Friday, November 5, 2010
Pasko Nanaman
Celebrate Christmas 2010 with Sulit.com.ph, the leading online classified ads and buy and sell website in the Philippines.
Tuesday, October 5, 2010
Salamat Sulit.com.ph, ikaw ang tunay na kaibigan
Ang daming website na nag-ooffer ng libreng pagpopost ng ads, halos lahat pinasok ko para lang maibenta ang laptop ko na samsung sens q45. Pati sa mga local free advertising website dito sa pampanga ay walang nagawa para matulungan akong maibenta ang itinuturing kong pag-asa na pambayad ng utang. Inisip ko na kailangan kong isacrifice ang laptop para mabayaran lahat ng mga taong halos araw-araw na lang ay nangungulit at nananakot dahil sa mga utang ko sa kanila. Isa sa mga kaibigan ko sa Yahoo Messanger ang tinanong ko kung gusto niyang bilhin ang laptop ko, pero gipit din daw siya, nagkainitan kami nang sabihan niya akong “Sobrang mahal kasi pare eh, kahit e-post mo yan sa sulit tatawanan ka lang ng mga buyer.” Sabi ko 60,000(Nung brand new) ko itong binili 30,000 ko na nga lang binebenta. “Pare hindi mo naman masasabi yan sa mga buyer eh, kung ibebenta mo yan ng 20K sa sulit mag-aagawan ang ilan doon, pero wag mong ipost ang 20k, ilagay mo 23k tatawad pa kasi sila.” Hindi ko pinansin ang sinasabi niyang post-post sa sulit kaya ni hindi man lang ako nagtanong kung anong sulit ang pinagsasabi niya. Ilang araw lang nagpadala na ng demand letter ang isa sa mga pinagkakautangan ko at naisipan kong ibenta na lang sa mas mababang halaga ang laptop, inupdate ko lahat ang mga website na pinagpost ko ng ads at naisipan kong makipagchat sa kaibigan kong wala ng sinabi kundi sulit, sulit at sulit. Matagal siyang magreply kaya tinype ko sa address bar ang sulit.com, mali ang address at hindi ko alam kung ano ang tamang address sa sulit na sinasabi niya. Lumipas ang ilang minuto at nagreply siya, at nagsimula na ang aming usapan hanggang sa makuha ko ang tamang address ng sulit na sinasabi niya, sulit.com.ph pala hindi sulit.com. Gumawa ako ng account at ipinost agad ang nasabing laptop. Kinabukasan, hindi ko alam kung papaano ginawa ng sulit.com.ph pero lumitaw kaagad sa google ang ipinost ko, tinype ang Samsung Sens Q45, at nasa top 1(noon, ngayon nasa top 5 kahit na inactive na ang ad) ang pinost ko, ipinagmayabang ko pa ito sa mga kaibigan ko. Dahil sa nakita kong mabait ang google sa sulit.com.ph naisipan kong ipost ang patay kong business na paggawa ng PVC Cards. Hindi lumitaw sa google ang post kong ito, pero ok lang dahil top 1 naman Samsung Sens Q45 ko. Lumipas ang ilang araw, may natanggap akong text sa 'di pamilyar na numero ng cellphone at ang sabi ay “Kung kukuha kami weekly ng membership cards sa inyo ng about 1000pcs every week, magkano niyo ibibigay?”. Sumagot ako at ibinigay ang pinakamura naming presyo tinanong ko rin kung paano nila nalaman ang number ko at ang business, at ang sagot ay “SA SULIT” isang salitang hindi ko malilimutan. Ilang araw kaming nagpalitan ng text ng nag-inquire, gusto ko mang tawagan pero nagtitipid ako ng load noon, walang wala ako talaga sa panahong iyon. Dahil sa may pending na mga cards ang customer sa dati nilang provider, sa amin na ibinigay ang mga pending na iyon na halos 7,000+ at tinanong nila ang bank account ko para makapagdeposit na sila. Ibinigay ko ang bank account ko at kinabukasan ng alas-11 ng umaga nagtext ulit siya sa akin “Sir nadeposit ko na po ang 50%”. Chineck ko ang account ko at laking gulat ko nang may makita akong napakalaking halaga sa account ko, hindi pangkaraniwang pangyayari, dahil madalas initial deposit lang ang laman ng account ko. Nabayaran ko ang utang ko sa taong nagpadala ng demand letter at nabayaran na rin ang iba, ang iba naman ay nagbawas lang ako dahil kailangan kong magtira sa idineposit para sa materyales na gagamitin ko sa mga orders at mga taong babayaran. Pansamantala ko munang isinara ang advertisement ko para sa laptop dahil hindi na ako ganoon ka-pressure.
Ilang araw ang lumipas nasira ang dalawa kong printer na ginagamit sa paggawa ng PVC at isa na lang ang natira, hindi sapat iyon para umabot sa deadline. In-activate ko ulit ang ad kong samsung sens q45, kailangan sa loob ng 4 na araw ay mabenta ito para makabili ako ng 3-4 pang printers. Dalawang araw lang at may tumawag sa akin, kukunin na daw niya ang laptop, sa halagang Php15,000, nagkita kami at ibinigay ko na ang laptop ko at bumili na rin ng gamit na kailangan para matapos ko ang mga cards sa pinag-usapang araw, at natapos ko nga, at naging masaya naman ang customer ko. Hanggang ngayon ay umoorder pa rin sa akin ang client na nakuha ko sa sulit.com.ph at patuloy pa rin ang mga nag-iinquire at umoorder sa akin gawa ng sulit.com.ph. Marami akong kaibigang nilapitan, pero lahat sila ay hindi na tumulong, sinermonan pa ako, mabuti pa ang sulit.com.ph, binibigyan na niya ako ng customers, tinulungan pa niya akong makabangon mula sa pagkakalibing ko sa utang at patuloy niya akong tinutulungan hanggang sa ngayon. Salamat SULIT.COM.PH ikaw ang tunay na kaibigan ko!
Tuesday, September 7, 2010
Sulitizen the chosen community
Sulitizen - The chosen individual of the planet INTERNET. Sulitizens lives in a continent called sulit.com.ph a continent made of gold and silver, a continent that offer things that no one can refuse. The God of the planet INTERNET, W3C, call the Sulitizens as "The Worth It" people.
Sign Up at Sulit.com.ph
Buy and Sell Philippines
Sign Up at Sulit.com.ph
Buy and Sell Philippines
Monday, July 5, 2010
070610 - Tsismosang Tagapagbalitang Tigyawat (TTT)
Sa mga bagong mambabasa, para maintindihan ang kwento basahin muna ang:
July 06, 2010
022510 - Buhay ka pa. Lol
July 06, 2010
Enjoy na enjoy siya sa pagsipsip sa akin, hinahayaan ko lang. Hindi masarap, pero nakakakiliti. Siguro siya nasasarapan, dahil napapalipad siya sa sarap. Ok, tapos na ang tulala moment, let me kill this fly. Swap! Clap! Tik! Pak! Masyado siyang mabilis. Forget it! Ininiregalo ko na sa kanya ang ikalawa niyang buhay. Pagkatapos niyang sinipsip ang napisa kong tigyawat, iniwan akong di man lang nagpapasalamat. Alam niyo ba yung lumalabas na kulay puti sa tigyawat? Yung malambot na kulay puti na kapag minsan may halong red, dahil sa dugo? Naubos iyon ng lintik na langaw. Hindi naman nakakamatay iyon, yun yung mga dinurog na maning kinain ko, napunta sa mukha. Hindi totoong lahat ng kinakain natin sa tiyan at sa inodoro napupunta, meron ding napupunta sa mukha, kagaya ng peanut butter, mga cream, nilagang mani, adobong mani, taba ng baboy, cheese bread, sesame seed at marami pang iba. Iyong mga black heads sa ilong natin, yun yung mga adobong mani na may balat. Matigas ang mga black heads at kapag idinikdik mo ito gamit ang iyong kuko, ang laman nito ay kagaya lang ng laman ng sesame seed. Sarap na sarap ako tuwing may mailalabas akong sesame seed sa ilong at lalong nakakatuwa tuwing nangangati ang ulo ko at may nakakapa akong nanigas na balakubak tapos kukunin ko sa mahaba kong kuko, parang isang achievement, nakakuha ako ng isang makapal na balakubak ngayong araw na ito. Speaking of balakubak, kailangan ko ng maligo at papasok pa ako sa lugar na pinagkukunan ko ng yaman, ang opisina.
Ang opisina namin ay may iba’t-ibang codename, minsan tinatawag itong selda, katapusan, pressure, kalbaryo at ang hindi ko maintindihan, impiyerno. Ako lang yata ang itinuturing na magandang bagay ang opisina, kahit na demonyo ang tingin ko kay chicken. Ngayon ko lang narealize na kaya siguro tinatawag na impiyerno ang opisina ay dahil na rin may demonyo. Ang daming mga Pilipino ang nagrereklamo sa trabaho nila, pero noong wala silang trabaho, kahit kay Pedro napapadasal sila, magkatrabaho lamang.
