March 10, 2010 - Unedited (Nagmamadali)
Tarantado talaga itong Ms. Nobody na ito, tinatalo pa ang mga deboto ni Maria na nagnonobena. Hindi ko marinig ang nobena nila dahil sa “Nobody, nobody but you!”. Teka, Hindi ako nagmura! Hindi mura ang tarantado. Ang tarantado ay isang klase ng tao na natataranta, mali pala ako, dapat tarantada si Ms. Nobody dahil babae siya. Dahil nagising ako sa kantang walang nakakaintindi ng lyrics tatayo na ako para bumili ng pandesal bilang almusal. Ayos! Malinis ang bakery walang nakapila para bumili ng pandesal, wala ang mga magkakaklase sa pagbili ng pandesal at higit sa lahat wala na palang pandesal, kaya walang pila. Cup Noodles na lang ang pagasa ko para magising ang katawan ko at magkaroon ng konting lakas, bawas pogi points nanaman ito sa bato ko. Sarap talaga ng Cup Noodles lalo na kung wala ka talagang makitang almusal.
Kagaya ng dati hindi talaga maiiwasan ang pagsakay ko ng jeep. Nawala na ang pagtingin ko kay Anime dahil ilang araw ko rin siyang ‘di iniisip at ‘di nirerape sa panaginip, pero ngayong umaga unti-unting bumabalik ang aking pag-ibig sa kanya, kaya naman kahit ligawan niya ako ngayon ay masasagot ko siya ng di ako nagpapakipot. Swerte niya dahil Assistant ni Chicken ang boyfriend niya. Virgin pa kaya si Anime? Sana virgin pa siya para kapag naging asawa ko siya, ipapakita ko sa kanya ang tunay na kahulugan ng maginoong Pilipino. Ano ba ang dapat kong gawin para ligawan niya ako? O kaya naman ay kahit ibulong lang niya sa mga nakakatabi niya sa jeep na crush niya ako. Isang milyong taon ko rin siyang di nakakasakay sa jeep kaya naman sabik na sabik ang mga mata ko sa pamboboso sa kanyang skirt at pagtingin sa kanyang mukha. Nakukuryente ako tuwing tititigan ko ang kanyang mga matang nakatingin sa librong hawak niya, kinikilig ako, parang mababasa ng ihi ang pantalon ko. Ang landi ko talaga tuwing nakakasakay ko ang babaeng magiging ina ng labing pito kong future children.
Hindi ko kaagad napansin ang lalaking katabi niya, nasayang tuloy ang oras ko para paglaruan ang lalaking mukhang bakla sa isip ko. Nakapink na damit at nakasulat ang pangalang SlipKnoT, ang slipknot ay isang grupo ng kalalakihan na gumagawa ng panlalaking musika, na hindi nararapat sa isang damit na kulay pambabae. Malinis naman tignan ang damit na kulay pink, lalo na kung singkapal ng bibliya ang pulbos mo sa mukha at sing-haba ng kable ng meralco ko pilik mata mo. Ang daming mga lalaking hindi naman bakla pero tinatalo pa ang mga bakla sa pagpafoundation sa kanilang mukha. Gumagamit na rin ang ilang kalalakihan ng mga bag na pambabae dahil sa ganoong paraan nila maipakita na kunwari may girlfriend sila at sa imaginary girlfriend nila ang bag na dala, ang iba naman akala siguro cool ang magbag ng pambabae kaya kahit sa school ang bag nila ay transparent na may drawing ni hello kitty, sana magpanty na rin sila at gumamit ng pantyliners. Sa bagay parang cool din na ang mga lalaki dito sa daigdig ay magpapanty at magbabra na lang, nang sa gayon ay maiwasan ng iba ang pagnanakaw ng panty ng may panty. 