Wednesday, March 3, 2010

030210 - Samut-sari

March 2, 2010
Malelate na ako kaya di na ako naligo, nag-almusal, nainis sa “Nobody”, nag Down-Up-Down-Up Repeat 200x and say haaaaaaaaa at di na rin ako nagtoothbrush. Sakto lang ako sa jeep, isa na lang kasi aalis na, di totoo yon., kalahating ruler na lang ang kulang at aalis na. Putulin mo man ang ruler at isukat sa natitirang espasyo para sa pwet kong walang kasing tambok ay di magkakasya. Siyempre kunwari kasya ako, wala ng ibang choice eh. Nakahawak ang mga kamay ko sa hawakan ng mga inaantok sa jeep, nagsisilabasan ang mga ugat sa kamay at nauubos ang enerhiya sa tuhod. Style ko lang na nakaupo ako, ang totoo nito ang mga tuhod ko ang nagpapanatili sa posturang nakaupo. Alam naman nila na naghihirap ako pero todo style pa rin ako, kada liko ng jeep tinitigasan ko na ang aking mga tuhod at todo pwersa sa paghawak dahil anumang oras maari nanamang madagdagan ang mga embarrassing moments ko (may “S” ba dapat?). Paliko, ibinuhos lahat ang enerhiya sa tuhod at naglagay ng 20% na enerhiya sa kamay. Lumampas ang paliko na hindi ako nahuhulog sa pagkakafake ng pagkakaupo ko. Mabagal ang driver, kung ikukumpara yung kahapon parang mas nagmumukhang racer ang kahapon kaysa sa ngayon. Ilang bisekleta na ang mga nakapang-overtake sa amin, limang gareta ng kalabaw, dalawang asong naglalampungan at 37 na senior citizen. Ganon kabagal ang nasakyan kong jeep. Nagsisisi nga ako eh, buti pang nagpakarga na lang ako sa isa sa mga 37 na senior citizen at binigyan na lang siya ng tip, tip na di malilimutan, boy bawang na tig-pipiso. Kahit piso lang yon 1 year ng kakainin ng mga senior citizen yon, maliban na lang kung may pustiso. Naghihirap na ako sa pagkakafake ng upo ko. ‘Di dapat ipahalata kaya kunwari aayusin ko ang buhok ko para magmukhang di ako nahihirapan. “Para!” haaay! Sa wakas may bababa rin. Si Mang PBA pala ang bababa. Ang taong wala ng ginawa sa jeep kundi sambahin ang Ginebra at si Mark Kagiwa, pinagtatanggol ang bumagsak niyang team sa kaibigan niyang lagi rin naming nakakasakay. Mukhang hindi naman interesado ang kaibigan niya sa PBA dahil puro malalayo at pang palit ng usapan ang mga sagot niya. “Ah oo si Kagiwa, sikat ‘yon! Magaling yon, pero pare pinuyat ako ng Prison Break ang galing ng palabas na iyon”. “Ah oo yung mga nasa kulungan? Kung di lang na-steal ang bola tiyak na makakaiskor pa rin sila” – talagang pinagpipilitan ang PBA sa taong di naman interesado. Sabagay may similarites naman ang usapan nila, PBA Philippine Basketball Association at PBA Prison Break Addict. Napanood ko na rin ang Prison Break, ang galing nga. Madami akong natutunan sa palabas na ito, dito ko nalaman na kapag bida at guwapo ka pala pwede kang magnakaw, magsinungaling, magpatattoo ng sangkatutak at tumakas sa kulungan.
Dahil sa pagkakababa ni Mang PBA, nakaupo na rin akong maayos. Tumatawag na si Boss, naririnig kong nagbavibrate ang cellphone ko, may plano ako. Kacancel ko at alisin sa pagkaka-silent para marinig ng lahat na may tumatawag sa akin. At ganoon nga nagring ng may malakas na tone “Hello Ahrean! Bakit ang tagal mo? May kailangan akong ipagawa sa iyo dalihan mo”… putol na ang usapan pero di ko aalisin ang phone sa tenga ko magsasalita akong mag-isa, malakas na salita na maririnig ng driver. “O sir kasi ang bilis ng jeep na sinasakyan namin, isipin mo sa ganitong bilis dapat ay 5 years bago ako makarating diyan pero ang galing boss! 4 years pa lang at halos nandiyan na ako” sabay “Opo sir, Opo sir” kahit wala akong kausap.
Kaya naman pala tumawag si boss dahil ‘di niya makita ang desktop niya. Tama siya marami akong gagawin isa na rito ang pagpindot sa F2 ng computer niya, hindi niya siguro nabasa ang Press F2 to continue. Minsan si boss nakakatawa, ayaw niya akong ipahiram sa external DVDRom niya dahil daw baka magkavirus, sinabi ko naman sa kanya na hindi naman nagkakavirus ang mga kagaya ng hinihiram ko, pero ayaw niya talaga dahil yung dati niya daw DVDRom na hiniram ng bestfriend niya nagkavirus daw, ayaw na daw magplay ng mga DVD. Talagang ‘di na gagana ang DVD sa CD. CD na ang binalik ng bestfriend eh, di naman kasi halata pareho lang na kulay black. Kung ‘di ko lang siya boss sinagot ko sana ng “Buti na lang ‘di ka natatakot na mavirus ang monitor mo at ang charger ng cellphone mo?”.
Ang trabaho ko nga pala ay Computer Technician, pero madalas pang grade 2 lang ang ginagawa ko. Kagaya na lang kanina, isang F2 lang at nagagawa ko na ang tungkulin ko. Nagi-guilty ako kapag buong araw ang tanging nagagawa ko lang ay magturo kung paano magsign-up sa mga social networking website, ang mga katrabaho kong babae kasi kapag wala ang boss namin ay todo Friendster at Facebook, sa ngayon yan pa lang ang abot ng mga IQ nila. Dati nung friendster pa lang sila at nakilala nila si kuya Facebook ang sabi nila “Pangit, nakakalito!”. Ngayong alam na nilang gamitin ang facebook, may sarili na silang lupa, pananim, may mga pet, may isda, may pinag-uusapan sa jeep, may pinapanaginipang pananim at higit sa lahat tumaas na ang IQ nila, isipin mo ba namang kaya na nilang mag-add ng friend at gamitin ang chat sa facebook, medyo nakakainis nga lang kapag tinatanong nila ako kung ano ang ibig sabihin ng WTF, LOL, IMO, OMG, GTG, BRB ang sagot ko ay Walang Tangang Farmer, Laging On Line, Itanim Mo Oh, Open Mo Gift, Go! Tanim Go!, Bagong Ribbon Bwahahaha. Kaya naman ayon biniro ko lang sineryoso dahil tuwing may bagong ribbon silang nakukuha sa Farmville at naipublished laging may nakasulat na BRB. Marami pa silang mga tanong sa akin na di nila kayang i-google. Kaya naman sa harapan mismo nila tinatype ko sa google ang mga tinatanong nila. Ginawa ko na ngang Homepage ang Google para tuwing bubuksan nila ang internet explorer (ayaw nila sa firefox o chrome pangit daw.) nasasampal sila ng google.

030310 - Uto-utong Hang Over na kulangot, pwet!

No comments:

Post a Comment