Wednesday, March 24, 2010

031110 - Salaminkero

March 11, 2010
                Alas-tres na ng madaling araw gising pa rin ako. Tuwing nakakatulog ako parang nalulunod ako sa sarili kong tulog, parang nilulunok ako ng banig namin, sa iba para silang nilulunok ng kama nila, kung wala silang banig, kami naman ay walang kama. Banig at papag lang. Parang nababangungot ako, gusto kong sumigaw at pakiramdam ko sumisigaw talaga ako pero walang lumalabas na boses. Gusto kong gumalaw pero parang stuck up ang buo kong katawan, Gusto ko talagang sumigaw pero sumisigaw na ako walang nakakarinig dahil walang lumalabas na boses sa akin. Makaligtas man ako ng ilang minuto tapos aantukin ulit, tapos babalik nanaman ang hindi malaman kung bangungot o katotohanang nilalamon ako ng sarili kong tulog. Kaya naman nang matindi na ang pagkakagising ko nang mga bandang 11PM, malakas na ang loob ko para tumayo at magkape. Tuloy tuloy na ang takot ko sa sarili kong papag kaya alas-tres gising pa ako. Iyon ang huling tingin ko sa wallclock namin, alas-tres. Napansin kong kakaiba ang panahon ngayon dahil maingay na ang alas-tres ng madaling araw. May nagnobena, may nag no-nobody nobody, may mga maiingay na tsismoso at tsismosa sa daan at may nagsisigaw na mga batang pinapalo ng nanay dahil tamad maligo. Kahit anong tingin ko sa wallclock alas-tres pa lang talaga. Kinuha ko ang salamin ko para makita ng maayos ang oras. Sinasabi ko na nga ba eh! Tumigil ang orasan namin, kapag kasi wala akong salamin tanging ang dalawang makakapal na kamay ng relo lamang ang nakikita ko at invincible ang payatot na ikot ng ikot. Hindi makaalis ang payatot na kamay sa six pero gumagalaw pa rin siya, kaya ang hirap hulaan kung anong oras talaga siya huminto. Tinignan ko ang relo ko sa cellphone at tamang tama ang oras para mainis kay Ms. Nobody.  Ayos ang almusal ko ngayon tinolang piniritong fried chicken, tinola kahapon ng tanghali, nakarating ng gabi para iprito at pinirito pa ngayong umaga.
Pagkasakay ko ng jeep bigla akong nalito kung nasa planetang mundo pa rin ako dahil sa mga kasakay kong mga PRE-MASK RIDER BLACK na halos sakop na ng salamin ang buong mukha. Uso yata ngayon ang mga PRE-MASK RIDER BLACK shades dahil madalas kong makita ang mga shades na hugis mata ng langaw sa mga nakakasakay kong nagtatrabaho sa mga call center at sa ibang mga pang pang-gabing trabaho, hindi mo na kasi kailangang magtakip ng mata sa jeep kung matutulog ka man dahil di naman nila makikitang nakapikit ang mga mata mo, kumbaga,  isa itong instrumento para sa pagtulog ng di nakikita ng mga kasakay mo ang iyong mga mata. Iba naman ang paggamit ko ng ganitong klaseng salamin, hindi ito kasing laki ng mga mata ni Mask Rider Black, tumutugma ito sa salamin ni Taguro. Noon epektibo ito bilang instrumento ng malayang pamboboso sa jeep. Buhat nang maging blurry ang lahat-lahat, nagsimula na akong magpasukat ng sarili kong salamin para mawala ang pagkablurry ng mga bagay na tinitignan ko, at magmula noon di ko na ginagamit ang salaming ipinamana pa sa akin ni Taguro. Wala rin kasing epekto dahil walang grado ang salamin na iyon, kahit open na open ang binoboso ko, sabog din ang kulay ng panty niya. Hindi kagaya sa salamin kong may grado, kapag nakapamboso ka tiyak na kahit ang pinakamaliit na pixel ng panty ng binobosohan mo ay kuhang kuha. Pwede mo pang i-save sa USB Flash Drive na nakasaksak sa pituitary glands mo at itake home para iplay back habang nag-a-up-down-up-down repeat 200x ka.
Usapang salamin pa rin. Dalawang klase lang yan eh, ang una ay ang salaming pamboso at ang ikalawa ay ang salaming inaabuso. Kagaya ng salamin ng jeep sa front seat, inaabuso ng isang taong walang pakundangan sa pagpisa ng kanyang mga tigyawat. Buhat ng sumakay ako pinipisa na niya ang mga white at black heads sa kaliwang pisngi niya. Dahil sa sampung litrong nana ang nakapaloob sa mukha niya, hindi na niya nakuhang lumipat sa kanang pisngi bago siya nakababa. Hindi ko na sana papansinin ang papoging iyon kung hindi lamang siya mayabang, isa siya sa mga top 3 na pinakamayabang sa buong mundo. Kung kasing magsalita siya at magkwento tungkol sa mga patago niyang binabayarang babae na dinidisplay sa gabi, parang napakapogi niya at napakayaman. Pasalamat nga siya kung hindi dahil sa tigyawat niya wala siyang mukha, isa lamang siyang tigyawat na tinubuan ng mukha. Sino ba siya at parang kilalang kilala ko? Katrabaho ko kasi, siya ang supervisor ng production ng kumpanya namin, madalas siyang pumasok sa opisina namin para humarap sa salamin at kumbinsihin ang kanyang sarili na pogi at isa siyang tao hindi halimaw. Kapag pakiramdam ko na pangit ang itsura ko at nakita ako ni Anime, 100% didiretso ako sa salamin pagdating sa trabaho, pero bago ako makarating at harapin ang sarili sa salamin, mag-aayos muna ako ng buhok at pupunasan ang mukha at kapag ayos na doon ako haharap sa salamin at sasabihing “Ok naman pala ako eh!” Kinukumbinsi ang sarili na ang nakitang version ni Anime ay ang maayos na version ko kahit halimaw version ang kanyang nakita. Parang sticker din ang mga salamin dahil tuwing naglalakad ang karamihan at may nakitang salamin tiyak na didikit ang tingin nila sa salamaing nakita habang naglalakad, mapababae man o lalaki nabibiktima ng sumpang ito. Kaya naman ang iba ay nagmumukhang baliw tuwing naglalakad sila at may madaanang  naka parkeng sasakyan at sabay salamin at pose pose, tingin ng medyo paside side pero ang mata ay sa salamin nakatingin, punas ng mukha at iayos ang buhok. Hindi man lang inisip kung may tao sa loob ng sasakyan na may tinted na salamin, malay pa niya kung halos mamatay sa tawa ang nasa loob ng sasakyang iyon dahil sa pinanggagawa ng salaminkero.
Sarap pala ng buhay ko ngayon, wala daw si boss, solo ko ang opisina niya. Magkakape maghapon, mag-iinternet at uubusin ko ang mga stocks niyang pagkain. Ako muna ang boss ngayon. Saan kaya pumunta ang kumag na iyon.?

NEXT

031210 - Tenbits, kasbu let ooh!

No comments:

Post a Comment