10% ng mga dalaga sa aming barangay ay nawawalan ng panty dahil sa ilang manyakis na gumagala. Isa sa mga magnanakaw ng panty ay ang bestfriend kong si Poknat, tinanong ko sa kanya dati kung ano ang ginagawa niya sa mga panting ninanakaw niya, inaamoy lang daw habang nag-a-up-down-up-down repeat 200x siya. Tinanong ko rin kung anong amoy ang kadalasan niyang nasusungkit, amoy sabon lang daw. “Gago ka pala eh, bakit di ka nalang bumili ng sabon at sabunin ang underwear mo at iyon ang amoy amoyin mo.” Ayaw naman niya. Tinanong ko rin kung siya ang nagnakaw sa ilang panting nawawala ng kapitbahay namin (Ms. Nobody). “Dalawa lang ang ninakaw ko sa kanya, yung una itinapon ko lang pre, kahit bagong laba amoy banyo ng elementary school, di ko matake parang pinagsasamantalahan ko ang lola ko tuwing naamoy ko.” “Eh bakit umulit ka pa para sa pangalawang panty?” tanong ko ulit habang nag-eenjoy sa kanyang kwento. “Pare binigyan ko siya ng chance, pero yon pa rin ang amoy, siguro talagang ganoon na ang amoy ng sa kanya.” Nakakadiri man ang kwento ni Poknat pero kahit papaano nakakagising ng mushroom. Kaya dapat ayusin ng mga babae ang paglalaba ng kanilang panty dahil baka manakawan sila at nakakahiya naman sa nagnakaw kung amoy banyo ang panting ninakaw. Magmula nang maikwento sa akin ni Poknat ang ginagawa niya sa mga nananakaw na underwear, sa banyo ko na sinasampay ang mga brief ko dahil baka pag nagkataon mauso ito sa mga bakla at nakawin ang tatlo kong brief, nakakahiya naman dahil kahit anong laba ang gawin ko amoy pwet parin kapag natuyo.
Panandalian kong aalisin ang pagkakadikit ng mga mata ko sa mukha ni Anime. Kapansin-pansing ang katamaran ng mga nagdidikit ng mga pampolitikang poster dahil sa isang pader 20-50 na paulit ulit at tabi-tabing idinidikit ang kandidatong hawak nila, Vote! Juanito Paquito for Mayor at ang katabi niya ay Vote! Juanito Paquito for Mayor at ang katabi ulit ay Vote! Juanito Paquito for Mayor hanggang sa makarating sa dulo ng pader, ganoon din sa baba ,Vote! Juanito Paquito for Mayor, kung di man umabot sa dulo ng pader dahil naunahan na sila ng isa pang tamad na taga-dikit. Ang mahirap pa rito ay iiwan nilang kumukupas ang mga dinikit pagkatapos matalo sa eleksiyon. Isa sila sa mga salot ng lipunan! Isang mangagalat ng kalsada!
Lumang istilo na sa ating bansa ang istilo ng mga politiko na tuwing malapit na ang halalan doon nila nilalabas ang mabuting bahagi ng kanilang pagkatao, kung kinakailangan nilang magpagawa ng Ilog o sapa sa inyong barangay para lang may maipagawa silang tulay ay gagawin nila. Minsan nga gusto kong alisin ang bubong ng aming bahay baka sakaling may kandidatong magkawang gawa na lagyan ng bagong bubong, pero baka mapahiya lang ako at mahirapan pang ibalik ang mga ito. Uso rin sa aming barangay ang bentahan ng boto, ang isa sa mga pinakamalaking kalokohan ng eleksiyon. Bibigyan kang 350 pesos iboto mo lang daw ang hawak niyang kandidato. Tatanggapin ko ang perang ibibigay niya pero hindi ko siya iboboto, anong akala niya sa akin mukhang pera? Bakit ko iboboto ang isang kandidatong inaakala na madadaan ako sa pera? Sa bagay may punto rin ang kabilang parte ng utak ko eh, paano kung isa lamang iyong pagpapanggap para sirahan ang kalaban? Paano kung hindi talaga si Juanito Paquito ang bumibili ng boto? Ginagamit lang ang kanyang pangalan para isipin ng mga tao na masama siyang kandidato dahil iniisip na lahat ay nadadaan sa pera.
“Para! Para! Para na sabi eh!” Ang bingi ng driver. “Para po! ‘Wag niyo akong ilampas sakto lang ang ibinayad ko!” For the first time nakita kong ngumiti si Anime dahil sa sinabi ko, napangiti ba siya sa sinabi ko o sa binabasa niyang erap jokes?
Trabaho! Trabaho at trabaho hanggang sa maubos ang liwanag ng araw at lumitaw ang mga bituin, overtime kagaya ng dati, umuwi at matulog at hintaying ang katapusan ng mundo.
No comments:
Post a Comment