Nararamdaman kong naging puso na ang mga bilog sa aking mga mata. Hinawakan pa ni Anime ang aking mga kamay bago ako tuluyang lumayas sa pamamahay nila, ang bait pala ng Mama niya, na Mama ko na rin; Soon! Binigyan niya ako ng tsinelas na may tatak na Crocs, nakabox pa nung binigay niya. Pagdating ko sa bahay doon ko naramdaman ang isang matinding sakit ng katawan at hapdi sa aking talampakan, may mga nakasuksok na tinik ng makahiya at isa isa kong binunot gamit ang pangtanggal ng balahibo sa kili-kili ng nanay ko. Kahit gaano kasakit ang nadarama ng mga talampakan ko ay siya namang ligaya ng aking puso dahil sa kaibigan ko na si Anime.
March 15, 2010
Kahit sa panaginip ay si Anime ang leading lady ko, kaya naman masarap ang gising ko dahil malapit ng maging katotohanan ang matagal kong ng pinapangarap. Sakay ng jeep, naghihintay na makasakay ang leading lady ko. Isang minuto ang lumipas at wala pa rin siya, dalawa, tatlo, siyam, sampong minuto at wala talaga siya. Aalis na ang jeep na wala ang ina ng mga magiging anak ko. Sarap ng tulog ng kaharap ko, iba-iba na ng direksiyon ang kanyang ulo, left-right-right-left-right. Sa kanang bahagi niya ay may dalawang magkumare na wala ng ginawa kundi pag-usapan ang buhay ng may buhay. Si ano daw inano ni ano na ano ni ano na umano kay ano na inano ni ano, ano raw? Kung makapagkwento ang isa may papalo palo pang nalalaman, kada salita niya napansin kong pinapalo niya muna sa kamay ang kausap na isa pang tsismosa. Ang usapan nila tungkol kay kuwan ay napunta sa dagang napagbintangan na pumunit ng damit ng tsismosa #1, sumagot naman si tsismosa #2 na “Ay mare baka minumura ng anak mo ang mga daga kaya nila pinunit ang damit niya”. Madalas ko ring marinig ito sa nanay ko, hindi daw dapat minumura ang mga daga dahil gaganti sila at pupunitin nila ang mga damit mo. Ang tindi naman pala ng mga daga, nakakaintindi sila ng mga mura ng tao, pero hindi nakakaintindi ng ibang salita. Curious tuloy ako kung naintindihan nila kung english ang mura sa kanila “Fucking Rat!”. Ang isang matindi pa sa mga dagang ito ay alam kung saan nakatago ang mga damit mo. Kung ako naman ay mas takot ako sa mga ipis, dahil kahit hindi mo minumura sinisira nila ang mga damit ko, yung mga maliliit na butas sa mga damit ng tao, madalas ipis ang may sala sa mga iyon, hindi daga.
Ilang beses na rin akong napapahiya sa jeep tuwing may magbabayad at tiyempo namang malapit ako sa driver, naghihintay muna ako ng konting sandali bago ko iabot, baka kasi ang kaharap ko o ang katabi ko ang magmamagandang loob na iabot sa driver ang bayad, dahil sa pare-pareho kami ng iniisip na baka iabot ng iba, pare-pareho kaming hindi kumikibo, kaya naman kapag wala akong nakikitang kumikibo , iyon ang tamang oras para kunin ko ang pera ng nagbabayad, sa kasamahang palad, dalawa o tatlo kaming sabay-sabay na kukuha sa bayad at magkakahiyaan pa para lang di mapahiya ang isa’t-isa, at ako ang laging napapahiya, nilaladlad ang kamay sa ere. Kung may choice lang talaga ako, ayaw na ayaw kong umuupo sa bandang likuran ng driver dahil siguradong magiging taga-abot ako ng bayad at napapahiya pa minsan. Tulogtulugan ang pinakamadaling paraan para may excuse sa pag-aabot ng bayad ng iba. Ang problema nga lang ay tuwing may chicks na kasakay, sayang kung tutulugan mo lang. Kapag may kasakay akong chicks, ipinapakita ko sa kanya na gusto ko siya o napapansin ko siya sa pamamagitan ng pasulyap-sulyap sa kanya, at sa kanyang triangle kung naka-miniskirt, pakiramdam ko rin na kapag pasulyap-sulyap sa akin ang isang babae, gusto niya akong maging boyfriend, madali ko lang mahuli ang mga babaeng pasulyap-sulyap sa akin, hindi na kailangan ang harap harapan ko pang tignan sa mata para lang mahuli, ang kailangan lang ay tumingin sa side niya, kahit saang side ok lang basta malapit sa kanya, mahuhuli iyon ng mata mo.

Pagkababa ko sa jeep, nakita ko ang apat na nilalang na naghihintay na makatawid ang mga sangkatutak na sasakyan. Nakisali ako sa apat kaya lima na kami, lima na kaming tanga. Imbes na ang mga sasakyan ang hihinto para sa amin, kami ang naghihintay na maubos ang mga dumadaan na sasakyan para makatawid. Sayang nga naman ang buhay, kung mamamatay ka rin man lang sa pedestrian lane pa, di bale may bayad naman kapag sa pedestrian lane napisa ang bituka at utak ko. Isa sa mga kasama kong tanga ay nagbukas ng candy at itinapon na lang ng basta basta ang balat sa daan, dinagdagan ang mga dati ng nakakalat, kagaya ko rin siyang tapon lang ng tapon ng pinagbalatan ng candy kahit saan. Pangit man sa mata ng iba, pero ang aming pagkakalat ay may naidudulot ring mabuti para sa buhay ng iba, kaming nagkakalat ang nagbibigay ng trabaho sa mga nagwawalis sa kalsada, kung wala kaming nagkakalat at malinis ang kapaligiran, tiyak na wala rin silang trabaho. Kung papatayin lahat ng mga nagkakalat sa daan ngayong araw na ito, isang Linggo lang mamamatay na rin ang mga Aide at mga Janitor at Janitress sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho, na siya namang ikabubuhay ng mga embalsamador dahil sa pagkakamatay ng mga nagkakalat. Siguradong ¼ na lang ang matitira sa populasyon ng Pilipinas kung papatayin lahat ang mga nagkakalat. Paano pa kung isasali ang mga tsismosa at tsismoso sa mga papatayin, edi mga bulag, pipi at bingi na lang ang natira sa bansa.
Pagkatapos makadaan ng pang 2,901,100,121,001 na sasakyan, nakadaan rin kami ng apat pang tanga. Hindi naman ako nalate dahil advanced pala ng kalahating oras ang relo ko. Mukhang badtrip si Chicken dahil nawawala daw ang mga skyflakes niya at naubos ang kape, asukal, green tea at mga gummy bears. Hindi ko aaminin na ako ang kumain, dagdagan ko na lang ang points ko kay Satanas, isang guhit sa blackboard ni Satanas.
NEXT
NEXT
No comments:
Post a Comment