Thursday, April 22, 2010

031610 - May Farmville sa ilong ng bawat tao

March 16, 2010
                Martes. Si Anime nanaman ang panaginip ko, at may pagtatalik pang naganap. Ganoon na ba talaga ka desperado ang pag-iisip at imahinasyon ko? Matigas si eight equals equals equals D, pero walang wet dreams na naganap. Hindi ko na kaya, kaya naman babastusin ko na si Anime. Up-down-up-down-up-down repeat 200x, walang tissue kaya ang kumot na lang ang magsisilbing tissue sa mga lumabas ng milyong-milyong microscopic butete. Hindi makayanan ng ilong ang kinakailangan kong hangin dahil sa pagod na nadama, pati bibig sumisipsip na rin ng oxygen. Kung ilong lang kasi ang gagamitin ko medyo masagwa ang sounds, may tunog, katunog nung sounds na nalilika sa mga dahon ng saging, parang mahinang iyak ng sisiw. Sounds na nagagawa lamang ng mga tumigas na kulangot na nakasabit sa maiitim na damo sa loob ng ilong ng tao. Isang kagubatan ang loob ng ilong natin para sa mga langgam, ang balahibo ay siyang mga puno at ang kulangot naman ang mga bunga, malalaman na maari ng i-harvest ang kulangot kung may tunog na ang paghinga mo at kung medyo nahihirapan ka ng huminga. Masarap ang pakiramdam pagkatapos ng paghaharvest, instant menthol, ang lamig sa ilong ng hangin. Hindi ko alam kung pare-pareho ang amoy ng kulangot pero kapag nakadikit pa ito sa pader ng ilong ng tao ay di naamoy, pero kapag in-harvest na natin ito at medyo mabasa-basa pa ng konti, subukan mong amuyin ang daliring pinangharvest, doon mo palang malalaman na ang kulangot pala ay may amoy rin, madalas amoy pancit canton ang sa akin. Alam ko nararanasan rin ng iba ang pagiging barado ng isang ilong tuwing gabi at alam din nila ang teknik na kapag bumaloktot ka pakanan, yung itaas ng parte ng ilong mo ang makakahinga ng maluwag at ang sa ibaba naman ang magsasara ng tuluyan, ganoon din kapag bumaluktot ka ng pakaliwa, basta laging ang sa taas ang bida pagdating sa pagsipsip ng oxygen.
                Ang sama-sama ko na talaga. Kung mamamatay ako ngayon at tanungin ng Diyos ng “Bigyan mo akong dahilan para papasukin kita sa aking kaharian.” Ano kayang dahilan ang maibibigay ko? Hanggang boso lang po ako at imahinasyon, di po ako nakikipagsex sa mga aso at sa mga mukhang aso. Virgin pa po ang katawan ko, isip lang po ang laspag. Gumawa na rin po ako ng kabutihan, pero di ko na maalala kung ilan at kung paano. Hindi po ako nagnanakaw ng marami, kapag nagsisinungaling po ako nininerbiyos rin. Valid kaya sa Diyos ang dahilan ko? Sana hindi na impiyerno ang parusa sa mga makasalanan, sana lagyan na lang ng meter ang ilong nila at babayaran na lang ang oxygen na sinisipsip araw araw. Piso kada inhale, may penalty kapag pinipigilan. Kung kayang ganoon nga ang gawin ng Diyos ngayon?  Kawawa sigurado ang mga mahihirap paniguradong patay silang lahat. Ang bait ng Diyos dahil hindi niya ginawa ang bagay na iyon, lahat libre. At ang bait niya dahil buhay pa rin ako. Ayan may ginawa na akong kabutihan, pinupuri ko ang Diyos. Sa bagay sabi ng mama ni Poknat na ok lang daw na mamatay na makasalanan dahil may purgatoryo naman daw, magpapamisa lang daw at ok na. Magbayad ka lang sa Pari para ipagdasal ang makasalanan mong kaluluwa at libre heaven ka na, say goodbye to hell. Hindi ko alam kung maniniwala ako, wala akong alam sa bibliya, pero parang unfair ang sistema na iyon, ang dating kasi ay nasusuhulan ang Diyos sa pamamagitan ng pagbayad sa misa. Paano kung wala kang pera at wala kang kamag-anak na magdadasal para sa iyo?  Kung ganoon ang sistema ng Diyos bale wala rin ang pagsamba sa kanya at pagawa ng mabuti dahil mababayaran naman ng misa ang mga kasalanan mo. Totoo ba na pwede ka pang ipagdasal kapag namatay ka na? at ang dasal ng mga kaibigan o kamag-anak mo ang maghuhusga sa iyo kung sa langit o sa impiyerno ang biyahe mo. Dapat pala hindi Jesus is my Savior, dapat pala Poknat’s prayer is my savior therefore Poknat is my savior.
                Naunang tumayo sa akin si eight equals equals equals D, kalawa lang ako. Iinom ng Cup of Sugar, dahil mas marami ang asukal kaysa sa kape, papasok sa trabaho at uuwi, iyan lang ang routine ko araw-araw, paulit-ulit lang. Siguro sa kung isasagad ang buhay ko ng Diyos 70-80 years lang ang itatagal ko, meron pa akong  16,426 na araw sa mundo, 394,224 kung ikoconvert sa oras, at 23,653,440 na minuto para mabuhay, kahit pala bayaran ni Villar ng piso kada minuto ng nalalabing oras sa buhay ko ay may sobra pa siya para bayaran akong muli kung sakaling mabuhay akong muli.

NEXT

031710 - Sobre ng Kamatayan

No comments:

Post a Comment