March 7, 2010
3:30AM, wala ang “Buhay ka pa, Lol!”. Hindi ko makita dahil madilim pa. Mas malala pa ang nangyari ngayon kaysa sa pagputi ng uwak at paglipad ng isda, ang isang bagay na pinaka-impossible sa buong kalawakan ay naganap ngayong madaling araw na ito. Ang pagising ko ng mas maaga sa alas-6 ay isang malaking kalokohan, na maituturing naman ng mga relihiyosong taong grasa na himala ng mga himala. Pupunta ako ng palengke hindi para mamalengke kundi para magdeliver ng bagay na ang may-ari ay ang taong pinakabangungot sa panaginip ko. Walang masyadong mapapansin ang mga cute eyes ko sa jeep dahil natulog lang ako sa biyahe. Nakarating naman ako ng ligtas sa palengke. Ang daming nagsisigawang mga baboy, kinakatay siguro. Amoy Texas Chainsaw Massacre ang buong palengke. Medyo madilim dilim pa dahil 4:55AM ako nakarating sa pang-Fernando Poe Jr. na lugar na ito. Nakalimutan kong itanong kay boss kung anong oras sa madaling araw at nakalimutan rin naman niyang sinabi, nakalimutan ko rin ang cellphone ko kaya di ko siya matetext. Medyo masakit ang tiyan ko, di man lang ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil baka bigla siyang dumating at wala ako. Hindi ko na kaya ito! May tumutusok na sa pwet ko at ang tigas. Naglakad ako para pumunta sa banyo ng palengke. Sarado pa. Wala ng pagasa sinusumpa na ni satanas ang tiyan ko. Bigla akong naging walang-hiya dahil kahit kanino sa palengkeng ito ay nakikiusap ako na makipagbanyo. Mga madamot lahat, iba-iba ang dahilan para lang mapalayas ako. “Sira kasi ang CR namin eh!”, “Bawal po kasi dito!”, “May tao sa loob”, “Barado sir eh!”. Walang-hiya talaga, kung may pera lang ako bumili na sana ako ng isang toneladang karne ng baboy at sabay makiusap na ilabas ang aking brown sa banyo ng binilhan ko. Hahanap na lang ako ng pinakamalapit na Jollibee na bukas ng 24hrs. Ang naiisip kong pinakamalapit ay malayo pa rin para tiisin ang kulay brown sa aking pwet. May nakita akong videoke bar na tiyak na may CR, hindi siguro ako papayagan na basta basta lang mag CR kaya bibili ako dapat ng kahit na ano. Pinasukan ko na at “Isa ngang chicken sandwich”. Umupo muna ako habang hinihintay ang inorder na kunwari ay di na tetense sa sakit ng diyan na nadarama. 1 minute ang pagkukunwari at pagkalipas nito ay sabay “Miss saan ang CR niyo?”. Kiss sa hangin ang ginawang pagturo ng dalaga sa CR, madalas nating panturo ang nguso kapag tamad tayong mga Pilipino, yan ang tinatawag na KISSON ang pinagsamang KISS sa hangin at pagsabi ng DOON. Pwak! Pwak! Pwak!. Wala ng sasarap pa sa ganitong senaryo. Mahirap sa una, masarap sa huli. Isipin mong sobrang sakit na ng tiyan mo at lalabas na ang kulay brown sa pwet tapos bigla kang makakita ng CR at bigla mong ibuhos ang nagliliyab na brown sa kubetang nasumpungan. Ang saaaaaarrrrrrraaaaaaaap! Grabe sa sarap!
Si Boss baka nandoon na. Bitbit ang chicken sandwich, bumalik ako sa napag-usapang lugar. At nandoon na nga si Bangungot, inabot ko sa kanya ang chicken sandwich. Chicken sandwich?! Patay! Nakalimutan ko ang parcel sa CR ng videoke bar! ‘Di bale di pa naman binubuksan ni boss. Iniabot sa akin ang 100 pesos pamasahe ko raw pabalik. At lumisan siyang may libreng almusal. Hinintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago ako tumakbo na kasing bilis ng takbo ni Goku nang tumakbo siya sa snake road. At, may pulis sa videoke bar. Mukhang niraid sila. “Siya po ang may dala ng baril!” turo ng dalagang tamad magturo sa kamay kanina na ngayon ay singtuwid ng toblerone ang kamay sa pagturo sa akin. Inaresto ako ng mga matatabang pulis dahil daw sa illegal possession of firearms. Hindi ko alam kung bakit iyon ang dahilan ng pagkakaaresto ko, yung parcel kong dala ang laman pala ay baril. Kaya hindi pina-LBC ni bossing. Hindi ba dapat Illegal Leaving of firearms ang kaso ko? Hindi ko naman dala nang inaresto ako ha.
Kulungan, expect ko na ang rape scene. Luluwang ang pwet ko, bahala kayo kakatapos ko palang naglabas ng brown kanina. Bugbugan, saksakan, mayor, tattoo, nagyoyosing kalbo na kung tumingin ay medyo pataas (sinyales na astig siya) yan ang mga bagay na expect kong makikita sa kulungan. Hindi ako si Michael Scofield ng Prison Break kaya naman wala akong planong tumakas, isa pa kung mala Michael Scofield ako at susubukan kong tumakas siguradong may mga camera na nakatutok sa akin at siguradong nariyan ang mga crew na sasama sa pagtakas, kaya wag na lang hintayin ko na lang mabulok ako sa kulungan. Wala pa ako sa kulungan. Mga imahinasyon ko pa lang ang mga yan. Papunta pa lang ako. Bakit kaya hindi ako nininerbiyos? Unti-unting umiitim ang paligid at sa ilalim ng kanang bahagi ng kaitiman ay may biglang lumitaw na:
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment