March 14
Holiday ngayon sa buong Pilipinas, wala munang giyerang mangyayari sa Mindanao, walang Holdapan, walang mga snatchers, walang rapist, walang gaanong sasakyan, walang gaanong traffic at hindi ko makikita si Chicken, hindi kagaya noong February 28 na kahit linggo ay may pasok kami at noong March 7 naman wala ngang pasok ako naman ang nakapasok sa kulungan kasama ang mga rugby boys na binuro sa sinigang sa tubig. Lahat ay nasa bahay hinihintay ang laban ni Pacquiao, mananahimik ang buong Pilipinas dahil sa laban niya. Uulan din ng mga bali-balitang talo siya o panalo siya. Bali-balita lamang yan, pero may mga balitang totoo dahil mas nauunang nakakapanood ang mga nagbayad para mapanood ang laban ng live at sila ang sumisira ng kaligayahan ng mga kagaya kong umaasa lamang sa istasyon na magpapalabas ng latak ng laban ng pambansang kamaho. Kailangang patayin ang cellphone para hindi makatanggap ng mga text kagaya ng “Panalo siya 8th round, KO”, Iwasan rin ang mga flash news lalo na sa kalaban ng istasyong magpapalabas ng latak, siguraduhin ring patayin ang mga maiingay na kapitbahay dahil baka sila naman ang makabalita sa resulta ng laban at isisigaw nila na panalo si Pacquaio o kaya naman ay katukin ka sa bahay at ipagmalaki ang nabalitaan at kunwari nanood siya ng live. Tinitiyak ko rin na tuwing laban ni Pacquioa na magpalipas lang ng ilang araw ay may taong idinedemanda ng mga Fans ng Lupang Hinirang. Ganyan ang mga tao sa barangay namin, hindi ko lang alam sa ibang parte ng Pilipinas.
Ugali na nating pag-usapan ang mga napapanood sa TV, DVD, VCD, VHS, Beta Max, Sine at sa Internet. Hindi kagaya sa ibang bansa na kapag pinag-usapan ang isang napanood, pinag-uusapan nila ang possibleng kasunod ng napanood, ang mga dapat at di-dapat, mga negative at mga positive at iba-iba pang mga dapat pag-usapan. Hindi ganyan kung magtipon-tipon ang mga kabarangay ko para pag-usapan kung ilan ang buhok ni Boy Abunda at ilan ang tigyawat ni Piolo Pascual. Kung pag-uusapan nila ang isang pelikula ay parang competion rin, isang contest ng paramihan ng napanood, “Nakita mo ba nung lumipad siya sa bangin? Hehe”, “Oo, nakita ko yon ayos nga, tapos nakita mo nung pinalo niya sa ulo yung pagong?”, “Oo astig yon pre, Eh yung binatukan niya sa paa yung kalaban nakita mo?”, “Di ko gaanong napansin pre pero nung sinampal niya sa buhok yung shaolin kitang kita ko.”. ‘Yan ang mga kabarangay ko na nagpaparamihan ng napanood na scenario sa isang pelikula. Mas grabe kung mga tambay sa kanto ang mag-uusap usap tungkol sa laban ng Ginebra dahil kung isisiksik sa cuneta astrodome ang murang pinapalabas ng mga cute nilang dila ay di magkakasya, “Putang Ina pare si Menk astig yung assist niya kay Dennis Rodman na-steal nga lang ni Tigerwoods, putang ina pare buti nandoon si Robert Akizuki kaya nakahabol din.” Kaya kung taga rito ka sa amin at manonood ng pelikulang nabili sa mga bangketa tiyakin mong hindi ka kukurap habang pinapanood mo para 100% mong napanood ng wala ni isang kurap sa iyong mga mata, tiyak na talo ang magiging kakuwentuhan mo, sana minsan pag-usapan din nila kung ano ang mga nakasulat sa Acknowledgement, kung sino ang director at producer, sino ang mga extra at kung sino ang nagburn ng pirated na DVD.
Niyayaya ako nina Poknat na pumunta mamaya sa isang Haunted House... Itutuloy (abangan niyo dahil sa Haunted House na iyon ko matatagpuan ang isang bagay na magpapalapit sa amin ni Anime)
NEXT
NEXT
No comments:
Post a Comment