Tuesday, April 27, 2010

031710 - Sobre ng Kamatayan

March 17, 2010

Kagaya ng nakalipas na araw, sakay nanaman ako ng jeep, kaharap ang isang walanghiyang studyante na nagbabasa ng playboy magazine sa harap ng maraming tao. Napadaan sa isang simbahan, nagsign of the cross pa ang tinaman, nagsign of the cross din ang ilan sa mga kasakay ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang istilong ito, pero cool tignan. Tinanong ko ang isa sa mga nagsign of the cross kung bakit nila ginagawa ang bagay na iyon at ang sagot niya ay, "Isang paggalang iyon sa Diyos, kahit ikaw dapat gawin mo ito tuwing dadaan ka sa mga simbahan." Ilang minuto pa at napadaan kami sa isa pang simbahan at ginawa ko nga ang sign of the cross, nakapagtatakang ako lang ang nag sign of the cross at parang gusto pa nila akong pagtawanan. Siguro isang beses lang talaga dapat ginagawa iyon. Hindi mapigilan ng taong nagturo sa akin na magsign of the cross ang kanyang tawa kaya tumawa siya at sinabing "Sa mga simbahan lang ng katoliko mo dapat ginagawa iyan, Iglesya ni Cristo ang simbahang iyon, hahahaha!". Nakakatawa, ngayon lang niya sinabi, dahil sa kanyang tawa nakita ko na ring napangiti ang iba kong kasakay. Isang malibog na nagsign of the cross sa harap ng Iglesya ni Cristo, napakagandang balita nito, tiyak na ikakalat ng mga kasakay ko ang nakita nilang kapalpakan.

Miss na miss ko na si Anime, bakit kaya di ko na siya nakakasakay? May sarili na ba siyang sasakyan? o may naghahatid na sa kanya? Ilang segundo lang ang lumipas pagkaisip ko kung may naghahatid sa kanya, isang itim na kotse ang nakabukas ang mga salamin at kitang-kita ng dalawang bilog sa aking mata ang isang poging-pogi na lalaki na nagmamaneho at sa side niya ay si Anime. Isang malakas na paglindol ang naganap, isang baha, sunog, pagsabog ng bulkan at katapusan ng mundo sa loob ng aking dibdib. Nasira lahat ang pangarap ko at hindi dapat ako matutulog mamayang gabi dahil hindi na ako magigising sa sobrang kalungkutan. Magtatrabaho ako ng wala sa mood ngayong araw na ito, gusto kong umiyak at magpakatiwakal, pero hindi ko kaya dahil baka susunod si nanay sa akin 'pag nangyari iyon. Pagdating ko sa trabaho, isang envelope ang iniabot ng isa sa mga katrabaho ko sa akin, galing daw kay May. Natatakot akong buksan ang sobre ng kamatayan, isa itong invitation para sa kasal niya, 'wag naman sana, hindi naman siguro ito 7th birthday, lalong hindi binyag, basta ikakamatay ko kung isa itong wedding invitation. Eto na bubuksan ko na, unti-unting nahuhulog ang batik batik kong pawis. Slow motion ang pagtaas ng cover ng sobre, binubuksan ko na. Malapit na, malapit na malapit na...

Itutuloy mamaya.

NEXT

March 18, 2010 - YES! YES! YES! Late ako! (Edited)

Thursday, April 22, 2010

031610 - May Farmville sa ilong ng bawat tao

March 16, 2010
                Martes. Si Anime nanaman ang panaginip ko, at may pagtatalik pang naganap. Ganoon na ba talaga ka desperado ang pag-iisip at imahinasyon ko? Matigas si eight equals equals equals D, pero walang wet dreams na naganap. Hindi ko na kaya, kaya naman babastusin ko na si Anime. Up-down-up-down-up-down repeat 200x, walang tissue kaya ang kumot na lang ang magsisilbing tissue sa mga lumabas ng milyong-milyong microscopic butete. Hindi makayanan ng ilong ang kinakailangan kong hangin dahil sa pagod na nadama, pati bibig sumisipsip na rin ng oxygen. Kung ilong lang kasi ang gagamitin ko medyo masagwa ang sounds, may tunog, katunog nung sounds na nalilika sa mga dahon ng saging, parang mahinang iyak ng sisiw. Sounds na nagagawa lamang ng mga tumigas na kulangot na nakasabit sa maiitim na damo sa loob ng ilong ng tao. Isang kagubatan ang loob ng ilong natin para sa mga langgam, ang balahibo ay siyang mga puno at ang kulangot naman ang mga bunga, malalaman na maari ng i-harvest ang kulangot kung may tunog na ang paghinga mo at kung medyo nahihirapan ka ng huminga. Masarap ang pakiramdam pagkatapos ng paghaharvest, instant menthol, ang lamig sa ilong ng hangin. Hindi ko alam kung pare-pareho ang amoy ng kulangot pero kapag nakadikit pa ito sa pader ng ilong ng tao ay di naamoy, pero kapag in-harvest na natin ito at medyo mabasa-basa pa ng konti, subukan mong amuyin ang daliring pinangharvest, doon mo palang malalaman na ang kulangot pala ay may amoy rin, madalas amoy pancit canton ang sa akin. Alam ko nararanasan rin ng iba ang pagiging barado ng isang ilong tuwing gabi at alam din nila ang teknik na kapag bumaloktot ka pakanan, yung itaas ng parte ng ilong mo ang makakahinga ng maluwag at ang sa ibaba naman ang magsasara ng tuluyan, ganoon din kapag bumaluktot ka ng pakaliwa, basta laging ang sa taas ang bida pagdating sa pagsipsip ng oxygen.
                Ang sama-sama ko na talaga. Kung mamamatay ako ngayon at tanungin ng Diyos ng “Bigyan mo akong dahilan para papasukin kita sa aking kaharian.” Ano kayang dahilan ang maibibigay ko? Hanggang boso lang po ako at imahinasyon, di po ako nakikipagsex sa mga aso at sa mga mukhang aso. Virgin pa po ang katawan ko, isip lang po ang laspag. Gumawa na rin po ako ng kabutihan, pero di ko na maalala kung ilan at kung paano. Hindi po ako nagnanakaw ng marami, kapag nagsisinungaling po ako nininerbiyos rin. Valid kaya sa Diyos ang dahilan ko? Sana hindi na impiyerno ang parusa sa mga makasalanan, sana lagyan na lang ng meter ang ilong nila at babayaran na lang ang oxygen na sinisipsip araw araw. Piso kada inhale, may penalty kapag pinipigilan. Kung kayang ganoon nga ang gawin ng Diyos ngayon?  Kawawa sigurado ang mga mahihirap paniguradong patay silang lahat. Ang bait ng Diyos dahil hindi niya ginawa ang bagay na iyon, lahat libre. At ang bait niya dahil buhay pa rin ako. Ayan may ginawa na akong kabutihan, pinupuri ko ang Diyos. Sa bagay sabi ng mama ni Poknat na ok lang daw na mamatay na makasalanan dahil may purgatoryo naman daw, magpapamisa lang daw at ok na. Magbayad ka lang sa Pari para ipagdasal ang makasalanan mong kaluluwa at libre heaven ka na, say goodbye to hell. Hindi ko alam kung maniniwala ako, wala akong alam sa bibliya, pero parang unfair ang sistema na iyon, ang dating kasi ay nasusuhulan ang Diyos sa pamamagitan ng pagbayad sa misa. Paano kung wala kang pera at wala kang kamag-anak na magdadasal para sa iyo?  Kung ganoon ang sistema ng Diyos bale wala rin ang pagsamba sa kanya at pagawa ng mabuti dahil mababayaran naman ng misa ang mga kasalanan mo. Totoo ba na pwede ka pang ipagdasal kapag namatay ka na? at ang dasal ng mga kaibigan o kamag-anak mo ang maghuhusga sa iyo kung sa langit o sa impiyerno ang biyahe mo. Dapat pala hindi Jesus is my Savior, dapat pala Poknat’s prayer is my savior therefore Poknat is my savior.
                Naunang tumayo sa akin si eight equals equals equals D, kalawa lang ako. Iinom ng Cup of Sugar, dahil mas marami ang asukal kaysa sa kape, papasok sa trabaho at uuwi, iyan lang ang routine ko araw-araw, paulit-ulit lang. Siguro sa kung isasagad ang buhay ko ng Diyos 70-80 years lang ang itatagal ko, meron pa akong  16,426 na araw sa mundo, 394,224 kung ikoconvert sa oras, at 23,653,440 na minuto para mabuhay, kahit pala bayaran ni Villar ng piso kada minuto ng nalalabing oras sa buhay ko ay may sobra pa siya para bayaran akong muli kung sakaling mabuhay akong muli.

