Friday, March 26, 2010

031210 - Tenbits, kasbu let ooh!

March 12, 2010 -- Unedited (Nagmamadali ulit)
                Isang makapal na ulap ng kamalasan ang dumapo sa lamok na gumising sa akin, saktong sakto ang AMEN mosquito killer ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung sa akin ang dugong lumabas sa kanya. Maliban sa buni ko sa pwet, wala ng ibang nangangati sa aking katawan, walang sinyales na nakagat niya ako. Napaka-ingay ng mga tao sa labas, at parang pinag-uusapan nila ay panaginip. Nilabasan ako, mali. Nilabasan ko sila para ipakita sa kanila na hindi ako masaya sa ingay ng almusal nila, ang tsismisan. “Oo, napanaginipan ko kagabi si Tulundoy, namatay daw siya”, “Oh talaga! Itaya mo sa jueteng, baka lumabas!”. “Oo nga itatayo ko talaga dahil ang ikinamatay niya ay ang pagtama ko ng jueteng, hindi siya nakapaniwala kaya inatake!”. “Itaya mo ang kanyang birthday!”. Masyado ng mabaho ang ganitong istilo ng mga taong wala ng ginawa kundi sumamba sa dala-dalang papel ng nagjujueteng na may drawing ng anatomy ng tao na bawat parte ay may numerong nakalagay, salida bola yata ang tawag nila doon. Kapag napanaginipan mo ang tungkol sa ulo mo tumingin lang sa salida bola at doon may numero ang ulo at iyon ang itaya mo, bahala ka na sa isa pang numero, malas mo lang kung ang atay o ang mga bacteria sa tiyan mo ang kasama sa panaginip mo . Kaya hindi ako tumataya ng jueteng dahil isa lang naman lagi ang napapanaginipan kong hindi nakakalimutan hanggang tanghali at iyon ang aking 8 equals equals equals D, kapiling ng kamay ko.  Dahil sa kawalan ng ideya ng mga taong kampon ng salida bola kung anong itataya sa jueteng, inaasa nila ito sa kanilang panaginip at hindi kagaya sa salida bola, mas maraming mga numerong nakatalaga sa ibat-ibang klaseng bagay na nasa panaginip nila. Magmula sa liit ng atom hanggang sa laki ng universe ang naabot ng mga gawa gawang numero sa kanilang panaginip. Siguro nga yung mga taong adik na adik sa jueteng ay laging excited matulog at habang natutulog may katabing lapis at papel sa unan para kung nanaginip man na may kinalaman sa jueteng kaagad silang tatayo ng sapilitan at ilista ang mga nararapat na numero para sa kanilang panaginip, siyempre may pambura ang lapis dahil ‘pag natulog sila ulit mag-iiba nanaman ang panaginip kaya nga hindi ballpen ang ginagamit dahil mangangailangan pa sila ng liquid paper tuwing mapapatungan ang naunang panaginip nila. Pagkagising na pagkagising sa umaga, sapilitan nilang pinipilit ang kanilang sarili para maalala ang pinakamalakas sa kanilang panaginip. Kung wala talaga silang matandaan ni isa sa anim naput siyam nilang panaginip at wala ni isang naisulat sa papel, aasa sila sa panaginip ng iba. Kunwari makikinig sa kwento ng iba tapos tataya ng patago. Alam ko na ang sakit nila kaya naman tuwing may mga adik sa jueteng ang magtatanong sa akin sa panaginip ko sinasabi ko lang na “Nahulog daw ako sa bangin at may biglang lumitaw na 57 na babae at 88 na bakla.” Tignan ko lang kung may mapupulot silang numerong pwedeng itaya sa jueteng, sa bagay si Poknat ay laging naniniwala naman sa gawa gawa kong panaginip kaya naman lagi niyang tinataya ang 5-7 at 8-8, buti na lang tanga. Isang napakalaking kulay black ang bumalot nanaman sa paligid at sa ibaba ay may biglang lumabas na....
Itutuloy... uwian na mga tol!

NEXT

031210 - Pinaglihi sa Usog

No comments:

Post a Comment