Ito ang unang gising kong nakita ko ang “Buhay ka pa, Lol!” matapos kong makulong ng 86,400 na segundo sa kulungan. Wala ako sa mood kaya hindi na ako nag-Down-Up-Down-Up repeat 200x and pwak it became koko krunch ngayong umaga. Diretso sa banyo at naglabas ng isang napakahaba at napakatigas na brown, inggit ako sa brown na iyon, dahil mas mahaba pa siya kaysa sa eight equals equals D ko, mas mataba nga lang ang sa akin. Naligo ako na gamit ang surf na bareta bilang panabon sa aking katawan at nadiscover ko dati na pwede rin palang gamiting shampoo yung lumambot na parte ng surf, medyo titigas nga lang ang buhok mo kapag natuyo, pero nariyan naman ang biniling downy ni nanay para pampalambot. Nagmistulang tela ang buhok ko dahil ginamitan ito ng mas mahal na sabon at pampalambot kaysa sa shampoo. Dati naamoy ng ka-opisina ko ang bango ng downy sa buhok ko at naitanong niya kung anong klaseng shampoo ang gamit ko, tinanong ko siya kung meron siyang alam na shampoong amoy downy, wala naman daw, kaya sinabi ko sa kanya ang sikreto ko at tinawagan niya akong cheap. Tinanong ko siya kung tig-magkano ang sachet ng shampoo niya, tig-5 daw. Natawa ako sa presyo ng mumurahin niyang shampoo kaya sinabi ko sa kanya na “Ikaw ang cheap! Tig 5 lang ang shampoo mo samantalang mas mahal ang surf at downy kumpara sa mga shampoo at conditioner na gamit mo.” Asar talo ang lintik, dinahan na lang sa tawa at joker daw ako, anong nakakatawa doon at anong joke doon, tanga talaga.
Welcome back sa paborito kong pinapansin, ang mga sakay sa jeep. Nakayuko ako at ipinikit sandali ang aking mga mata habang pinupuno ng asong barker ang jeep. Mabilis naman itong napuno dahil may sumakay na isang taong dala ang kanyang buong sambahayan. Binuksan ko ang kaliwang mata ko habang nakayuko, tingin pataas. &*$@$* ng tinapa !&#*$*%, isang miniskirt na litaw na litaw ang white na panty. Hindi na ako gagalaw, ganito na lang hanggang sa maramdaman ko na lang malapit na akong bumaba, 15-30 minutes na panty viewing. Solve na masakit sa puson (may puson ba ang lalaki? ) Pakiramdam ko parang may mga damong nabubunot dahil sa pagtubo ng isang malaking malaking kabute, masakit sa pakiramdam ang matubuan ng natutulog na kabute dahil uubusin niya ang mga nakaipit na damo sa kanya, aray! aray! Masakit. Mas masakit ang pakiramdam bago ako bumaba at palagay ko buong araw kong pagsisisihan ang araw na ipinanganak ako dahil nung pababa ko lang tinignan ang itsura ng binobosohan ko, isang babaeng nasa 46-50 years old. Muntik na akong magsuka ng corned beef at dalawang kilo ng bigas sa itsura ng babaeng nabosohan ko na pansamantalang pinagpantasyahan, Ok pa ang kutis niya parang nasa 29 years old lang wala pang gaanong mga guhit guhit at di pa nagiging glossy. Ang itsura niya doon ang ikinatatakot ko, baka maging isang bangungot ito sa akin gabi-gabi. Parang nakita ko sa kanya ang closer look ng buwan, cheese bread naman kung sa tinapay.
Official na araw na ako ay isa ng Assistant ni Chicken. Siguradong maganda ang magiging trabaho ko, wala ng makukulit na tanong tungkol sa facebook, wala ng tanong kagaya ng “Bakit nagiging bilog at asterisk ang password ko?”, “Paano gawing malalaki lahat ang mga letra sa tinatype ko ng hindi ko pinipindot ang Shift?” at iba pang mga pang matatalinong tanong. Nawala man ang mga pang matatalinong tanong, naging mas nakakapagod pala ang trabaho ko. Bumili ng pagkain ni Chicken, Bumili ng inumin, magtimpla ng kape, walisan ang opisina niya, ayusin ang pugad ng ahas sa kanyang lamesa, punasan ang 3 inches na kapal na alikabok sa kanyang drawer, itapon ang sampung rim na scratch paper, at ayusin ang mga libro niyang pakalat-kalat. Mas mukha pa ngang opisina ang banyo namin kaysa sa kanyang opisina dahil mukhang niretokeng junk shop lang ang sa kanya. ‘Di bale 50% increase naman ang sahod ko.
Pagkatapos akong gawing Cinderella ni Chicken balik technician at answering machine ako para sa mga utak na puno ng kalawang, ang akala ko pa naman mala-Vice President ang dating ko, yun pala nagmukha akong trabahador ng isang mayamang nagtitipid sa gastos, all in one -- BOY, yaya, katulong, driver, hardinero, kartero, delivery boy at tagapagluto, parang naging ganoon ako sa opisinang ito. Uwian na at natapos din ang sinumpang araw ni Judas. Inaantok ako sa jeep, ang hirap labanan ng solid na antok. To the Left, bagsak ulo, nerbiyos, gising tingin sa paligid na parang sinasabi sa mga nakasaksi sa iyo na HOY HINDI AKO TULOG NO!”, back to sleep. To the right, bagsak ulo, nerbiyos ulit, gising at kunwari hindi ka talaga tulog. Ang daming ganyan sa jeep, yung mga pasaherong inaantok tapos pipikit, lalalim ang tulog at babagsak ang ulo pakaliwa man o kanan, siguradong pagkabagsak makakaramdam ng matinding kaba, automatic ang nerbiyos na iyon kapag nakatulog ka at bumagsak ang ulo mo, ang matindi pa nito magkukunwari ka pa na alam mo ang nangyayari kahit obvious na obvious na tulog ka talaga, parang sinasabi ng pakonting bukas mong mata na “Ay hindi ha! Ay hindi ha!”. Minsan kapag nangyayari sa akin ang bagay na iyan kunwari sinasabay ko na lang ang ulo ko sa natural na galaw ng jeep, para hindi halata na malalim ang tulog ko.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete