapavirgin kahit kanino dahil akin ka lang. Sana virgin pa siya!

NEXT

031410 - Manny

No comments:

Post a Comment