Hindi mabubuo ang pagpasok ko sa trabaho kung hindi ako sasakay sa jeep. At siyempre nakakasawa na ang eksena sa jeep, wala akong magagawa, para sa akin, ito ang pinaka-highlight ng araw ko, at highlight na highlight kung papalaring makapamboso. Si Anime, mas magiging madalas ko pang makasakay si tsismosa number 1 at si tsismosa number 2 kaysa sa kanya, dahil di na muna siya papasok. Napakadaldal nila, ang sarap lagyan ng isang kilong antik na langgam sa bibig. Wala namang kwenta ang pinag-uusapan nila, si Margarita daw nakabili ng DVD sa halagang 800 at may libreng mic pa, samantalang meron pa siyang utang na ‘di nababayaran. Si Lita daw natututo ng gumamit ng Nokia 3310 at sigurado daw kaya niya ito pinag-aaralan ay may kalampungan daw siyang nasa ibang bansa, kalilibing lang ng asawa kahapon. Ang dalawang tsismosang laging updated sa mga nangyayari sa aming maliit na Barangay, sila ang tagapagbalita, at hindi sila nagkakamali sa kanilang pagsasalita, mas professional pa sila sa pagbabalita kaysa kay Mike Enriquez. Kahit tsismosa sila, binibigyan nila ng chance ang bawat isa na makatapos sa pagsasalita, bago hihirit. Si Mike Enriquez kasi, parang hindi nakikinig sa tinatanongang reporter, habang nagsasalita ang kausap na reporter, iniisip na niya ang kasunod na tanong. Parang ganito: (example lang)
Maki: “Ah Mike, bale si Pangulong Noynoy ay pumasok na sa palasyo at ang...”
Mike: “Ah, Maki... Maki...”
Maki: “Oo Mike”
Mike: Nakapasok na ba sa palasyo si Pangulong Noynoy?
Maki: “Oo Mike, bale nakapasok na siya sa Palasyo”
Siguradong iniisip ng reporter na “Kasasabi ko lang eh, hindi ka kasi nakikinig eh!”. At nakarating rin sa opisinang kinatatakutan ng iba.
Thursday, July 1, 2010
032110 - 070210 Vinegar Election Edition at Bakasyon sa likod ng bahay namin
March 21, 2010 hanggang July 2, 2010
Walang mahalagang naganap sa buhay ko, maliban na lamang sa muntikan kong pagkakapanalo ng lotto. Minsan lang akong tumaya sa lotto palpak pa, kung sanang sa 6/49 ako tumaya, milyonaryo na ako. Ang itinaya kong numero sa 6/45 ay lumabas sa 6/49. Napansin kong ang papel ng lotto ay kagaya ng papel na ginamit noong eleksiyon. Parehong machine rin ang pinapasukan, iyon nga lang, walang kopyang makukuha sa PCOS machine, at lalong walang premyong makukuha. Kahit wala pang premyo atleast daw nagawa ng isang Pilipino ang kanyang tungkuling tuwing eleksiyon. Naalala ko nang bumuto ako, halos tatlong oras akong naghintay para lang makaboto, kalahating oras naghintay sa maling pila ng mga taong bumibili ng suka. Parang fiesta rin ang election sa aming barangay, may mga vendors sa labas ng paaralan at may iba’t-ibang produkto ang ibinebenta na hindi mabibili sa ordinaryong araw lamang, isa na rito ang nagbebenta ng suka, isang gallon ng suka sa halagang 30 pesos, Vinegar Election Edition. May mga nagtitinda rin ng mga sisiw na kinulayan para sa mga botanteng isinama ang mga anak para ipangdisplay sa mga kakilala. Naging reunion din ang election day sa amin, kitang kita ang mga magkukumpare at magkukumare na nagtipon-tipon para magpayabangan sa kasalukuyan nilang buhay. May mga bumibili rin ng boto na tanging ang boto ko lamang ang ayaw bilhin, siguro dahil may ink na ang kamay ko nang sinubukan ko itong ibenta.
Bakit hindi ako sumulat ng talambuhay ko ng halos apat na buwan? Dahil apat na buwang nagbakasyon si Anime, saan? Hindi ko alam, ang tanging alam ko lamang ay ang kanyang pagbabalik. March 22, nang pumunta ako sa kanila, malakas na ang loob ko para sabihin sa kanya na, napakaganda niya at siya lamang ang aking minahal na babaeng ka edad niya, yung iba kasi hindi niya ka edad. Malakas na rin ang loob ko na sabihin at itanong kung crush niya rin ako, kasi crush ko siya. Kagimbal-gimbal na balita ang sumalubong sa akin, kaya naman hindi ko na naisulat ang mga pangyayari noong araw na iyon, ilang buwan bago ako nakapagrecover sa masamang balita na nagbakasyon muna siya. Kahapon ko rin lang nalaman na nagbakasyon pala siya sa pag-aaral, huminto muna siya dahil siya ang magbabantay sa lola niya. Lola pala niya si Lola Karing, isang matandang nasa likuran lang ng bahay namin. Sa loob ng ilang buwan, kahapon ko lamang nakitang lumabas si Anime sa bahay ng lola niya, kaya kahapon ko lang rin nalaman ang buong kuwento ng pagbabakasyon niya sa likod ng bahay namin. Isang malaking pagkakataon na sana iyon para maging close kami at magpakasal, na nauwi naman sa ilang buwan kong depresyon. Kahapon ko rin nalaman na babalik na siya bukas sa bahay nila.
NEXT
NEXT
070610 - Tsismosang Tagapagbalitang Tigyawat (TTT)
Friday, May 21, 2010
032010 - Asenso
March 20, 2010
Sabado, good time mamaya, good time ng mga magsasahod sa amin. Hindi ako sasama dahil sayang na sayang lang ang pera, isa pa hindi ko na rin kaya ang uminom ng alak. Ang daming taong nag-gu-good time pagkatapos nilang sumahod, at marami pa ring mga tao ang nagsasabi na mahirap ang buhay. Mahirap ba talaga ang buhay? Pagkatapos kong mapanood kagabi ang Schindler’s List , nakita ko ang kahirapan ng buhay, ang kahirapan ng buhay noong World War II. Kitang-kita ang paghihirap ng mga Jews, at alam din nating lahat na naghirap din ang ating mga ninuno sa kamay ng mga hapon. Sakop tayo ng isang bansang ‘di man lang marunong mag-english. Kahit anong gustuhin nilang gawin ay kaya nila, mang-rape, pumatay, magnakaw at kahit ano pang pang-aabuso. Wala kang laban kung isa ka sa mga biktima ng karahasan ng mga hapon, kung may magtatanggol man sa iyo, tiyak rin ang kanilang kapahamakan. Ngayon, sinasabi ng mga tao na mahirap daw ang buhay ngayon. Gaano ba kahirap ang sinasabi nila? Mas mahirap ba sa mga naranasan ng ating mga ninuno noong panahon ng mga Hapon? Mahirap ang buhay, nakakatawa, nakakatawa lalo na kung literal mong babasahin, ano ba ang mas mahirap? Ang buhay o ang patay? Mas mahirap ang patay. Kailan ba mawawala ang hirap ng buhay na sinasabi nila? Walang katapusan, dahil sa totoo lang sila lang ang nagpapahirap sa buhay nila. Sinasabi rin ng iba, sa Pilipinas daw di ka aasenso, hindi ganyan ang paniwala ng mga negosyanteng mga Koreano at mga Intsik sa ating bansa, ang paniniwala nila, sa Pilipinas lang sila aasenso. Kung kaya ng mga banyaga na umasenso dito, bakit hindi natin kaya? Dahil walang puhunan? Sino nga ba ang madalas magsabi na walang asenso sa Pilipinas? Sila ang mga taong laging naka-upo sa sugalan, tambay sa kanto, mga tamad maghanap ng trabaho, mga nagtatrabahong nagpapakalunod sa utang at mga empleyadong pagkatapos sumahod ay nag-iinuman. Kung gugustuhin lang nila ay kaya nilang humanap ng puhunan para magsimula ng sariling negosyo, tamad lang sila. Nasasabi nilang walang asenso sa ating bansa, dahil sila ay walang asenso, at wala silang asenso dahil sa paniniwala nilang hindi sila aasenso. Sa bagay kahit maniwala kang may asenso dito kung tamad ka naman ay balewala rin.
Salungat naman sa sinabi ko, meron din palang umaasenso kahit tamad. Ang kapit-bahay kong si Anna, nang dahil lang sa kaka-internet, nagkaroon na siya ng kotse, papalit palit ng cellphone, laptop, magandang bahay at higit sa lahat nagkaroon ng lolo na tinuturing niyang asawa. Isang 3M na amerikano, MATANDANG MADALING MAMATAY, teka, baka British iyon o kaya ay Australiano. Ganyan kasi tayong mga Pinoy eh, kung makakita ng puti, automatic na Amerikano siya para sa karamihan sa mga Pinoy. Hindi kasi sikat sa Pilipinas ang salitang Scotish, British, Russian, Indian, Irish at iba pang lahi, basta ang alam lang natin ay, Amerikano ‘pag puti, Negro ‘pag itim, Intsik, Hapon at Koreano kapag singkit, kapag medyo maputi sa Negro at maganda ang mata na amoy patis na may halong bagoong at itlog na maalat, 100% sure bumbay siya. Kung Russian man siya at kakulay ni Owen Wilson, sa atin hindi siya Russian, isa siyang Amerikano. Kapag naman nalaman natin na hindi pala siya sa America nakatira, kundi sa Russia, iko-consider naman siyang Amerikanong nakatira sa Russia. Teka nga pala, si Anna baka makatakas sa tsismis na ito, bigla na lang siyang nagkaroon ng asawa, walang kasalang naganap, basta na lang nangyari ng bigla. Apat na beses mong uulitin ang edad ni Anna sa edad ng sudden husband niya, at may balance pa siguro si Anna ng limang taon. Basta si Anna madalas noon pumasok sa internet café, dahil ang café ay isang parang restaurant na may computer na maaring gamitin para makapag-internet, iyon ang internet café. Kaya sige, si Anna noon madalas pumasok sa Internet shop na malapit lang sa bahay namin. Si itsura noon ni Anna, hindi man lang siya mukhang nag-iinternet, mas iisipin mo pa siyang isa dalagita na pumapasok sa isang internet shop, hindi para mag-internet, kundi ma-amaze ng walang katapusan sa nagagawa ng computer, na-aamaze sa powerpoint, solitaire at paggalaw ng mouse cursor. Ganyan ka inosente si Anna. Lintik na bata, may kachat na palang lolo na magpapayaman sa buo niyang Pamilya. Malaki ang naging pagbabago ng buhay ni Anna at ng kanyang pamilya. Ang dating nanay niya na nakikipagtsismisan tuwing umaga tungkol sa masasamang ugali ng mga katsismisan na absent ay hindi na ngayon nakikipagtsismisan, isa na siyang dakilang Jugger Mom, ang dating nakabestidang pang FPJ na pelikula, ngayon ay nakashort na at rubber shoes na may tuwalya sa balikat habang nagjajugging kasama ang mga nanay na dating gusgusin, na ngayon ay Jugger na rin dahil sa mga anak na pinalipad sa abroad upang doon maghanap ng asenso. Marunong na ring magfacebook ang nanay ni Anna at doon ibinubuhos ang kayabangan niya. Siguro ayaw na rin niyang patawag na Aling Puring, siguro dapat Ms. Puring na, dahil ang anak niya ay nakapangasawa ng taong kasing tanda ng tatay niya.