NEXT

031710 - Sobre ng Kamatayan

Tuesday, April 20, 2010

031510 - Isang guhit sa blackboard ni Satanas

Nararamdaman kong naging puso na ang mga bilog sa aking mga mata. Hinawakan pa ni Anime ang aking mga kamay bago ako tuluyang lumayas sa pamamahay nila, ang bait pala ng Mama niya, na Mama ko na rin; Soon! Binigyan niya ako ng tsinelas na may tatak na Crocs, nakabox pa nung binigay niya. Pagdating ko sa bahay doon ko naramdaman ang isang matinding sakit ng katawan at hapdi sa aking talampakan, may mga nakasuksok na tinik ng makahiya at isa isa kong binunot gamit ang pangtanggal ng balahibo sa kili-kili ng nanay ko. Kahit gaano kasakit ang nadarama ng mga talampakan ko ay siya namang ligaya ng aking puso dahil sa kaibigan ko na si Anime.

March 15, 2010
                Kahit sa panaginip ay si Anime ang leading lady ko, kaya naman masarap ang gising ko dahil malapit ng maging katotohanan ang matagal kong ng pinapangarap. Sakay ng jeep, naghihintay na makasakay ang leading lady ko. Isang minuto ang lumipas at wala pa rin siya, dalawa, tatlo, siyam, sampong minuto at wala talaga siya. Aalis na ang jeep na wala ang ina ng mga magiging anak ko. Sarap ng tulog ng kaharap ko, iba-iba na ng direksiyon ang kanyang ulo, left-right-right-left-right. Sa kanang bahagi niya ay may dalawang magkumare na wala ng ginawa kundi pag-usapan ang buhay ng may buhay. Si ano daw inano ni ano na ano ni ano na umano kay ano na inano ni ano, ano raw? Kung makapagkwento ang isa may papalo palo pang nalalaman, kada salita niya napansin kong pinapalo niya muna sa kamay ang kausap na isa pang tsismosa. Ang usapan nila tungkol kay kuwan ay napunta sa dagang napagbintangan na pumunit ng damit ng tsismosa #1, sumagot naman si tsismosa #2 na “Ay mare baka minumura ng anak mo ang mga daga kaya nila pinunit ang damit niya”. Madalas ko ring marinig ito sa nanay ko, hindi daw dapat minumura ang mga daga dahil gaganti sila at pupunitin nila ang mga damit mo. Ang tindi naman pala ng mga daga, nakakaintindi sila ng mga mura ng tao, pero hindi nakakaintindi ng ibang salita. Curious tuloy ako kung naintindihan nila kung english ang mura sa kanila “Fucking Rat!”. Ang isang matindi pa sa mga dagang ito ay alam kung saan nakatago ang mga damit mo. Kung ako naman ay mas takot ako sa mga ipis, dahil kahit hindi mo minumura sinisira nila ang mga damit ko, yung mga maliliit na butas sa mga damit ng tao, madalas ipis ang may sala sa mga iyon, hindi daga.

Ilang beses na rin akong napapahiya sa jeep tuwing may magbabayad at tiyempo namang malapit ako sa driver, naghihintay muna ako ng konting sandali bago ko iabot, baka kasi ang kaharap ko o ang katabi ko ang magmamagandang loob na iabot sa driver ang bayad, dahil sa pare-pareho kami ng iniisip na baka iabot ng iba, pare-pareho kaming hindi kumikibo, kaya naman kapag wala akong nakikitang kumikibo , iyon ang tamang oras para kunin ko ang pera ng nagbabayad, sa kasamahang palad, dalawa o tatlo kaming sabay-sabay na kukuha sa bayad at magkakahiyaan pa para lang di mapahiya ang isa’t-isa, at ako ang laging napapahiya, nilaladlad ang kamay sa ere. Kung may choice lang talaga ako, ayaw na ayaw kong umuupo sa bandang likuran ng driver dahil siguradong magiging taga-abot ako ng bayad at napapahiya pa minsan. Tulogtulugan ang pinakamadaling paraan para may excuse sa pag-aabot ng bayad ng iba. Ang problema nga lang ay tuwing may chicks na kasakay, sayang kung tutulugan mo lang. Kapag may kasakay akong chicks, ipinapakita ko sa kanya na gusto ko siya o napapansin ko siya sa pamamagitan ng pasulyap-sulyap sa kanya, at sa kanyang triangle kung naka-miniskirt,  pakiramdam ko rin na kapag pasulyap-sulyap sa akin ang isang babae, gusto niya akong maging boyfriend, madali ko lang mahuli ang mga babaeng pasulyap-sulyap sa akin, hindi na kailangan ang harap harapan ko pang tignan sa mata para lang mahuli, ang kailangan lang ay tumingin sa side niya, kahit saang side ok lang basta malapit sa kanya, mahuhuli iyon ng mata mo.
                Pagkababa ko sa jeep, nakita ko ang apat na nilalang na naghihintay na makatawid ang mga sangkatutak na sasakyan. Nakisali ako sa apat kaya lima na kami, lima na kaming tanga. Imbes na ang mga sasakyan ang hihinto para sa amin, kami ang naghihintay na maubos ang mga dumadaan na sasakyan para makatawid. Sayang nga naman ang buhay, kung mamamatay ka rin man lang sa pedestrian lane pa, di bale may bayad naman kapag sa pedestrian lane napisa ang bituka at utak ko. Isa sa mga kasama kong tanga ay nagbukas ng candy at itinapon na lang ng basta basta ang balat sa daan, dinagdagan ang mga dati ng nakakalat, kagaya ko rin siyang tapon lang ng tapon ng pinagbalatan ng candy kahit saan. Pangit man sa mata ng iba, pero ang aming pagkakalat ay may naidudulot ring mabuti para sa buhay ng iba, kaming nagkakalat ang nagbibigay ng trabaho sa mga nagwawalis sa kalsada, kung wala kaming nagkakalat at malinis ang kapaligiran, tiyak na wala rin silang trabaho. Kung papatayin lahat ng mga nagkakalat sa daan ngayong araw na ito, isang Linggo lang mamamatay na rin ang mga Aide at mga Janitor at Janitress sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho, na siya namang ikabubuhay ng mga embalsamador dahil sa pagkakamatay ng mga nagkakalat. Siguradong ¼ na lang ang matitira sa populasyon ng Pilipinas kung papatayin lahat ang mga nagkakalat. Paano pa kung isasali ang mga tsismosa at tsismoso sa mga papatayin, edi mga bulag, pipi at bingi na lang ang natira sa bansa.
                Pagkatapos makadaan ng pang 2,901,100,121,001 na sasakyan, nakadaan rin kami ng apat pang tanga. Hindi naman ako nalate dahil advanced pala ng kalahating oras ang relo ko. Mukhang badtrip si Chicken dahil nawawala daw ang mga skyflakes niya at naubos ang kape, asukal, green tea at mga gummy bears. Hindi ko aaminin na ako ang kumain, dagdagan ko na lang ang points ko kay Satanas, isang guhit sa blackboard ni Satanas.

NEXT

031610 - May Farmville sa ilong ng bawat tao

Monday, April 12, 2010

Untitled

“Maraming salamat kuya! Di ba jeepmate kita?” matamis na boses galing kay Anime,Napakatalino talaga ni Anime may natutunan nanaman ako; Jeepmate pala ang tawag sa mga nakakasakay ko sa jeep.  Salamat saan? Tanong ng isip ko. “Ah ok lang yon.” Kahit hindi ko alam kung para saan ang pasasalamat niya. “Dinampot ng kasama niyang lalaki ang hawak na cellphone ng lalaking kamukhang kamukha ni Pugak na nakatulog dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko sa kanya. Kinapa ang kanyang bulsa at kinuha ang isang maliit na tela na puno ng mga tawas na buo buo. Unti-unti kong nararamdaman ang mga sugat ko sa paa pero nawawala ang sakit tuwing titignan ko si Anime at ang tambok ng kanyang puwet. Lumayo sa amin ang lalaking kasama niya at tumawag siya sa kanyang cellphone. Ilang minuto pa at dumating ang mga pulis upang iposas ang taong walang malay na tiyak na kahit may malay pa ay wala ring kalaban laban, kahit bigyan pa siya ng machine gun ay di niya rin mabubuhat sa dating ng kanyang katawan, isa pa anong laban niya sa isang batalyong pulis na dumating na kung magsitakbo ay parang susugod sa  World War II. Parang sa mga napapanood ko sa TV, yung mga pulis na kung makatakbo sa harap ng camera at sa tabi ni Mike Enriquez para bang sila ay huhuli ng isang lasing na Godzilla; samantalang sa katapusan ng balita ay malalaman mo na lang na ang hinuhuli lang pala nila ay isang manok na nakapatay ng dalawang Guinea Pig. “Noon pa alam kong ang lalaking iyon ang nagnanakaw sa mga damit namin at ngayon pinasukan ang bahay namin, buti at nahabol mo siya at nakuha namin ang mga diyamante ni Mama at ang cellphone ko na regalo pa ni Papa” Kwento ni Anime, diyamante pala ang mga tawas na iyon. At ipinagpatuloy pa niya ang kwento niya pero sa puntong ito ang tanging narinig ko lamang sa limang minuto niyang kwento ay “... tara kuya kain ka muna!”.  Dahil sa walanghiya naman ako at gustong gusto kong sinusulyapan ang puwet ni Anime pinagbigyan ko siya sa halok niya. Pumasok ako sa bahay nila na may sapatos na gawa sa tinik ng makahiya. Pinakain nila ako ng Mama at Papa niya at si Anime naman ay umakyat para magpalit ng damit. Habang wala ang pinakamamahal kong babae, binanatan ko ang isang stateside na Pan at stateside na palaman. Actually hindi ako sigurado kung stateside ang pan at palaman na iyo pero masarap siya kumpara sa Putok Bread at sa Pan na binebenta sa bakery. Gardenia. Ayon! Gardenia ang pamagat ng Pan na iyon. Stateside talaga kasi yung kulay ng label niya ay kakulay ng bandila ng america. At ang palaman ay lasang lasa. Ganyan dapat ang namamalaman sa mga tinapay, yung tipong bawat kagat ay may pinupunasan ka sa mesa dahil nahuhulog yung mga sobra sobrang palaman. Tayo kasing mahihirap, mahirap na nga nagsasayang pa ng palaman, anong kwenta ng tinapay na may tinipid na palaman? Nalalasahan mo ba ang palaman sa sobrang tipid? Iyong mauubos na ang palaman ay di mo pa rin alam kung ano ang lasa, kung keso ba siya o mantikilya. Iyon ang pagsasayang. Pinagtimpla ako ng kape ni Mama (Mama ko na siya dahil palagay ko iibigin na ako ni Anime at papayag na akong pakasalan siya). Matatawag ko na ang kapeng itinimpla niya sa akin na isang Cup of Cream dahil mas marami ng tatlong beses ang Cream kaysa sa kape. Ganyan magkape ang Pinoy kundi mas marami ang asukal, mas marami pa ang cream at ang kape mismo ay parang di man lang nag eexist sa tinimplang kape. Kung ano ang mas marami iyon dapat ang itawag sa tinimpla, kung marami ang asukal Cup of Sugar dapat. Itutuloy sa bahay...


