Monday, March 1, 2010

030110 - Tuteyk

Mar 1, 2010
Pangit naman ang simula kung sasabihin kung magsisimula nanaman sa pagising o sa mga malalapit na salita ng gising. Kaya ganito na lang:
Maagang nagparty ang mga bacteria sa aking nasisirang ngipin, hindi masakit ang ngipin ko kundi ang gilagid ko, pero siyempre dapat masakit ang ngipin ko dahil yon ang sikat. Parang ang Colgate ay mas sikat kaysa sa toothpaste. “Pabili ngang Colgate”. “Anong Colgate?”. “Yung Close Up, kung wala yung Happee na lang.” Marami pang mga brand ang sumikat at sila na ang naging pangalan ng mismong produkto. Ipagdasal na lang natin na ‘wag sana itong mag-evolve sa mga teknolohiya natin ngayon, baka kasi hanapan ako ng CDR-King ng mga naghahanap ng CD, “Hoy Ahrean iabot mo nga sa akin ang CDR-King”. Speaking of CDR King. Napansin kong sa halos napuntahan kong branch ay laging crowded, di lang ako ang mga naka-experience at nakapansin dito kundi pati ang mga kaibigan ko sa mundo ng internet. Siguro o Sigurado may mali sa sistemang pamamalakad nila o pwede ring sadyang maraming mga Pilipino ang gustong gusto sa mga produktong mura, bakit nga naman bibili ng 40 Pesos na blankong DVD sa iba kung meron namang tig 10 Pesos na DVD sa CDR King, yun nga lang isasakrepisyo mo ang tanghalian, hapunan at ang almusal mo sa susunod na araw. May mga branch na may numbering system (di ko alam ang tamang term dito eh) basta yung get your number please na sistema. Kung bandang mga alas-diyes ng umaga ka nakapunta sa branch na lagi kong pinupuntahan, kumuha ka na ng number mo at gawin mo muna ang dapat mong gawin at bumalik ka na lang. Halimbawa number 10 ang number na nakuha mo at number 3 pa lang ang kasalukuyang number, pwede ka munang magshopping, magbayad ng kuryente, kumain sa mcdonalds, pumunta sa cr, umuwi at maligo, bumili ng baseball bat at bumalik sa branch ng CDR King na madalas kong puntahan at sumigaw ng “Bakit number seeeebbbbeeeeen pa lang?” kung may kumontra ipakita lang ang lupit ng baseball bat. Ok naman sa CDR King kahit matagal maghintay at medyo siksikan, mura lang naman kasi at talagang tinatangkilik ng mga mamimili. Sarap balikbalikan dahil bawat buwan may bago silang mga modelo ng produkto nila. Huwag ring magpapalinlang sa dami ng mga tao sa branch na tinutukoy ko, kalahati lang ang may number sa kanila at ang 1/4 sa kanila ay naghihintay sa wala, tatlong oras nang naghihintay di man lang namamalayan na dapat may number sila, yung isa pang 1/4 yun ang mga suking nagrereklamo ng mga produktong nabili. Kaya kapag first time mong bumili sa CDR King tinitiyak kong babalik ka ulit dahil may nakita ka pang isang bagay na di mo inakalang ganon ka mura dito, o pwede ring bumalik ka dahil sira ang nabili mong mousepad, ‘wag mag-alala may warranty naman ang Mousepad nila, 1 week replacement kapag nabura ang itsura nung kotseng nakadrawing sa pad. Nasa kapal na lang ng mukha mo kung ipapapalit mo pa.
Sakit ng ngipin, nagagamot rin pala ng CDR King, dahil sa kakaisip ko sa tindahan na ito, nawala ng ilang minuto ang sakit ng ngipin ko. Hindi totoong lagyan mo lang ng toothpaste at mawawala na ang sakit. Masaya ako dahil sa sakit ng ngipin na ito na diskubre ko na ang concentrated astring-o-sol ay ang pinakamabisang pang-alis ng sakit. Sa sobrang inis ko di ko na nilagyan ng tubig ang mouthwash na ito. Todo tiis sa naramdamang sakit, pansamantalang inilipat ng Diyos ang impiyerno sa aking bibig. Nawala ang sakit ng ngipin ko! Astig. Dapat pala ganito ang ginawa ni Pops Fernandez nung pinaretoke niya ang kanyang labi, kung ikukumpara ang labi ko ngayon sa labi niya, walang wala ang sa kanya, mga 3/4 na mas makapal ang labi ko sa labi niya, epekto lang ng Astring-o-sol. Ano kaya ang say ni Lord sa ginawa niyang pagmomodify sa kanyang labi? Parang “Hi, God, na realize ko ang pangit pala ng pagkakaimbento mo ng labi ko, can i change it?”. Minodify ang sarili parang Tamiya 4wd lang pala siya. ‘Pag yumaman ako, ipapamodify ko rin ang mga parte ng katawan ko. Magpapalagay ako ng LCD screen sa likod at harap para kahit hindi na ako magdamit ok lang papalitan ko na lang ang wallpaper araw-araw.
At lumipas ang buong araw. Nakakainis natapos ang buong buwan ng February ng wala man lang 20 Million sa account ako, at mas nakakainis ni wala man pala akong sapat na pera para ipang-open ng bank account. Sana sa susunod na buwan manalo ako ng lotto o kaya kahit sagutin lang ni Anime kahit di ko ligawan. Sana minsan maisipan niyang ako lang ang karapat dapat sa kanyang puso at... unat-unat makatulog na nga.

030210 - Samut-sari

No comments:

Post a Comment