Kapag nga yumayaman ka, iniiwan na ang mga salitang pangmahirap lang, kagaya ng Aling. Ang Aling ay para sa mga mahirap at simpleng babae lamang, na nagkakaedad ng 40 above. Isa sa mga bayani ng pagpapalit ng salitang mayaman ay ang nanay ni Pacquioa, na si Aling Dionisia, na dapat ay Lola Dionisia. Ayaw na niya ang nanay Dionisia at Aling Dionisia, dapat daw Mommy Dionisia na, at para mas IN, dapat Mommy D. Kasi nga naman ang salitang nanay at aling ay para lang sa mga babaeng under 1,000 lang ang perang nahahawakan, para sa mga babaeng tig-60 lang ang damit, para sa mga babaeng nagpapanty ng maluluwang at mala bacon na ang garter, para sa mga babaeng nangangamoy usok na, para sa mga babaeng nagtatago sa mga naka-motor na naniningil ng utang. Si Mommy D ba ay qualified pa ba sa salitang Aling at Nanay? Hindi na. Dahil sa guhit guhit pa lang sa mukha niya mas qualified siya bilang isang Lolang nagkakalat sa mga lokal na istasyon ng telebisyon. Ang nakakapagtaka, bakit porket nanay siya ni Pacquioa ay instant celebrity na? Wala naman siyang talent, wala naman siyang appeal. Ibig sabihin, ginagamit siya ng mga media para sumikat ang kanilang programa, pati nga mga patalastas ay ginagamit siya dahil alam nilang sikat. Takot na takot ang mga media kay Pacquiao at kay Lola D, dahil hindi nila kayang i-correct ang mga salitang dapat i-correct sa kanila, kahit anong patalastas pa ay siguradong madali lang nilang natatapos pagdating sa shooting, kahit may mali hindi kayang sabihin ng director sa mag-ina na; “Ulit! Mali ang pagkakabigkas mo eh”. Hinding hindi nila magagawa yan.
NEXT
Sabado, good time mamaya, good time ng mga magsasahod sa amin. Hindi ako sasama dahil sayang na sayang lang ang pera, isa pa hindi ko na rin kaya ang uminom ng alak. Ang daming taong nag-gu-good time pagkatapos nilang sumahod, at marami pa ring mga tao ang nagsasabi na mahirap ang buhay. Mahirap ba talaga ang buhay? Pagkatapos kong mapanood kagabi ang Schindler’s List , nakita ko ang kahirapan ng buhay, ang kahirapan ng buhay noong World War II. Kitang-kita ang paghihirap ng mga Jews, at alam din nating lahat na naghirap din ang ating mga ninuno sa kamay ng mga hapon. Sakop tayo ng isang bansang ‘di man lang marunong mag-english. Kahit anong gustuhin nilang gawin ay kaya nila, mang-rape, pumatay, magnakaw at kahit ano pang pang-aabuso. Wala kang laban kung isa ka sa mga biktima ng karahasan ng mga hapon, kung may magtatanggol man sa iyo, tiyak rin ang kanilang kapahamakan. Ngayon, sinasabi ng mga tao na mahirap daw ang buhay ngayon. Gaano ba kahirap ang sinasabi nila? Mas mahirap ba sa mga naranasan ng ating mga ninuno noong panahon ng mga Hapon? Mahirap ang buhay, nakakatawa, nakakatawa lalo na kung literal mong babasahin, ano ba ang mas mahirap? Ang buhay o ang patay? Mas mahirap ang patay. Kailan ba mawawala ang hirap ng buhay na sinasabi nila? Walang katapusan, dahil sa totoo lang sila lang ang nagpapahirap sa buhay nila. Sinasabi rin ng iba, sa Pilipinas daw di ka aasenso, hindi ganyan ang paniwala ng mga negosyanteng mga Koreano at mga Intsik sa ating bansa, ang paniniwala nila, sa Pilipinas lang sila aasenso. Kung kaya ng mga banyaga na umasenso dito, bakit hindi natin kaya? Dahil walang puhunan? Sino nga ba ang madalas magsabi na walang asenso sa Pilipinas? Sila ang mga taong laging naka-upo sa sugalan, tambay sa kanto, mga tamad maghanap ng trabaho, mga nagtatrabahong nagpapakalunod sa utang at mga empleyadong pagkatapos sumahod ay nag-iinuman. Kung gugustuhin lang nila ay kaya nilang humanap ng puhunan para magsimula ng sariling negosyo, tamad lang sila. Nasasabi nilang walang asenso sa ating bansa, dahil sila ay walang asenso, at wala silang asenso dahil sa paniniwala nilang hindi sila aasenso. Sa bagay kahit maniwala kang may asenso dito kung tamad ka naman ay balewala rin.
Salungat naman sa sinabi ko, meron din palang umaasenso kahit tamad. Ang kapit-bahay kong si Anna, nang dahil lang sa kaka-internet, nagkaroon na siya ng kotse, papalit palit ng cellphone, laptop, magandang bahay at higit sa lahat nagkaroon ng lolo na tinuturing niyang asawa. Isang 3M na amerikano, MATANDANG MADALING MAMATAY, teka, baka British iyon o kaya ay Australiano. Ganyan kasi tayong mga Pinoy eh, kung makakita ng puti, automatic na Amerikano siya para sa karamihan sa mga Pinoy. Hindi kasi sikat sa Pilipinas ang salitang Scotish, British, Russian, Indian, Irish at iba pang lahi, basta ang alam lang natin ay, Amerikano ‘pag puti, Negro ‘pag itim, Intsik, Hapon at Koreano kapag singkit, kapag medyo maputi sa Negro at maganda ang mata na amoy patis na may halong bagoong at itlog na maalat, 100% sure bumbay siya. Kung Russian man siya at kakulay ni Owen Wilson, sa atin hindi siya Russian, isa siyang Amerikano. Kapag naman nalaman natin na hindi pala siya sa America nakatira, kundi sa Russia, iko-consider naman siyang Amerikanong nakatira sa Russia. Teka nga pala, si Anna baka makatakas sa tsismis na ito, bigla na lang siyang nagkaroon ng asawa, walang kasalang naganap, basta na lang nangyari ng bigla. Apat na beses mong uulitin ang edad ni Anna sa edad ng sudden husband niya, at may balance pa siguro si Anna ng limang taon. Basta si Anna madalas noon pumasok sa internet café, dahil ang café ay isang parang restaurant na may computer na maaring gamitin para makapag-internet, iyon ang internet café. Kaya sige, si Anna noon madalas pumasok sa Internet shop na malapit lang sa bahay namin. Si itsura noon ni Anna, hindi man lang siya mukhang nag-iinternet, mas iisipin mo pa siyang isa dalagita na pumapasok sa isang internet shop, hindi para mag-internet, kundi ma-amaze ng walang katapusan sa nagagawa ng computer, na-aamaze sa powerpoint, solitaire at paggalaw ng mouse cursor. Ganyan ka inosente si Anna. Lintik na bata, may kachat na palang lolo na magpapayaman sa buo niyang Pamilya. Malaki ang naging pagbabago ng buhay ni Anna at ng kanyang pamilya. Ang dating nanay niya na nakikipagtsismisan tuwing umaga tungkol sa masasamang ugali ng mga katsismisan na absent ay hindi na ngayon nakikipagtsismisan, isa na siyang dakilang Jugger Mom, ang dating nakabestidang pang FPJ na pelikula, ngayon ay nakashort na at rubber shoes na may tuwalya sa balikat habang nagjajugging kasama ang mga nanay na dating gusgusin, na ngayon ay Jugger na rin dahil sa mga anak na pinalipad sa abroad upang doon maghanap ng asenso. Marunong na ring magfacebook ang nanay ni Anna at doon ibinubuhos ang kayabangan niya. Siguro ayaw na rin niyang patawag na Aling Puring, siguro dapat Ms. Puring na, dahil ang anak niya ay nakapangasawa ng taong kasing tanda ng tatay niya.
Kapag nga yumayaman ka, iniiwan na ang mga salitang pangmahirap lang, kagaya ng Aling. Ang Aling ay para sa mga mahirap at simpleng babae lamang, na nagkakaedad ng 40 above. Isa sa mga bayani ng pagpapalit ng salitang mayaman ay ang nanay ni Pacquioa, na si Aling Dionisia, na dapat ay Lola Dionisia. Ayaw na niya ang nanay Dionisia at Aling Dionisia, dapat daw Mommy Dionisia na, at para mas IN, dapat Mommy D. Kasi nga naman ang salitang nanay at aling ay para lang sa mga babaeng under 1,000 lang ang perang nahahawakan, para sa mga babaeng tig-60 lang ang damit, para sa mga babaeng nagpapanty ng maluluwang at mala bacon na ang garter, para sa mga babaeng nangangamoy usok na, para sa mga babaeng nagtatago sa mga naka-motor na naniningil ng utang. Si Mommy D ba ay qualified pa ba sa salitang Aling at Nanay? Hindi na. Dahil sa guhit guhit pa lang sa mukha niya mas qualified siya bilang isang Lolang nagkakalat sa mga lokal na istasyon ng telebisyon. Ang nakakapagtaka, bakit porket nanay siya ni Pacquioa ay instant celebrity na? Wala naman siyang talent, wala naman siyang appeal. Ibig sabihin, ginagamit siya ng mga media para sumikat ang kanilang programa, pati nga mga patalastas ay ginagamit siya dahil alam nilang sikat. Takot na takot ang mga media kay Pacquiao at kay Lola D, dahil hindi nila kayang i-correct ang mga salitang dapat i-correct sa kanila, kahit anong patalastas pa ay siguradong madali lang nilang natatapos pagdating sa shooting, kahit may mali hindi kayang sabihin ng director sa mag-ina na; “Ulit! Mali ang pagkakabigkas mo eh”. Hinding hindi nila magagawa yan.
NEXT
032110 - 070210 Vinegar Election Edition at Bakasyon sa likod ng bahay namin
Friday, May 14, 2010
031910 - Kulangot at bubblegum sa ilalim ng mesa
March 19, 2010 (unedited)
Matagumpay na natapos ang kahapon, kaya naman nandito ako ngayon. Parang tumigas ang mga muta ko ngayon, ramdam na ramdam ko na matutulis ang mga ito dahil nasasaktan ako habang inaalis ito sa pagkakadikit sa paligid ng aking mga cute eyes. Pipila sa bakery para sa apat na pisong tinapay na bibilhin. Magtitimpla ng kape para may sawsawan ang mga tinapay at iinumin ang pinagbanlawan ng pandesal, Coffee bread flavor. Tuwing nakaupo ako sa mesang ito na nag-iisang nag-aalmusal, naalala ko nung mga panahong magkakasabay kaming kumakain nina Itay, Inay, at ang dalawa kong barakong kapatid. Nakatulala sa mesa at unti-unting nagbeblurred ang paningin ko, naging black and white bigla ang paligid, ok, grayscale ang lahat ng bagay. Parang sa isang pelikula na biglang na warp ang isang bida sa nakaraan na kasunod ang senaryong luma ang pagkakaset. Dalawa o tatlong kulay laman ang makikita at blurry sa gilid na talagang para sinasabi sa mga manonood na “Hoy, luma ito, naiisip lang ito ng bida.” Ganyan na ganyan ang nangyari sa akin, pero hindi para isipin o balikan ang nakaraan, kundi nakatulog ako ng mga apat hanggang limang minuto. Hindi naman sa pagmamadali, pero ipoforward ko na...
>>> Nasa jeep na ako, dahil sa pagkakaforward ng istorya. Kasakay si Anime, pero wala ako sa mood na manyakin siya. Ayaw maalis sa isip ko ang kalungkutan ng mesa namin kanina. Ang dalawa ko kasing kapatid, alas-tres pa magigising dahil sa puyat kakalaro ng DOTA, kaya wala akong nakakasabay na kumain sa makasaysayang mesang iyon. Naalala ko na tuwing may nakakapang bubble gum si Itay, ako kaagad ang tinatawag upang ipatanggal sa akin ang hindi ko namang idinikit na bubble gum. Kulangot ang madalas kong idikit, at laging swerte si Itay dahil kapag nakakapa niya ito siguradong tuyo na. Kakaiba nga tayong mga Pilipino pagdating sa Bubble gum at kulangot. May pagkakatulad ang dalawang bagay na yan, pareho silang idinidikit sa ilalim ng mesa, ilalim ng upuan sa paaralan, ilalim ng upuan sa Jeep, sa mga singit singit ng bus. Ang tanging nakikita kong pagkakaiba ay ang kulangot ay lumalabas sa ilong at ang bubble gum ay sa bibig. Hindi rin gaanong madikit ang kulangot, pero sapat na ang dikit nito para maidikit sa ilalim ng mesa. Ang bubble gum rin ay madalas na maging isyu sa paaralan, dahil idinidikit ito ng mga pilyong estudyante sa uupuan ng iyakin nilang kaklase. Kapag mahaba-haba ang sungay ng estudyante ay madalas sa buhok ng mga losers niya ito idinidikit, na kerosene gas naman na siyang pantanggal ng ina ng batang biktima.
Masarap katabi si Anime, tuwing nakapantalon, pero kung nakaminiskirt, mas masarap siyang kaharap kaysa sa katabi. Apat na katao ang pagitan namin. Hindi ko siya kaharap at katabi, kaya kahit gustuhin ko man na manyakin siya, no chance din.
Monday, May 10, 2010
031810 - Crocs
Late man akong nakarating sa trabaho, pansin na pansin ng mga katrabaho ko ang aking paa, siguro mas maputi ang mga paa ko sa kanila at mas malinis ang mga kuko. “Ayos ang sandals ha! Crocs!” at doon ko lang nalaman na ang sikat pala ay ang tsinelas hindi ang mga paa ko. Apat o tatlong tao ang nagsabing “Wow Crocs!” at anim ang nagtanong na “Original ba yan?”. Hindi ko alam kung anong meron sa tsinelas na ito, pero pakiramdam ko, sikat ka talaga kapag meron ka nito. Pati ang kay boss Chicken ay ‘di nakaligtas ang mga tsinelas na ito, “Aba !, mukhang ibinuhos mo ang apat na araw mong sahod sa mga tsinelas mo ha?”. Apat na sahod? Ibig sabihin lumalampas ito ng isang libo? Ang tsinelas na ito ay tumitimbang ng isang 2nd hand gameboy advance na ‘di ko mabili-bili? Ang tsinelas na ito ay kaya ng bumuhay ng isang naghihirap na pamilya sa loob ng isang Linggo? Ganoon kamahal ang tsinelas na ito? At may mga taong bumibili naman? Ang dami kong tanong, pero hindi tama ito. Sa Beach Walk nga na halos pitong beses na mas mahal sa mga ordinaryong tsinelas ay halos ikamamatay ko kung bibilhin ko, tapos itong tsinelas na ito na halos 90x o mas higit pa na mahal kaysa sa tsinelas kong isinusuot sa bahay. Ano na nga ba ang nangyayari sa mundo ngayon? Bakit parang nababaliw na ang mga tao. Tsinelas na halagang lampas libo!? Niyuyurakan lang ng mababahong paa? Sa bagay nabalitaan ko nung minsan na may mga artistang may mga bag na nagkakahalagang Milyong Piso, Hindi ako mapanghusga, pero ang taong bibili ng bag sa halagang milyon ay hinihintay na ni Satanas sa impiyerno. Tao pa ba ang mga iyon o halimaw na? Bag isang milyong piso? Samantalang ang dami-daming namamatay sa gutom dito sa Pilipinas. Isipin mo na lang kung katanggap tanggap ba ang sa Diyos ang isang taong bibili ng bag sa halagang Milyon? Kahit hindi ako gaanong nagbabasa ng bibliya, narinig ko na minsan, na si Jesus daw ay sinabi sa isang mayamang nagtanong kung papaano siya maliligtas, at ang sabi ni Jesus ay “Ibenta mo lahat ng ari-arian mo at sumama ka sa akin.” Nalungkot ang isang mayaman at umalis at sinabi ni Jesus “Sinasabi ko sa inyo, na mas madali pa sa isang Kamelyo ang makapasok sa kaharian ng Diyos kaysa sa isang mayaman”. Totoo iyon, at dapat mabasa iyon ng mga taong kagaya ni Manny Villar, Bill Gates, Warren Buffett at ni Kris Aquino na may bag na nagkakahalagang milyon. Kay Jesus walang halaga ang bag na iyon, magkakaroon lamang ng halaga kung ibebenta ito ni Kris at magpatayo ng isang bahay na maaring tirhan ng mga taong natutulog sa lansangan, o kaya naman ay i-donate na lang sa akin. Humahabol pa namang presidente ang kapatid niya, hindi ba napakagandang balita noon? Si Noynoy kinausap si Kris na ibenta ang mamahaling bag at ibahagi sa mga mahihirap ang kinitang pera.
Natutuwa naman ako kay Noynoy at Roxas, dahil sa patalastas nila sa TV tungkol sa daang matuwid, panigurado lamang na hindi na magmumura si Roxas dahil matuwid na daang tinatahak. Napakaganda ng mga pangako ng mga humahabol na Presidente ngayong 2010, kaya sana manalo silang lahat at gawin ang mga ipinapangako nila. Tutuwid lahat ng daan ayon kay Aquino na siya namang pagsara ng lahat ng palikong daan at mga kanto, hindi kaya magiging matraffic non? 'Di bale nandiyan naman si Bayani. Anim na taong walang corruption, ibig sabihin anim na taong wala tayong mga leader dahil iyon lang ang paraan para mawala ang corruption. Babalik lahat ng mga JEJEMONS sa elementary at tiyak na mapupuno ang mga mababang paaralan at magkukulang ang mga ito. Matatapos na ang kahirapan, dahil sa isang Diyos si Villar na kayang tapusin ang kahirapan. Hinahayaan ng Diyos na magkaroon ng kahirapan para matuto tayong lumapit sa kanya, at iyon ang tatapusin ni Villar. Hindi ko lang alam kung ano ang pakay ni Erap sa kanyang paghabol, pero tinitiyak kong unang-unang mawawala si Chavit kapag si Erap ang nanalo, ikalawa ang pagiging open casino ng Pilipinas.
