Friday, March 5, 2010

030410 - Dagat ng Basura, Dagat ng Pera, Just dial 117 to call LTFRB

March 4, 2010
Malamig! Kakatamad tumayo, mas lalong nakakatamad maligo. Kung ‘di naman ako maliligo sayang naman, ngayon ko isusuot ang damit na inabot kagabi ng kapitbahay ko. Manny Villar. Siya yung taong magtatapos ng ating kahirapan, dati rin kasi siyang naghirap kaya alam niya kung ano ang pakiramdam ng paghihirap. Ang isang nakakabagabag nga lang at sana di na niya malaman na kahit mahirap kami di kami nagsuswimming sa dagat ng basura, mga sint-sinto lang siguro ang taong lalangoy sa dagat ng basura. Dagat na tubig nga wala dito, paano pa kami makakagawa ng dagat ng basura, baka pure ang tinutukoy niya. Pure na basura. Kung ganoon meron kami dito pero sapa ng basura lamang at di kami makakalangoy doon. Nagtataka lang ako kay bossing Villar, bakit kaya naisipan niyang lumangoy sa basura sa mga panahong naghihirap siya? Lumalangoy rin kaya siya sa dagat ng pera ngayong mayaman na siya? Totoo yung sinasabi niyang marami sa mga mahihirap ang nakapagpasko na sa kalsada, kami nga kahit new year sa kalsada kami, di naman kasi naming makikita sa loob ng bahay ang mga fireworks at nakakatakot sa loob ng bahay dahil halos lahat ng mga tinatamaan ng ligaw na bala ay nasa loob ng bahay . Anong amoy kaya ni bossing Villar pagkatapos lumangoy sa dagat ng basura?
Ayos ang pogi ko! Black Jeans tapos Manny Villar ang damit. ‘Di naman sa mahilig ako sa politika, sadyang mahilig lang ako sa mga sikat na damit. Sobrang takaw ng driver na nasakyan namin. Ang salitang sobra ay kulang para i-describe ang pagkaganid ng driver na ito, bawat kanto may makita lang naglalakad ay humihinto, nagbabakasakaling sasakay sila. Buti nga at exempted ang mga aso at pusa. Ang galing nga niya eh, dahil ang sagot sa isang pasaherong nagrereklamo ay “Naghahanap buhay rin akong katulad niyo!”. Lintik! Naghahanap buhay rin pala siya eh! Dapat alam niya na mahalaga ang oras. Sa bagay walang late late sa kanila, sa amin meron. Sa totoo lang masarap buhusan ng isang baldeng antik na langgam ang driver na ito eh. Pagkababa ko tinignan ko ang sasakyan niya, kukunin sana ang plate #. Kahit wala akong planong i-reklamo siya. Mas kapansinpansin ang HOW IS MY DRIVING na nakapinta sa side ng jeep niya, may # doon ang LTFRB, at Mobile Number hindi telephone. Tinext ko pagkadating ko sa opisina, “Eow pow! Gs2 ko snang ereklmo ang drvr n cnkyn nmin knna, ang tkaw po kc sa pshero. Hlos lht kmi ngrrklmo dhil mll8 n kmi – Ahrean Padilla”. Mga bandang tanghali na nang nagreply ang LTFRB ng “Eow din pow! Ano pong itsura ng drver na nirereklamo nyo po?”. Reply naman ako agad ng “Mtnd ng konti, kmukha ni pugak at may pugad sa ulo, kalbo ang gitna ng ulo at merong tattoo sa braso ng i lab you Carol.” – “Oh ok po kc akala ko si tito Rey ang tinu2koy nyo, ok po pagssbhan ko na lang si tatay.”. Hindi ko alam kung ang anak nung driver , LTFRB o ginawang trip lang ang # at ikinalat sa lahat ng sasakyan ng mga kamag-anak.
Uwian nanaman. Fast Forward. Nasa Bario na ako pero di dumeretso sa bahay. May baklang pinatay, wala pang mga pulis at mga usiserong kapitbahay lang ang mga nagkukumpol kumpol. “Anong dahilan ng pagkamatay?” tanong ko habang nakatingin sa baklang may saksak sa tiyan at naiwan pa ang balisong sa tiyan. Gusto kong kunin ang balisong dahil may dala akong manggang hilaw, mukha kasing matalim at pwedeng pangbalat ng prutas. Hindi halatang sinaksak ang biktima kaya naman sumagot ang katabi kong usisero rin ng “Binaril yata, may narinig akong putok ng baril kanina eh.” Hindi ko alam kung pinagtitripan niya ako o talagang kagaya ko lang siyang tanga. Pwede ring nalito lang siya sa balisong dahil kakulay ng bala ng M-16 ang handle nito. Tutal naman wala pang pulis, lapitan ko muna, wala ring magbabawal na barangay tanod. May cellphone siya sa kanang kamay, kinuha ko at tinignan.
Alam ko na ngayon ang tunay na dahilan kung bakit namatay ang kawawang bakla. Namatay siya dahil walang load. Ayon sa recent call niya tumawag siya sa 112 at 117. Dinial ko ulit, hanep na 112! For emergency assistance please dial 117. Kaya pala meron din siyang 117. Sa 117 naman ang sabi ay “Sorry you do not have enough money left in your account, please reload immediately.” Malinaw na kawalan ng load ang ikinamatay niya. Dapat bago ka magpakidnap, magpasaksak, magparape o makipagriot may load ka. Kung wala kang load sorry sorry! Walang emergency sa tulad mong poor! Ganyan ang sistemang uso ngayon, no money, no emergency. Magmula ngayon magloload na ako kahit sira ang mouthpiece ng cellphone ko atleast pwedeng magtext kung sakali mang malunod ako o mabangungot. Pagkatapos maging bungo ang bangkay dumating rin ang mga tanod, after 2 years ang siya namang pagdating ng mga pulis. Mga lokong kapitbahay lahat sila walang load para ireport, mga tanod naman busy sa panonood ng balita.

030510 - Walang Kwenta!

No comments:

Post a Comment