NEXT

031510 - Isang guhit sa blackboard ni Satanas



Thursday, April 8, 2010

031410 - Adbentyur

March 14, 2010 (Unedited)
6:17PM
                Pumunta sa bahay si Poknat kasama pa ang tatlong extra na sina extra no. 1, extra no. 2 at si extra no. 3, mga barkada niya na manyakis din. May dalang mga flash light, bawang at asin, pangontra daw sa mga maligno, kung meron man. Ako naman tanging cellphone lang at limang pisong barya ang dala. May sabi-sabi na sa Haunted house na pupuntahan namin ay may nagpapakitang kapre sa mga punong nakapaligid doon, sa bahay naman mismo meron daw babaeng napakaganda pero madalang lang magpakita. Kwentong bario kumbaga, iyan ang mga kinukwento ni Poknat habang naglalakad kami patungo sa bahay na sinasabi nila. Malinaw na malinaw na sa akin ang layunin ni Poknat, hindi totoong multo ang hahanapin niya kundi ang babaeng naikwento niya, ewan ko lang sa tatlong extra kung anong layunin pero mukhang tatakutin talaga nila ang mga sarili nila.
6:20PM
                Nakarating kami sa isang bakanting lote na pinalilibutan ng bakod na gawa sa kawayan. Pinasok namin ang lote dahil wala namang nakasulat na “No Trespassing” at kung meron man siguradong di rin namin papansinin at siguradong di naman maiintindihan ni Poknat ang “No Trespassing!”. Yung mga may picture lang ang kayang basahin ni Poknat, kagaya ng drawing na sigarilyo na may pulang bilog na may forward slash ( / ), parang logo ng ghostbusters na pinalitan ng sigarilyo ang ghost. Kung hindi ako nagkakamali ang basa ni Poknat doon ay “Hindi nagtitinda ng sigarilyo!”. Pati pala ang mga ilaw ng traffic light ay kaya niyang basahin dahil may maliit siyang bisekleta na madalas dumaan sa mga daanang may traffic light. Ayon sa kanya ang Red ay Stop, Green ay Go at ang Yellow na parang orange ay Hurry up.  Malalaki ang mga puno sa bakanteng lote at sa isang puno ay may nakasulat na “Trespassers will be shot, survivors will be shot again!” Hindi ko gaanong naintindihan dahil parang mali ang grammar at di ko rin alam kung tama at kung ano ang tamang grammar para doon pero pagkakaintindi ko, ang mga manloloob ay paiinumin at kung di pa lasing, paiinumin ulit. “Sabi nila na kapag minura mo ang mga kapre, mamatay ka.” Sabi ni extra no. 2. “Ows?” duda ako. “Oo pare totoo iyon! Dahil ang lolo ko daw namatay dahil sa pagmumura sa kapre.” Sabat ni Poknat. “Ah ganoon ba? Putang inang kapre pikon pala sila hahahahaha! Tarantadong kapre show your pes!” Trip ko. Natakot ang apat na manyakis kaya naman gusto ni Poknat na magsorry ako sa kapre. Para sa ikakapayapa ng loob ng bestfriend ko humingi naman ako ng sorry “Pota ka naman kapre napakapikon mo sorry na!”.
6:49PM
                Buhay pa ako hindi ako pinaslang ng kapre dahil sa minura ko siya, siguro dahil nagpasorry ako. Isang punso ang nadaanan namin at muntik ng naapakan “Waaaaaaa muntik ng lumaki ang paa ko! Muntik na muntik na!” sigaw ni Poknat. “Bakit nanaman?” tanong ko. “Kapag daw naapakan mo ang nuno sa punso at nasaktan yung dwendeng nakatira sa punso, lalaki daw ang paa mo. Kung dinura mo naman daw lalaki ang bibig mo!” Sabi ni extra no. 3. Hindi ko na hinintay pang makapagsalita ang isa pang extra, dali dali kong inilabas ang eight equals equals equals D ko at inilabas ang mainit na ihi sa nuno sa punso. Laking takot ng mga extra at ni Poknat sa ginawa ko kaya naman todo awat sila sa akin. “Anong ginagawa mo? Madadamay kami niyan eh!” sigaw ni Poknat. “Ano ka ba? Sabi niyo kung naapakan lalaki ang paa, kung dinura lalaki ang bibig, siguradong matutuwa sa akin ang future wife ko dahil inihian ko punsong ito! Tiyak na lalaki ang ari ko dito.” Trip ko ulit sa kanila. Ang tanga nga naman nila, kung totoong may duwende sa punsong iyon edi namatay din siya dahil sa milyong-milyong anay na nakatira doon.
7:05PM
                Pwaaaaannnngg! Isang putok ng baril. Warning shot ata sa amin dahil umihi ako sa punso. Kani-kanyang takbo na kami. Tumakbo ako pakanan. Takbo ng takbo. Alam ko na puno na ng sugat ang paa ko dahil napatid at naiwan ang tsinelas ko at parang milyong ektaryang puno ng makahiyang pananim ang dinadaanan ko. May nakita akong isang mataas na bakod na alam kong kaya kong talunin dahil kasalukuyang nakasanib sa akin ang kapangyarihan ng Adrenalin. At natalon ko nga. Isang taong tumatakbo rin ang nalandingan ko na may hawak na cellphone, umiilaw kasi kaya alam kong cellphone. Tumba ang tao. Parang na-Knockout dahil tinamaan ko sa ulo. Isang bahay ng mayaman ang napasukan ko dahil sa pagtalon sa napakataas na bakod. Isang lalaki at isang sexy na babae ang papalapit. Mukhang papatayin nila ako dahil napatumba ko ang isa sa mga kamag-anak nila.  Nanlaki ang aking mga mata dahil sa transparent na night gown na suot ng babae at lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita kong siya pala si Anime...