NEXT
NEXT
031910 - Kulangot at bubblegum sa ilalim ng mesa
Monday, May 3, 2010
ANG TALAMBUHAY NI AHREAN The End of Chapter 1
By:chayd
Utots note:
Hindi ko alam ang tamang paggamit ng comma (,) at tuldok(.).
Hindi ko rin alam ang tamang paggawa ng paragraph at sentence, kayo na ang bahalang umintindi sa talambuhay na ito. Marami ring mali ang spelling at maraming nag-uulit na mga salita, hindi ko sinasadya, ieedit ko na lang kapag may maraming marami akong oras.
CHAPTER 1
Feb 25, 2010
Maganda ang gising ko, ang kisame pa rin namin ang una kong nakita. May nakasulat na “Buhay ka pa. Lol”. 'Yang sulat na iyan ang nagpapasaya sa aking pagising araw-araw. Nakakatakot na kasi kahit sa pagtulog maaring mamatay ang isang tao. Kahapon lang namatay ang Ninong ko dahil sa pagtulog, nakalimutan niyang gumising kaya di na talaga nagising. Noong isang Linggo naman namatay din ang pinsan ng kaibigan ko na halos ka-edad ko lang, dahil rin sa pagtulog. Kaya ang saya ko. Ako ang nagsulat sa “Buhay ka pa. Lol”. Gamit ang Pandang ballpen na kulay blue at binaligtad na kahon ng sigarilyong Hope. “Buhay ka pa. Lol”, yan ang nagpapatunay na sa mundong ito ako nagising, hindi sa lugar na maraming bulaklak at paru-paro o sa dagat ng apoy. Pero nakakainis pa rin dahil ang pagising kong ito ay para lang ubusin ang oras kong nakadilat ang mata sa trabahong nakakasawa. Araw-araw ganito. Masaya sa umaga, boring kapag nasa opisina na. Pagkatapos kumain ng dalawang pirasong tinapay at uminon ng di naman kainitang kape, papasukin ko na ang banyo para maglabas ng kulay brown sa kulay white na upuan, maliligo at magtutoothbrush. Ipopromote ko ang sachet ng Head & Shoulder, ang shampoo na ito ay napapatagal ko ng 8 araw, di kasali ang Linggo dahil di naman ako naliligo kapag Linggo. Ang ibang shampoo kasi 6 na araw lang ubos na. Bakit naman ako maliligo ng Linggo? Wala namang pasok tuwing Linggo, sarap magpuyat ng Sabado at gumising ng tanghali kinabukasan. Kung maliligo man ako ng Linggo siguro kung may date ako. Impossible! Di ako magkakaroon ng kadate. Kung magkakadate man ako, gusto ko sa crush ko. Ganoon ako ka loyal sa mga babae. Crush ko pa lang loyal na ako, paano pa kapag nagmamahalan na kami. Si Anime ang crush ko, binansagan ko siyang anime dahil mukha siyang anime, cute, sexy, malaki ang kinabukasan, mapang-akit na pwet at demonyitang ugali. Suplada siya. Palagay ko lang. Sa ganda niya kasing iyon parang di bagay sa kanya ang maging mabait. Dapat kapag ganoon ang itsura mo, mataray at masungit ka dahil kung di ka magtataray at magsusungit, parang sinisira mo ang salitang NO ONE IS PERFECT, pwede ring Nobody is perfect. Perfect ka na kapag maganda ka tapos maganda pa ang ugali, walang thrill, lahat ng manliligaw sasagutin mo sigurado dahil ayaw mong may nasasaktan ka kasi nga mabait ka.
Lagi kong nakakasabay sa jeep si Anime. Oo nga pala ang tunay niyang pangalan ay May, pero Anime na lang dahil parang calendaryo siya kung May. Ngayong umaga umaasa akong makakasabay ko siyang muli. Hindi ako yung tipong nakikitabi sa mga chicks tuwing sasakay ng jeep. Iniiwasan ko silang makatabi, uupo lang ako sa harap ng chicks o malapit sa harap nila, palalampasin mo ba ang posibilidad na makasilip ka sa miniskirt niya? (kung naka-miniskirt man). Kahit alam ko namang tela lang ang makikita sa mga nakaminiskirt kong nakakaharap ay napapasulyap pa rin ako. Style lang yung nagiging malikot ang ulo ko na kunwari titingin sa kaliwa, kanan at baba. Matindi ang mga mata ko kahit hindi ako titingin ng diretso sa skirt alam ko kung nakalitaw ang panty o hindi.
Sa wakas at nakasakay rin. At tignan mo nga naman ang swerte. As usual, kaharap ko siya, si Anime. ‘Di ako mapakali kapag kasakay ko siya. Tingin sa kanan, medyo stop ng konti sa kanyang mga mata, tingin sa kaliwa medyo stop ng konti sa kanyang mga mata. Bwisit! Nakapantalon siya ngayon kaya sira ang Glancing Routine kong Kaliwa-Kanan-Medyo mabilis sa baba-Kanan-sa mata-Kaliwa-Sa skirt. ‘As usual din ang kanyang reaction sa jeep, magbayad, magbasa at pumara. “Para!” sigaw ko sa driver dahil nakita ko na ang cute na cute na gate ng aming opisina. Trabaho buong araw. Uuwi. Kakain at matutulog.
Feb 26, 2010
Kagaya ng dati “Buhay ka pa. Lol”. Masaya nanaman. Uulitin ang mga ginawa kahapon at sasakay ulit ng Jeep. Umalis ang jeep ng wala si Anime. Malungkot ang mga eyeballs ko at ang tatay ng iba ko pang balls. Napansin ko ang dalawa sa madalas kong makasakay, dati rati may contest sila na kung sino ang unang makakapang-libre yun ang astig, ngayon ata nawala na. Dati kasi pabilisin sila ng bumunot ng pera at medyo parang nag-aaway pa sa pagbabayad “Pare ito na!”, “Hindi ito na lang!”, “Hindi pare ito na lang!”, nagmumukha tuloy baliw ang aabot ng pamasahe, hindi alam kung alin ang iaabot sa driver. Mas ok pa sana kung ang awayan nila ay “Pare akong ng magbabayad! Meron akong 780 pesos dito!”, “Pare ako na lang mas marami ang pera ko sayo, may 1,025 ako dito!”. “Ok pare ikaw na!”. Ngayong umagang ito walang wala na iyan, napansin siguro nila na wala namang benepisyo kung sino sa kanila ang makapang-libre araw-araw. “Pare eto ang akin, nasan na ang sayo, bayad na tayo.” Iyan na ang pagbabagong naganap sa buhay nila. Naging praktikal, matalino at tahimik.
Nakarating ako sa trabaho ng di pinupulikat ang mga bituka at di nagmamadali dahil sa sakit ng tiyan. At trabaho na naman. Haaaaayyyy! 6:00pm, nagmamadali ako sa banyo para makapagpunas ng katawan pero may overtime pala kaya 8:00pm ako lalabas. O, 8PM na! Fastforward>>>. Takbo papuntang terminal. Swerte ko bading ang katabi ko, maarte pa naman takip ng takip ng ilong amoy pawis kasi ang damit ko, hindi ako ha! Ang damit ko. Wow! Starbucks. May hawak siyang kape na nagkakahalagang 100-200 pesos. Hmmm sarap yata niyan ha! Aalis na ang jeep. Pang 10mins na ng biyahe at isang beses ko lang siya nakitang sinipsip ang gintong kape. 20mins na wala pa ring kasunod ang unang tsupa. 30mins at bumaba siya na isang beses lang sinipsip ang gintong kape. Sa call center siya nagtatrabaho, ngayon gets ko na kung bakit isang beses lang niya tsinupa ang gintong kape.
Feb 27, 2010
Ano ba ang nakain ko kagabi? Bakit may galit na isang parte ng katawan ko, at hindi iyon ang tiyan, baba pa ng konti. Galit na galit. Gusto kong maglaro ng Down-Up-Down-Up pero parang wala akong maisip kung sino ang gagawing modelo. Si Anime? Huwag! May respeto ako sa kanya, tama na ang pambosoboso sa kanyang skirt. Kapag nalaman ko na lang na may boyfriend siya doon ko na lang siya bastusin sa akin mundo, magagawa ko ang gusto ko sa aking mundo. Maglaro kaya ako? Ok. Si Tawnee Stone na lang ang babanatan ko, gusto ko sana si Maria Ozawa pero nasubukan ko na siya dati, ang sagwa, sobrang sagwa kaya huwag niyo na siyang pangarapin. Isipin mo ba namang pati ang batuta ko ay nagkaroon ng maraming kuwadrado, kahit imahinasyon lang bakit ang hirap alisin ang mga pixel na iyon? Anong thrill meron si Maria Ozawa? Puro pixel lang ang Jewel of Bless niya. Hawakan ko pa lang sana nang bigla kong narinig ang uma-umagang nobena, “Sa ngalan ng Ama, ng Anak... at napigilan ako. Almusal nanaman.
Nakakatuwa ang itlog na kakainin ko. Kulay Yellow dahil pinirito. Tapos bukas lang o mamaya kulay brown na kapag ilalabas ko sa mahiwagang upuan, huwag lang akong kakain ng avocado o dinuguan, di na brown kapag kinain ko ang mga iyon. Sana ganoon na lang lahat ng pagkain, kung anong kulay ang kinain mo, iyon din ang kulay ng jebs mo. Tinitiyak kong ang mga Intsik ay makakaimbento ng pagkaing kulay gold at silver. Champorado Gold Flavor, hanep! Yayaman ako ng dahil sa tae.
