Monday, March 1, 2010

022810 - 10,000 Commandments

Feb 28, 2010
Patay. Wala ang “Buhay ka pa, Lol!”. At nasa paraiso ako. Ang daming paru-paro puro walang mga damit at naka-T-back lahat. Ang sarap makipaghalikan sa kanila. Mukhang ito yata ang tunay na mundo eh. May asong tumatahol. Nagpila-pila ang mga paru-paro para sumayaw at sumayaw nga sila “Careless Whisper” ang tindi ang bawat isa ay may kani-kanyang poste. Unti-unting napapalitan ang music, tahol ng aso, at “Nobody, Nobody but you... Clap Clap”. Ginising ako ng mabait naming kapitbahay sa pang-araw-araw niyang sound na “Nobody” habang tumatahol ang kanyang asong masarap pakainin ng isang kilong Ajinomoto. Gusto kong tumayo at pasukin ang lintik na babaeng nabaliw sa di naman maintindihan na lyrics ng kanta. May dalang kumukulong tubig at ipaligo sa kanyang aso. Gusto kong sakalin ang babaeng adik sa Nobody at sampal sampalin kasabay ng Clap Clap sa kanyang sounds. Nobody, Nobody But you... Clap(sampal) Clap(sampal ulit) x2 Repeat Chorus as many as i want. Hindi ko narinig ang nobena ngayong umaga dahil sa Nobody na iyan. Makapagrequest nga sa adik na ito na pakihina ang kabaduyan niya. “Ate! Toktoktok!” Nakatingin ang aso at lalong tumahol ng malakas. Binuksan niya ang pinto. Wuhoooo! Nakapantulog pa siya at ang linaw ng damit. ‘Di ko masabi ang gusto kong sabihin, kaya “Di ba pumasok yung pusa ko dito? . Mukhang siya yung tinahol ng aso niyo.” Dagdag nanaman ito sa Embarrassing Moments list ko. (Teka may "S" ba dapat ang moment?)
Sakay ng jeep. Magbabayad na sana ako pero di ko makapa ang wallet ko. Ano pa nga ba kundi nalimutan sa sobrang pagmamadali. Hindi magiging malikot ang mga mata ko ngayon sa jeep dahil nga may kasalanan ako. 123 ang pang 217 sa 10,000 commandments. Teka! 10,000 ba? Sabi nila 10 lang. Hindi! Impossible. Lampas ng sampu yon at 10,000 yon. Kasama na rin kasi ang bawal magtinda sa mga kalye, bawal ang kulay yellow, bawal ang mga tarpaulin sa mga poste at marami pang bawal. Yan ang 10,000 Commandments ni Fernando Bayani. Anong laban ng 10 Commandments ng Diyos? 10,000 ang sa kanya tinalo pa ang Diyos. Ang Diyos nga eh sampo lang eh, sa kanya ang dami. Sa bagay diyos rin naman siya, diyos ng MMDA at pagnanalo siya baka siya ay kikilalanin bilang Pink God. Hulaan ko mga collection niya sa bahay. Hello Kitty! Sigurado iyon! Paborito niyang cartoon naman ay Pink Panther. Sino ba naman ang matino ang pag-iisip na kulayan ng Pink ang Manila? Obsessed siya kay hello kitty akala niya di ko alam! Hmp! Ako pa!. Inis na inis nga siya kay spongebob eh, Kasi yellow. CUT! Ikakukulong ko ito. May isang mama na inaabot ang 7.50 niya, wala siyang sinabi na “bayad po!” siguro binibigay niya sa akin( alam kong bayad niya yon). Kunwari sa akin na lang galing. “Bayad!” yan ang proud na proud na sinabi ko sa driver. Inalis ko lang ang DAW. “Bayad Daw!” masagwang salita para sa isang taong nagwa-1-2-3. Buti at may nahiraman ako sa trabaho para pamasahe pauwi.
Uwian na! Ginabi ulit ako. Kasakay ko ulit si Bading. Hmmmm! Wala siyang gintong kape. Pero ang cute ng Message Alert Tone niya, si Optimus Prime. Autobots Transform, di bagay sa kanya. Paulit ulit ang message nakakasakit rin pala ng tenga si Optimus Prime. Naisipan yata ng katext niya na tumawag na lang. At tumawag nga, Hanep sa Ringing Tone ha! “Nobody” pero “Nobody want to see us together...blah blah blah” . Sarap ng kuwentuhan nila, parang nasa bahay lang, ang lakas ng boses eh. Ang nakakatuwa pa nito dinilaan niya ang kausap, ay baliw, nilagyan ng laway ang cellphone. Parang wala lang. Ang mga kamay naman ay todo sa action parang nasa harapan lang ang kausap. Pagkatapos ng isang taon natapos din ang usapan nila. Para kasing last year pa ako nakasakay sa jeep na ito eh. Ang bagal. Masakit pa naman ang tiyan ko.

030110 - Tuteyk

No comments:

Post a Comment