NEXT

Untitled



Tuesday, April 6, 2010

031410 - Manny

March 14
Holiday ngayon sa buong Pilipinas, wala munang giyerang mangyayari sa Mindanao, walang Holdapan, walang mga snatchers, walang rapist, walang gaanong sasakyan, walang gaanong traffic at hindi ko makikita si Chicken, hindi kagaya noong February 28 na kahit linggo ay may pasok kami at noong March 7 naman wala ngang  pasok ako naman ang nakapasok sa kulungan kasama ang mga rugby boys na binuro sa sinigang sa tubig. Lahat ay nasa bahay hinihintay ang laban ni Pacquiao, mananahimik ang buong Pilipinas dahil sa laban niya. Uulan din ng mga bali-balitang talo siya o panalo siya. Bali-balita lamang yan, pero may mga balitang totoo dahil mas nauunang nakakapanood ang mga nagbayad para mapanood ang laban ng live at sila ang sumisira ng kaligayahan ng mga kagaya kong umaasa lamang sa istasyon na magpapalabas ng latak ng laban ng pambansang kamaho. Kailangang patayin ang cellphone para hindi makatanggap ng mga text kagaya ng “Panalo siya 8th round, KO”, Iwasan rin ang mga flash news lalo na sa kalaban ng istasyong magpapalabas ng latak, siguraduhin ring patayin ang mga maiingay na kapitbahay dahil baka sila naman ang makabalita sa resulta ng laban at isisigaw nila na panalo si Pacquaio o kaya naman ay katukin ka sa bahay at ipagmalaki ang nabalitaan at kunwari nanood siya ng live. Tinitiyak ko rin na tuwing laban ni Pacquioa na magpalipas lang ng ilang araw ay may taong idinedemanda ng mga Fans ng Lupang Hinirang. Ganyan ang mga tao sa barangay namin, hindi ko lang alam sa ibang parte ng Pilipinas.
Ugali na nating pag-usapan ang mga napapanood sa TV, DVD, VCD, VHS, Beta Max, Sine at sa Internet. Hindi kagaya sa ibang bansa na kapag pinag-usapan ang isang napanood, pinag-uusapan nila ang possibleng kasunod ng napanood, ang mga dapat at di-dapat, mga negative at mga positive at iba-iba pang mga dapat pag-usapan. Hindi ganyan kung magtipon-tipon ang mga kabarangay ko para pag-usapan kung ilan ang buhok ni Boy Abunda at ilan ang tigyawat ni Piolo Pascual. Kung pag-uusapan nila ang isang pelikula ay parang competion rin, isang contest ng paramihan ng napanood, “Nakita mo ba nung lumipad siya sa bangin? Hehe”, “Oo, nakita ko yon ayos nga, tapos nakita mo nung pinalo niya sa ulo yung pagong?”, “Oo astig yon pre, Eh yung binatukan niya sa paa yung kalaban nakita mo?”, “Di ko gaanong napansin pre pero nung sinampal niya sa buhok yung shaolin kitang kita ko.”. ‘Yan ang mga kabarangay ko na nagpaparamihan ng napanood na scenario sa isang pelikula. Mas grabe kung mga tambay sa kanto ang mag-uusap usap tungkol sa laban ng Ginebra dahil kung isisiksik sa cuneta astrodome ang murang pinapalabas ng mga cute nilang dila ay di magkakasya, “Putang Ina pare si Menk astig yung assist niya kay Dennis Rodman na-steal nga lang ni Tigerwoods, putang ina pare buti nandoon si Robert Akizuki kaya nakahabol din.” Kaya kung taga rito ka sa amin at manonood ng pelikulang nabili sa mga bangketa tiyakin mong hindi ka kukurap habang pinapanood mo para 100% mong napanood ng wala ni isang kurap sa iyong mga mata, tiyak na talo ang magiging kakuwentuhan mo, sana minsan pag-usapan din nila kung ano ang mga nakasulat sa Acknowledgement, kung sino ang director at producer, sino ang mga extra at kung sino ang nagburn ng pirated na DVD.
Niyayaya ako nina Poknat na pumunta mamaya sa isang Haunted House...  Itutuloy (abangan niyo dahil sa Haunted House na iyon ko matatagpuan ang isang bagay na magpapalapit sa amin ni Anime)