At kagaya ng kahapon at ng mga nakalipas na 365 days minus ang mga Linggo, sasakay ako ulit ng jeep. Shiiiiit! Front seat si Anime!. Nag-iisa. “Ahrean lakasan mo ang loob mo, ayan na ang palay kakainin mo na lang oh!” Sabi ko sa sarili ko. Bahala na! CUT! Fade out – Fade in. Nasa harap na ako. Katabi siya. Medyo kumikiskis ang balat ko sa kanya kaya naman lumampas ako sa trabaho ko. Di bale na. Magpapalate na lang ako. Dumeretso ako sa terminal kung saan siya bababa. Iniisip ko kasi na baka may kailangan siya sa akin at biglang magtanong na “Hello, May alam ka bang bilihin ng Sex Toys dito?”. Lintik na imahinasyon kahit si Leo Echegaray talo sa kamanyakan ng utak ko. Paano ako bababa sa trabaho e stainless ang harap ng miniskirt niya, makinang na stainless na pati driver ay napapatingin tuwing kinakambiyo ang jeep. Hindi naman kita ang telang sumasalo sa isang guhit pero kita ang maputi niyang legs.
Sumakay ako pabalik ng trabaho at napagalitan ako ng boss ko. Hindi dahil late ako kundi dahil baligtad ang damit ko. Kaya pala parang naka pure white ako, nawala ang logo ng Mr. Clean sa damit. Puro kasi mga signature ang mga damit ko. May Mr. Clean, Milo, Sunsilk, BDL, ADD, Boysen, Nation at marami pang iba. Binibigay lang ng mga kapitbahay. Minsan nga mga maiimpluwensiyang tao pa ang nagbibigay at ang matindi pa rito special delivery pa. Isipin mo na lang kahapon lang nagdeliver si Jinggoy ng Wristband at T-shirt, siguro busy lang si Ex-Con ay Ex-President pala na si Erap kaya pinadala na lang niya kay Jinggoy ang damit ko, Vote Erap at Vote Jinggoy ang tatak. Kitang-kita ang tatak sa harap, ang laki. Sikat!
Feb 28, 2010
Patay. Wala ang “Buhay ka pa, Lol!”. At nasa paraiso ako. Ang daming paru-paro puro walang mga damit at naka-T-back lahat. Ang sarap makipaghalikan sa kanila. Mukhang ito yata ang tunay na mundo eh. May asong tumatahol. Nagpila-pila ang mga paru-paro para sumayaw at sumayaw nga sila “Careless Whisper” ang tindi ang bawat isa ay may kani-kanyang poste. Unti-unting napapalitan ang music, tahol ng aso, at “Nobody, Nobody but you... Clap Clap”. Ginising ako ng mabait naming kapitbahay sa pang-araw-araw niyang sound na “Nobody” habang tumatahol ang kanyang asong masarap pakainin ng isang kilong Ajinomoto. Gusto kong tumayo at pasukin ang lintik na babaeng nabaliw sa di naman maintindihan na lyrics ng kanta. May dalang kumukulong tubig at ipaligo sa kanyang aso. Gusto kong sakalin ang babaeng adik sa Nobody at sampal sampalin kasabay ng Clap Clap sa kanyang sounds. Nobody, Nobody But you... Clap(sampal) Clap(sampal ulit) x2 Repeat Chorus as many as i want. Hindi ko narinig ang nobena ngayong umaga dahil sa Nobody na iyan. Makapagrequest nga sa adik na ito na pakihina ang kabaduyan niya. “Ate! Toktoktok!” Nakatingin ang aso at lalong tumahol ng malakas. Binuksan niya ang pinto. Wuhoooo! Nakapantulog pa siya at ang linaw ng damit. ‘Di ko masabi ang gusto kong sabihin, kaya “Di ba pumasok yung pusa ko dito? . Mukhang siya yung tinahol ng aso niyo.” Dagdag nanaman ito sa Embarrassing Moments list ko. (Teka may "S" ba dapat ang moment?)
Sakay ng jeep. Magbabayad na sana ako pero di ko makapa ang wallet ko. Ano pa nga ba kundi nalimutan sa sobrang pagmamadali. Hindi magiging malikot ang mga mata ko ngayon sa jeep dahil nga may kasalanan ako. 123 ang pang 217 sa 10,000 commandments. Teka! 10,000 ba? Sabi nila 10 lang. Hindi! Impossible. Lampas ng sampu yon at 10,000 yon. Kasama na rin kasi ang bawal magtinda sa mga kalye, bawal ang kulay yellow, bawal ang mga tarpaulin sa mga poste at marami pang bawal. Yan ang 10,000 Commandments ni Fernando Bayani. Anong laban ng 10 Commandments ng Diyos? 10,000 ang sa kanya tinalo pa ang Diyos. Ang Diyos nga eh sampo lang eh, sa kanya ang dami. Sa bagay diyos rin naman siya, diyos ng MMDA at pagnanalo siya baka siya ay kikilalanin bilang Pink God. Hulaan ko mga collection niya sa bahay. Hello Kitty! Sigurado iyon! Paborito niyang cartoon naman ay Pink Panther. Sino ba naman ang matino ang pag-iisip na kulayan ng Pink ang Manila? Obsessed siya kay hello kitty akala niya di ko alam! Hmp! Ako pa!. Inis na inis nga siya kay spongebob eh, Kasi yellow. CUT! Ikakukulong ko ito. May isang mama na inaabot ang 7.50 niya, wala siyang sinabi na “bayad po!” siguro binibigay niya sa akin( alam kong bayad niya yon). Kunwari sa akin na lang galing. “Bayad!” yan ang proud na proud na sinabi ko sa driver. Inalis ko lang ang DAW. “Bayad Daw!” masagwang salita para sa isang taong nagwa-1-2-3. Buti at may nahiraman ako sa trabaho para pamasahe pauwi.
Uwian na! Ginabi ulit ako. Kasakay ko ulit si Bading. Hmmmm! Wala siyang gintong kape. Pero ang cute ng Message Alert Tone niya, si Optimus Prime. Autobots Transform, di bagay sa kanya. Paulit ulit ang message nakakasakit rin pala ng tenga si Optimus Prime. Naisipan yata ng katext niya na tumawag na lang. At tumawag nga, Hanep sa Ringing Tone ha! “Nobody” pero “Nobody want to see us together...blah blah blah” . Sarap ng kuwentuhan nila, parang nasa bahay lang, ang lakas ng boses eh. Ang nakakatuwa pa nito dinilaan niya ang kausap, ay baliw, nilagyan ng laway ang cellphone. Parang wala lang. Ang mga kamay naman ay todo sa action parang nasa harapan lang ang kausap. Pagkatapos ng isang taon natapos din ang usapan nila. Para kasing last year pa ako nakasakay sa jeep na ito eh. Ang bagal. Masakit pa naman ang tiyan ko.
Mar 1, 2010
Pangit naman ang simula kung sasabihin kung magsisimula nanaman sa pagising o sa mga malalapit na salita ng gising. Kaya ganito na lang:
Maagang nagparty ang mga bacteria sa aking nasisirang ngipin, hindi masakit ang ngipin ko kundi ang gilagid ko, pero siyempre dapat masakit ang ngipin ko dahil yon ang sikat. Parang ang Colgate ay mas sikat kaysa sa toothpaste. “Pabili ngang Colgate”. “Anong Colgate?”. “Yung Close Up, kung wala yung Happee na lang.” Marami pang mga brand ang sumikat at sila na ang naging pangalan ng mismong produkto. Ipagdasal na lang natin na ‘wag sana itong mag-evolve sa mga teknolohiya natin ngayon, baka kasi hanapan ako ng CDR-King ng mga naghahanap ng CD, “Hoy Ahrean iabot mo nga sa akin ang CDR-King”. Speaking of CDR King. Napansin kong sa halos napuntahan kong branch ay laging crowded, di lang ako ang mga naka-experience at nakapansin dito kundi pati ang mga kaibigan ko sa mundo ng internet. Siguro o Sigurado may mali sa sistemang pamamalakad nila o pwede ring sadyang maraming mga Pilipino ang gustong gusto sa mga produktong mura, bakit nga naman bibili ng 40 Pesos na blankong DVD sa iba kung meron namang tig 10 Pesos na DVD sa CDR King, yun nga lang isasakrepisyo mo ang tanghalian, hapunan at ang almusal mo sa susunod na araw. May mga branch na may numbering system (di ko alam ang tamang term dito eh) basta yung get your number please na sistema. Kung bandang mga alas-diyes ng umaga ka nakapunta sa branch na lagi kong pinupuntahan, kumuha ka na ng number mo at gawin mo muna ang dapat mong gawin at bumalik ka na lang. Halimbawa number 10 ang number na nakuha mo at number 3 pa lang ang kasalukuyang number, pwede ka munang magshopping, magbayad ng kuryente, kumain sa mcdonalds, pumunta sa cr, umuwi at maligo, bumili ng baseball bat at bumalik sa branch ng CDR King na madalas kong puntahan at sumigaw ng “Bakit number seeeebbbbeeeeen pa lang?” kung may kumontra ipakita lang ang lupit ng baseball bat. Ok naman sa CDR King kahit matagal maghintay at medyo siksikan, mura lang naman kasi at talagang tinatangkilik ng mga mamimili. Sarap balikbalikan dahil bawat buwan may bago silang mga modelo ng produkto nila. Huwag ring magpapalinlang sa dami ng mga tao sa branch na tinutukoy ko, kalahati lang ang may number sa kanila at ang 1/4 sa kanila ay naghihintay sa wala, tatlong oras nang naghihintay di man lang namamalayan na dapat may number sila, yung isa pang 1/4 yun ang mga suking nagrereklamo ng mga produktong nabili. Kaya kapag first time mong bumili sa CDR King tinitiyak kong babalik ka ulit dahil may nakita ka pang isang bagay na di mo inakalang ganon ka mura dito, o pwede ring bumalik ka dahil sira ang nabili mong mousepad, ‘wag mag-alala may warranty naman ang Mousepad nila, 1 week replacement kapag nabura ang itsura nung kotseng nakadrawing sa pad. Nasa kapal na lang ng mukha mo kung ipapapalit mo pa.
