Kagaya ng nakalipas na araw, sakay nanaman ako ng jeep, kaharap ang isang walanghiyang studyante na nagbabasa ng playboy magazine sa harap ng maraming tao. Napadaan sa isang simbahan, nagsign of the cross pa ang tinaman, nagsign of the cross din ang ilan sa mga kasakay ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang istilong ito, pero cool tignan. Tinanong ko ang isa sa mga nagsign of the cross kung bakit nila ginagawa ang bagay na iyon at ang sagot niya ay, "Isang paggalang iyon sa Diyos, kahit ikaw dapat gawin mo ito tuwing dadaan ka sa mga simbahan." Ilang minuto pa at napadaan kami sa isa pang simbahan at ginawa ko nga ang sign of the cross, nakapagtatakang ako lang ang nag sign of the cross at parang gusto pa nila akong pagtawanan. Siguro isang beses lang talaga dapat ginagawa iyon. Hindi mapigilan ng taong nagturo sa akin na magsign of the cross ang kanyang tawa kaya tumawa siya at sinabing "Sa mga simbahan lang ng katoliko mo dapat ginagawa iyan, Iglesya ni Cristo ang simbahang iyon, hahahaha!". Nakakatawa, ngayon lang niya sinabi, dahil sa kanyang tawa nakita ko na ring napangiti ang iba kong kasakay. Isang malibog na nagsign of the cross sa harap ng Iglesya ni Cristo, napakagandang balita nito, tiyak na ikakalat ng mga kasakay ko ang nakita nilang kapalpakan.
Miss na miss ko na si Anime, bakit kaya di ko na siya nakakasakay? May sarili na ba siyang sasakyan? o may naghahatid na sa kanya? Ilang segundo lang ang lumipas pagkaisip ko kung may naghahatid sa kanya, isang itim na kotse ang nakabukas ang mga salamin at kitang-kita ng dalawang bilog sa aking mata ang isang poging-pogi na lalaki na nagmamaneho at sa side niya ay si Anime. Isang malakas na paglindol ang naganap, isang baha, sunog, pagsabog ng bulkan at katapusan ng mundo sa loob ng aking dibdib. Nasira lahat ang pangarap ko at hindi dapat ako matutulog mamayang gabi dahil hindi na ako magigising sa sobrang kalungkutan. Magtatrabaho ako ng wala sa mood ngayong araw na ito, gusto kong umiyak at magpakatiwakal, pero hindi ko kaya dahil baka susunod si nanay sa akin 'pag nangyari iyon. Pagdating ko sa trabaho, isang envelope ang iniabot ng isa sa mga katrabaho ko sa akin, galing daw kay May. Natatakot akong buksan ang sobre ng kamatayan, isa itong invitation para sa kasal niya, 'wag naman sana, hindi naman siguro ito 7th birthday, lalong hindi binyag, basta ikakamatay ko kung isa itong wedding invitation. Eto na bubuksan ko na, unti-unting nahuhulog ang batik batik kong pawis. Slow motion ang pagtaas ng cover ng sobre, binubuksan ko na. Malapit na, malapit na malapit na...
Itutuloy mamaya.
NEXT
No comments:
Post a Comment