NEXT

031410 - Adbentyur

Sunday, April 4, 2010

031310 - May Baka, May Baka na Hugis itlog

March 13 (Unedited)
                Tuwang tuwa ang itsura ng baka na nakaprint sa noodles na babanatan ko ngayong umaga, ipinapahiwatig ng label ng noodles na ito na kada bili mo ng noodles na may flavor na beef ay isang billiong baka ang natutuwa sa iyo dahil isa sa mga kalahi nila ay ginawang pulbos ang laman at inilagay sa maliit na pakete sa loob ng noodles. Di lang ang mga baka ang natutuwa tuwing ginagawa silang panangkap sa pagkaing tao, kundi pati mga manok at baboy din. Sarap ng smile nila parang totoong masaya na naging flavor sila sa tig-8 pesos na noodles. Kung kayang tayo ay masakop ng mga aliens at gawin tayong mga flavor sa pagkain nila, nakasmile din kaya tayo sa mga Muru-Muru Noodles Human Flavor, Sawarusi Chips Female Human Flavor, Kusimu Tarim with Old Human Eye, Fresh Option: Human Flesh – P40 per kilo, Human Intestine P12 Per Kilo tapos may tarpaulin na nakahubad na tao na nakasmile sa shop na iyon, ang cute din siguro parang chicken flavor lang. Kawawang baka hindi ko man lang malasahan sa noodles na ito, mas lasang dagat dahil sa alat, dapat dito Noodles Ocean Flavor. Napansin ko nga pala ang presyong P6.00 Only sa plastic pero bakit 8 pesos na binebenta? Ang daming ganitong kaso sa mga produkto na binebenta ng mga sari-sari store, may presyo na sa label tapos inooverwrite pa nila ng magic marker, sa bagay di mo sila masisi dahil sa napakaliit lamang ng tubo nila kaya may sarili silang VAT, may Vat na sa mga binibili natin, may tax na sa sahod natin at meron pang mga underground vat sa mga sari-sari store.
                Habang nagaalmusal ako dinig na dinig ko ang kantang sikat na sikat ngayon para sa bagong sistema ng election “May Bilog, May Bilog na Hugis Itlog.” Sana di na abutan ng mga magiging anak ko ang kantang ito dahil baka matatak sa kanilang isip na ang hugis ng mundo natin ay hugis itlog, ok pa sana kung ang kanta ay “May oblong may oblong na hugis itlog” o kaya naman ay “May oval may oval na hugis itlog”. Sa bagay di rin natin masisi ang gumawa ng kanta baka nakatingin sa egg yoke nung ginawa ang kanta kaya naisulat niya na bilog ang itlog, pwede ring nakatingin siya sa mga itlog ng mga suso na grupo ng mga bilog bilog na kulay pink na nagkadikit dikit, o baka naman tinitignan niya ang itlog ng nakabaligtad kaya naging bilog ang hugis nito.
*Yellow na parte ng itlog minsan tinatawag na RED/PULA ng mga  kapampangan.
                “Oo sir! Parating na po ako! Sensiya na po ang bagal kasi ng nasakyan ko kaya malelate ako ng anim na buwan, siyam na taon na po kasi kaming naglalakbay patungo sa kawalan” isang gawagawang tawag, kunwari tinawagan ako ni Boss dahil late na ako, gusto ko lang kasing ipabatid sa driver ng jeep na nasakyan ko na pinatunayan niyang hindi ang pagong ang pinakamabagal sa buong mundo kundi ang pagmamaneho niya at ang bulok niyang jeep. Dinededma lang ako dahil mukhang nag-eenjoy siya kay Tom Jones, di gaanong halata ang earphone niya kaya nasayang ang effort kong paringgan siya. Si Anime, bawat araw na di ko siya makita lalong tumitindi ang sikat ng araw at ang init ng pag-ibig ko sa kanya. Anime kung nasaan ka man ngayon sana maisip mo rin na minsan sa jeep ay nagkatabi tayo sa front seat at sa buong oras na katabi kita tanging ang pagkikiskisan ng ating mga balat sa kamay ang aking nadarama at nais kong malaman mo na magiging asawa rin kita balang araw, kaya wag kang magpapavirgin kahit kanino dahil akin ka lang. Sana virgin pa siya!

NEXT

031410 - Manny