Sakit ng ngipin, nagagamot rin pala ng CDR King, dahil sa kakaisip ko sa tindahan na ito, nawala ng ilang minuto ang sakit ng ngipin ko. Hindi totoong lagyan mo lang ng toothpaste at mawawala na ang sakit. Masaya ako dahil sa sakit ng ngipin na ito na diskubre ko na ang concentrated astring-o-sol ay ang pinakamabisang pang-alis ng sakit. Sa sobrang inis ko di ko na nilagyan ng tubig ang mouthwash na ito. Todo tiis sa naramdamang sakit, pansamantalang inilipat ng Diyos ang impiyerno sa aking bibig. Nawala ang sakit ng ngipin ko! Astig. Dapat pala ganito ang ginawa ni Pops Fernandez nung pinaretoke niya ang kanyang labi, kung ikukumpara ang labi ko ngayon sa labi niya, walang wala ang sa kanya, mga 3/4 na mas makapal ang labi ko sa labi niya, epekto lang ng Astring-o-sol. Ano kaya ang say ni Lord sa ginawa niyang pagmomodify sa kanyang labi? Parang “Hi, God, na realize ko ang pangit pala ng pagkakaimbento mo ng labi ko, can i change it?”. Minodify ang sarili parang Tamiya 4wd lang pala siya. ‘Pag yumaman ako, ipapamodify ko rin ang mga parte ng katawan ko. Magpapalagay ako ng LCD screen sa likod at harap para kahit hindi na ako magdamit ok lang papalitan ko na lang ang wallpaper araw-araw.
At lumipas ang buong araw. Nakakainis natapos ang buong buwan ng February ng wala man lang 20 Million sa account ako, at mas nakakainis ni wala man pala akong sapat na pera para ipang-open ng bank account. Sana sa susunod na buwan manalo ako ng lotto o kaya kahit sagutin lang ni Anime kahit di ko ligawan. Sana minsan maisipan niyang ako lang ang karapat dapat sa kanyang puso at... unat-unat makatulog na nga.
March 2, 2010
Malelate na ako kaya di na ako naligo, nag-almusal, nainis sa “Nobody”, nag Down-Up-Down-Up Repeat 200x and say haaaaaaaaa at di na rin ako nagtoothbrush. Sakto lang ako sa jeep, isa na lang kasi aalis na, di totoo yon., kalahating ruler na lang ang kulang at aalis na. Putulin mo man ang ruler at isukat sa natitirang espasyo para sa pwet kong walang kasing tambok ay di magkakasya. Siyempre kunwari kasya ako, wala ng ibang choice eh. Nakahawak ang mga kamay ko sa hawakan ng mga inaantok sa jeep, nagsisilabasan ang mga ugat sa kamay at nauubos ang enerhiya sa tuhod. Style ko lang na nakaupo ako, ang totoo nito ang mga tuhod ko ang nagpapanatili sa posturang nakaupo. Alam naman nila na naghihirap ako pero todo style pa rin ako, kada liko ng jeep tinitigasan ko na ang aking mga tuhod at todo pwersa sa paghawak dahil anumang oras maari nanamang madagdagan ang mga embarrassing moments ko (may “S” ba dapat?). Paliko, ibinuhos lahat ang enerhiya sa tuhod at naglagay ng 20% na enerhiya sa kamay. Lumampas ang paliko na hindi ako nahuhulog sa pagkakafake ng pagkakaupo ko. Mabagal ang driver, kung ikukumpara yung kahapon parang mas nagmumukhang racer ang kahapon kaysa sa ngayon. Ilang bisekleta na ang mga nakapang-overtake sa amin, limang gareta ng kalabaw, dalawang asong naglalampungan at 37 na senior citizen. Ganon kabagal ang nasakyan kong jeep. Nagsisisi nga ako eh, buti pang nagpakarga na lang ako sa isa sa mga 37 na senior citizen at binigyan na lang siya ng tip, tip na di malilimutan, boy bawang na tig-pipiso. Kahit piso lang yon 1 year ng kakainin ng mga senior citizen yon, maliban na lang kung may pustiso. Naghihirap na ako sa pagkakafake ng upo ko. ‘Di dapat ipahalata kaya kunwari aayusin ko ang buhok ko para magmukhang di ako nahihirapan. “Para!” haaay! Sa wakas may bababa rin. Si Mang PBA pala ang bababa. Ang taong wala ng ginawa sa jeep kundi sambahin ang Ginebra at si Mark Kagiwa, pinagtatanggol ang bumagsak niyang team sa kaibigan niyang lagi rin naming nakakasakay. Mukhang hindi naman interesado ang kaibigan niya sa PBA dahil puro malalayo at pang palit ng usapan ang mga sagot niya. “Ah oo si Kagiwa, sikat ‘yon! Magaling yon, pero pare pinuyat ako ng Prison Break ang galing ng palabas na iyon”. “Ah oo yung mga nasa kulungan? Kung di lang na-steal ang bola tiyak na makakaiskor pa rin sila” – talagang pinagpipilitan ang PBA sa taong di naman interesado. Sabagay may similarites naman ang usapan nila, PBA Philippine Basketball Association at PBA Prison Break Addict. Napanood ko na rin ang Prison Break, ang galing nga. Madami akong natutunan sa palabas na ito, dito ko nalaman na kapag bida at guwapo ka pala pwede kang magnakaw, magsinungaling, magpatattoo ng sangkatutak at tumakas sa kulungan.
Dahil sa pagkakababa ni Mang PBA, nakaupo na rin akong maayos. Tumatawag na si Boss, naririnig kong nagbavibrate ang cellphone ko, may plano ako. Kacancel ko at alisin sa pagkaka-silent para marinig ng lahat na may tumatawag sa akin. At ganoon nga nagring ng may malakas na tone “Hello Ahrean! Bakit ang tagal mo? May kailangan akong ipagawa sa iyo dalihan mo”… putol na ang usapan pero di ko aalisin ang phone sa tenga ko magsasalita akong mag-isa, malakas na salita na maririnig ng driver. “O sir kasi ang bilis ng jeep na sinasakyan namin, isipin mo sa ganitong bilis dapat ay 5 years bago ako makarating diyan pero ang galing boss! 4 years pa lang at halos nandiyan na ako” sabay “Opo sir, Opo sir” kahit wala akong kausap.
Kaya naman pala tumawag si boss dahil ‘di niya makita ang desktop niya. Tama siya marami akong gagawin isa na rito ang pagpindot sa F2 ng computer niya, hindi niya siguro nabasa ang Press F2 to continue. Minsan si boss nakakatawa, ayaw niya akong ipahiram sa external DVDRom niya dahil daw baka magkavirus, sinabi ko naman sa kanya na hindi naman nagkakavirus ang mga kagaya ng hinihiram ko, pero ayaw niya talaga dahil yung dati niya daw DVDRom na hiniram ng bestfriend niya nagkavirus daw, ayaw na daw magplay ng mga DVD. Talagang ‘di na gagana ang DVD sa CD. CD na ang binalik ng bestfriend eh, di naman kasi halata pareho lang na kulay black. Kung ‘di ko lang siya boss sinagot ko sana ng “Buti na lang ‘di ka natatakot na mavirus ang monitor mo at ang charger ng cellphone mo?”.
Ang trabaho ko nga pala ay Computer Technician, pero madalas pang grade 2 lang ang ginagawa ko. Kagaya na lang kanina, isang F2 lang at nagagawa ko na ang tungkulin ko. Nagi-guilty ako kapag buong araw ang tanging nagagawa ko lang ay magturo kung paano magsign-up sa mga social networking website, ang mga katrabaho kong babae kasi kapag wala ang boss namin ay todo Friendster at Facebook, sa ngayon yan pa lang ang abot ng mga IQ nila. Dati nung friendster pa lang sila at nakilala nila si kuya Facebook ang sabi nila “Pangit, nakakalito!”. Ngayong alam na nilang gamitin ang facebook, may sarili na silang lupa, pananim, may mga pet, may isda, may pinag-uusapan sa jeep, may pinapanaginipang pananim at higit sa lahat tumaas na ang IQ nila, isipin mo ba namang kaya na nilang mag-add ng friend at gamitin ang chat sa facebook, medyo nakakainis nga lang kapag tinatanong nila ako kung ano ang ibig sabihin ng WTF, LOL, IMO, OMG, GTG, BRB ang sagot ko ay Walang Tangang Farmer, Laging On Line, Itanim Mo Oh, Open Mo Gift, Go! Tanim Go!, Bagong Ribbon Bwahahaha. Kaya naman ayon biniro ko lang sineryoso dahil tuwing may bagong ribbon silang nakukuha sa Farmville at naipublished laging may nakasulat na BRB. Marami pa silang mga tanong sa akin na di nila kayang i-google. Kaya naman sa harapan mismo nila tinatype ko sa google ang mga tinatanong nila. Ginawa ko na ngang Homepage ang Google para tuwing bubuksan nila ang internet explorer (ayaw nila sa firefox o chrome pangit daw.) nasasampal sila ng google.
