Wednesday, March 17, 2010

030710 - In case of emergency pls notify Reyna Sinigang

March 7, 2010 Part 2.
Ang nakaraan...
Nakulong ako. That’s all folks!
Nasa kulungan kasama ang mga batang rugby boys na menor de edad na ikinulong, dapat yata nasa DZRH sila, di ako sigurado pero nasa dalawa lang yon DZRH o DSWD, DZRH para sa panawagan sa kanilang mga magulang, DSWD kung walang magulang na nakarinig sa panawagan. Wala lahat ang mga ineexpect ko kanina, wala rin si Dencio Padilla bilang Pulis. Lumipas ang mahabang panahon at limang oras na akong nasa kulungan. Tinanong ako ng mga kontrabida (siyempre ako ang bida) kung meron ba daw akong ID. Siyempre meron.
In case of Emergency pls. notify:
My Mama or my boss
“Lintik na in case of emergency na ito! Bakit walang contact number ang mama at boss mo?” tanong ng isa sa mga kontrabida. “Wala pong cellphone ang nanay ko at lowbat kasi lagi ang cellphone ng boss ko”. “Pilosopong bata to ha!”. “Yung ID ko po may number ng kumpanya namin pwedeng tawagan yan bukas”. Totoo pala na kapag nasa kulungan ka lagi kang nahawak sa selda at may sad face.
8PM. Isang pamilyar na mukha ang pumunta sa presinto. Si Reyna. Yung babaeng sikat na syota ng barangay sa amin, pokpok na bumasted dati sa akin. Sinalubong siya ng isang kontrabidang pulis at nagyakapan sa harap ng aking mapamunang mga mata. Pumasok sila sa isang kwarto, at pagkalipas ng mga ilang giyera at putukan lumabas din ang dalawa. Nag-aalala na ako na baka nag-aalala na ang mga tao sa bahay sa akin kaya di ko mapiligilang “Pssssssst! Reyna!”. Lumingon siya at nakita ako, mukhang tuwang-tuwa siya na nakulong ako. “Sinasabi ko na nga ba eh, adik ka! Nahuli kang nagdadrugs no?”. Yeddah! Blah blah! Kesyo! Kesyo! Walang kwentang senaryo at usapan. “Pakisabi sa mama ko nasa kulungan ako, dahil kay boss!” pahabol ko sa kanya. Tiyak na sa March 31 na niya ito masasabi dahil mukhang marami pa siyang schedule sa ibang mga kalalakihan sa mundo. Wala man lang hearing, kaagad kasi nila akong ikinulong at wala man lang silang sinabi na “You have the right to remain silence.”
11:37PM. Nakatitig sa wall clock ng presinto. Natatae sa nadaramang kiliti sa katawan. Tulog na ang mga rugby boys, sarap ng pagkain namin. Sinigang. Di ko alam kung anong klasing sinigang, kung baboy ba o manok dahil walang nakalagay na laman maliban sa mga puso ng saging at kalahating gabi. Di ko rin mahanap ang asim sa sinigang na ito pero wala akong magagawa dahil ito ang tawag ng mga rugby boys “Sinigang nanaman!” yun ang sabi nila bago kumain. Nagrereklamo pa ang mga kumag na ito, sa kalsada nga eh kahit kanin ‘di sila makapulot nauunahan sila ng mga daga at pusa. Ang tanging reklamo ko lang sa sinigang na ito ay mas lasang tubig na nilagyan ng asin pero pwede na rin kung talagang gutom na gutom ka na. Dahil hindi naman ako gutom nagshare na lang ako ng blessings sa mga rugby boys. “Sa inyo na ito!”.

030810 - Chicken Sandwich ang tagapagligtas

No comments:

Post a Comment