March 6, 2010 – Part 2 Hell Awaits!
Impiyernong pakiramdam ito! Parang nakapila ako sa mga totortyurin sa Slovakia (Panoorin niyo ang Hostel). Utos ng boss to wala akong magagawa. Nagprint naman akong malaking Mapa, isang bondpaper, sabi kanina sa Recto daw. Pero basta pagkababa ko daw sa Philippine Rabbit nandoon lang daw ang kukunin ko, may taong naghihintay daw. Avenida na lang daw. Sinabihan na daw ng boss ko yung tao ang itsura ko at damit na suot(Daw Daw Daw Puro Daw), buti di ako pinadalhan ng plakard na nagsasabing “ Ako po si Ahrean Padilla”. Nasa bus na ako at sinusubukang minememorize ang mapa. ‘Di ko mamemorize kaya bubuksan ko na lang pagkadating doon. Naghintay ako ng 30 minutes at pagkatapos pinalipad na rin ng sirenang lupang driver ang bus. Inaantok ako pero nakakatakot matulog baka pagkagising ko nasa Australia na ako. Nagising ako nang huminto ang bus, wala ring kwenta ang takot ko nabalewala dahil nakatulog rin. Mukhang nasa Pilipinas pa rin naman ako dahil nakikita ko ang mga magugulong kable ng kuryente, mga tarpaulin na nakasabit sa mga poste, mga estudyanteng only in the Philippines lamang ang japorms at higit sa lahat walang Kangaroo. Nakarating ako ng di nawawala ang kalahati ng aking katawan at di nagkalat-kalat ang utak sa NLEX. Baligtad pala ang na-print kong mapa buti na lang pwede mong ibaligtad ang papel para mawala ang pagkabaligtad nito, clockwise at clockwise lang pala ang katapat. Pagka-tayo ko hawak hawak ko ang 8.5x11 na papel na may mapa ng Avenida at Recto, tamang tama ang nilandingan ng mga paa ko, nasa terminal ako ng Philippine Rabbit sa avenida at “Sir kayo po ba si Ahrean Padilla?” ang galing 2 seconds pa lang ang sapatos ko sa semento ng Avenida nakita na ako ng dapat kong hanapin. Inabot sa akin ang isang bagay na nakabalot na pwede naman ipa-LBC sa halagang 135 Pesos kumpara sa 240 pesos na pamasahe sa bus, bus pa lang iyon ha. 500 naman ang ibinigay sa akin ng boss ko kaya may pagkakataon ako para kumain sa Jollibee, pero ‘wag na baka maligaw pa ako. Exact steps papuntang bilihan ng ticket ay 14, 17 Steps para sumakay ulit. Bale 31 na steps lang ang ginamit ko papuntang Avenida. Buti pang calculator na lang ang dinala ko mas naging kapaki-pakinabang pa sana kaysa sa mapang pinrint ko, ‘di bale nakadraft lang naman eh.
Sakay na pauwi.
Wala ng kaligaw.
Mukhang magtatagal pa kaya bababa muna ako at bibili lang ng makakain. Hopia, Tama na yon sapat na sa akin para mabusog ako. Nasa dulo ako ng bus, sa pinakalikod. Yung mas mataas sa mga ordinaryong upuan ng bus. Tumagal ng 20 minutes bago napuno at sa tabi ko ay isang babaeng medyo maganda ganda na rin, malaki ang pwet kaya pwede na. Kasunod niya sa upuan ang lalaking pinasunog ang buhok para kunwari follower siya ni Bob Marley at ang iba pang mga Rastafarians. Naka-dreadlock, apat ang butas sa tenga, dalawa sa kabila at dalawa sa naabot ng aking mapamunang mata. Kahit ang daliri ko ay kasya sa artificial na butas niya sa tenga. Meron din siyang butas sa ilong, pero hindi kagaya kong dalawa lang, tatlo ang sa kanya at merong isang reserba. Reserba siguro iyon kung sakaling bumara ang labasan ng hangin sa kanyang ilong ng dahil sa dalawang kilong kulangot na namuo. Isinuot niya ang mala-pajamang kulay na bonet, kulay rainbow na lasing, may green, red, yellow at black. Siguro girlfriend niya ang katabi ko dahil kitang kita ng kanang mata ko ang paghipo niya sa pwet. Swerte niya buti pa siya nakahawak na ng pwet ng iba, ako kundi lang mangangati ang mga buni di ako makakahawak ng pwet, at sariling pwet ko pa. Ano kaya ang texture ng pwet ng babaeng iyon? Bako-bako rin kaya at magaspang kagaya ng pwet ko? Yuck! Kadiri pala ang pwet ng babaeng iyon. Imahinasyon lang.
Astig. Solid. Mukha siyang rakista! Grabe talaga parang idol ko na siya. At kung tama ang iniisip ko meron rin siyang bilog sa dila, hikaw. At meron nga siya pero nabawasan ang kaastigan niya dahil “Pagkatapush nating kumain, shaan tayo?” yan ang unang shalita ang lumabash sha bibig niya, . Lahat ng S niya may asawa ng H, dahil iyon sa nilagay niyang pampakiliti kuno sa dila niya. Sabi ng iba kapag meron daw ang lalaki ng mga ganoong bagay ay di ka na iiwan ng girlfriend mo mga bagay na pampakiliti daw at pampasarap. Nakakturn off si papa rakista, paano na kung gusto niyang sabihin sa ingles ang “Gusto kong umupo roon?”
Bulitas sa ari, hikaw sa dila at kung ano ano pa para lang matakasan ang salitang LOSER! Kung pampasarap din man lang bakit hindi mo na lang bigyan ng masasarap na pagkain ang nobya mo habang kinikiliti ang talampan sa balahibo ng manok?. LOSER lang ang magpapalagay ng bulitas sa ari, dahil HIS LITTLE JOHN Can’t make his partner satisfied – uhhhhWOW! English!. ‘Di ba kaya ni eight equals equals D? Siguro nga hindi, kaya nagpapalagay sila ng back up. Kung ako siguro mga jolens na lang ipapalalagay ko para mas astig. The Bigger the better, di pa nangangalawang.
At nakarating ako sa bahay ng ligtas sa lupit ng aksidente. “Ahrean pkihtid 2 me bkas ng mdling araw ang nkuha u parcel, kta tau s plngke s skayn ng jip ppuntng sn fdo.” Ano raw? Text Speak! Madaling araw sa palengke? Ang lupit ng boss na ito! Linggo gigising ako ng maaga? Impossible!
No comments:
Post a Comment