March 3, 2010
May angober ako (Hang over). ‘Di ko naisulat ang nangyari kagabi kaya ipalalamun ko sa March 3 ang nangyari kagabi. Nagyaya ang mga katrabaho ko na mag-good time. Good Time? Anong good time sa pag-inom ng mapait na bagay? Sumama na lang ako dahil wala rin akong gagawin sa bahay kundi alisin ang sapatos ko at uminom ng kape. Nasa bar kami. First time kong makapasok sa mga madidilim na lugar na puno ng mga taong nagsasaya at nagsasayang (ng pera). Libre lang ng katrabaho ko, birthday niya kasi. Ang daming mga babae sindami ng mga babaeng ‘di pumapansin sa amin. Alam kong guwapo naman ako eh, eh bakit naman nila papansinin ang lalaking naka-orange at may mukha ni ERAP sa damit? Vote Erap. ‘Di talaga nila ako papansinin dahil iniisip nila na may kapit ako kay ERAP at iniisip nilang isusumbong ko sila. Dati na akong umiinom ng alak ngunit ngayon lang ako uminom sa Bar, pang-kanto, birthday, binyag at piyesta lang ako. Hindi ako karapat dapat sa ganitong lugar, bukod sa madilim na, ang dami pang tukso na lumilipad. Natutukso ang mga babae na pansinin ako at kunin ang number ko at makipag- 1 night stand. Kawawa naman ang magiging asawa ng babaeng makaka-1 night stand ko dahil habang buhay na niya akong di malilimutan at mababawasan ang pag-ibig niya sa kanyang asawa tuwing maaalala ako. Kay Anime lang ako. Miss ko na siya. Ilang umaga ko ng di nakakasakay sa jeep. High School pa ako nung huli akong uminom ng mapait na bagay, kaya naman ang daling nalason ang katawan ko, ang sakit sa tiyan at nakakasuka na. Mamumulutan para lang may mailabas mamaya sa bibig. Maya-maya lang magiging mga pwet na ang aming bibig, haharap sa inodoro at kunwari pwet ang aming bibig na naglalabas ng mga bagay na bumubuhay sa mga chef ng bar, sana makaimbento sila ng pulutan na di na babayaran dahil itatapon lang naman ito ng mga mahihina sa inuman. Buti pang nagdala ako ng maraming bulak at iyon na lang ang pinulutan ko, isasawsaw ko sa suka para di plain ang lasa, ilalabas ko rin naman kaya ok lang na iyon ang pulutan. Lasing na kami pero umoorder pa rin ng alak si Birthday boy. Tanga rin ang taong ito eh, umorder pa di na pala kayang ubusin, sa bagay birthday niya, nagsasaya at nagsasayang siya. Iyan ang Pinoy! Karamihan sa mga lalaki kapag birthday nila iniisip kaagad nila ang SHOT SHOT, dapat magpainom sila at magpakalasing. Nagiging mandatory na. Ngunit hindi lahat ay ganoon ang pag-iisip dahil may mga tao rin na kagaya kong kuripot. Dahil sa kalasingan ko, iniisip at pinangako ko na ‘di na ulit ako iinom. Masakit na sa sikmura ko ang alak. At bigla kong naisip na mas marami pang mga inumin at bagay bagay ang makakapagpasaya sa akin na hindi ako sinisikmura, nagsusuka o nagiging pwet ang bibig, nagwawala, nayuyupi ang dila at ihi ng ihi.
Uto-uto ka ba? Napipilit ka ba ng iba na gawin ang gusto nila kahit di mo sila boss? O sadyang nakikisama at mabait ka lang kaya ka uto-uto? Pagkauwi ko kasi naging uto-uto ako, pa X-X na ang mga paa ko sa paglalakad nang makita ako ng mga sunog baga kong kapitbahay, “Pare shot ka muna, isang shot lang!”. “’Di pare lasing na ako, di ko na kaya!”. “Isang shot lang naman eh!” makulit sila kaya kahit ayaw ko, kinuha ko at shinot. Anong tawag sa isang taong gumawa ng bagay na ayaw niya na pinilit na ipagawa ng mga grupong naglalasing? Duwag at uto-uto. Niyurakan ng mga lasenggo ang pagkalalaki ko. Ang tawag ba doon pakikisama lang? Hindi. E kung naglalaslas sila at sabihin nilang pare laslas ka 1 time lang, susundin mo ba? Iba ang alak sa paglalaslas, pero pareho lang itong pagpaparusa sa sarili. TAMA NA! malelate na ako.
Jeep. Ang namimis kong Anime ay kasakay ko pero nasa dulo siya! Hindi siya naka-uniform. Pero uniform na rin, dahil pareho sila na nakared ng katabi niya. Buti pang sinuot ko yung Coke kong damit. Sa lahat ng damit ko iyon kasi ang medyo ikinakahiya ko, nakadrawing ang bote ng coke tapos may malaking “P7 only”. Ayaw ko kasing isipin ng iba na pinagyayabang ko ang presyo ng damit ko. Baka isipin ng mga walang isip na P7 pesos lang ang damit ko, libre lang naman ito sa mga truck na nagdedeliver ng softdrinks. Maliban kay Anime may bagong jeepmate kami, isang sexy na naka-miniskirt din, lintik di ko kaagad napansin dahil kay Anime. Ang liit ng miniskirt niya pero mukhang ‘di naman uniform ang klase ng miniskirt na suot niya. Ang di ko maintindihan bakit pa niya ito sinuot kung bawat tingin naming mga lalaking kasakay niya ay tinatakpan niya? Kung ayaw niyang binoboso nagpantalon na lamang siya. Napatingin ako sa pwesto ng kanyang kinabukasan litaw kasi ang pwet ng bata eh (Cleavage), di man lang naghintay ng ilang segundo para e-recheck kung litaw ang mga bundok, kaagad yumuko para i-check, napahiya tuloy ako. Kapag ang mga bakla o matrona ang nakatingin sa pwesto ng Family Jewel ko hindi ko sila ipapahiya, ‘pag di na sila nakatingin doon ko titignan kung bukas ba ang zipper ko o sadyang matambok lamang ang “eight equals equals equals equals equals equals equals D” ko, (Try mong gawin sa text message at send mo sa girlfriend o nililigawan mo). Paano ba malalaman kung nakatingin sayo ang isang tao ng patago, nakatingin sa kanan o kaliwa pero sayo ang atensiyon niya? Madalas kong gawin ito, kunwari nakatingin ako sa kanan, pero kahit sa kanan ako nakatingin, napapansin ko pa rin ang mga chicks na nasa tabi tabi lang. May mga baklang ginagamit sa akin ang sarili kong teknik kaya naman para malaman ko kung talagang style niya lang iyon o sinusulyapan ako. Titignan ko siya ng sandali at kahit wala akong muta mag-aalis ako ng muta, kapag nag-alis rin siya ng muta, ibig sabihin pinapansin niya ako o napansin niya ako. Parang basic human nature na rin kasi iyon, kapag may nakita kang nagmuta ilang sandali lang inaalis mo na rin ang muta mo. Ang napapansin ko lang ay kung bakit kapag nangungulangot ako sa jeep ay walang gumagaya, siguro nagkataon lang na sinisipon sila kaya ayaw nilang sumama sa daliri nila ang sipon.
Kulangot. Kapag nasa jeep ako at naramdaman kong may kulangot na nagbabaging sa mga buhok sa ilong, hinuhukay ko na agad ito. Kapag nasa daliri ko na at matagumpay na naipit sa kuko hindi ko muna ito ididikit sa ilalim ng upuan. Magpipretend muna akong walang nakuhang kulangot, kunwari nangati lang ang ilong ko. Style yon eh, nangulangot na mag iistilo pa na kamot kamot lang kunwari. Magpapalipas muna ako ng mga 40-50 seconds bago ko ikaskas sa upuan o sa ilalim ng pantalon. Buburahin ko muna sa isip ng mga posibleng nakasaksi ang aking paghuhukay ng natuyong sipon bago ko igasgas kung saan saan.
May angober ako (Hang over). ‘Di ko naisulat ang nangyari kagabi kaya ipalalamun ko sa March 3 ang nangyari kagabi. Nagyaya ang mga katrabaho ko na mag-good time. Good Time? Anong good time sa pag-inom ng mapait na bagay? Sumama na lang ako dahil wala rin akong gagawin sa bahay kundi alisin ang sapatos ko at uminom ng kape. Nasa bar kami. First time kong makapasok sa mga madidilim na lugar na puno ng mga taong nagsasaya at nagsasayang (ng pera). Libre lang ng katrabaho ko, birthday niya kasi. Ang daming mga babae sindami ng mga babaeng ‘di pumapansin sa amin. Alam kong guwapo naman ako eh, eh bakit naman nila papansinin ang lalaking naka-orange at may mukha ni ERAP sa damit? Vote Erap. ‘Di talaga nila ako papansinin dahil iniisip nila na may kapit ako kay ERAP at iniisip nilang isusumbong ko sila. Dati na akong umiinom ng alak ngunit ngayon lang ako uminom sa Bar, pang-kanto, birthday, binyag at piyesta lang ako. Hindi ako karapat dapat sa ganitong lugar, bukod sa madilim na, ang dami pang tukso na lumilipad. Natutukso ang mga babae na pansinin ako at kunin ang number ko at makipag- 1 night stand. Kawawa naman ang magiging asawa ng babaeng makaka-1 night stand ko dahil habang buhay na niya akong di malilimutan at mababawasan ang pag-ibig niya sa kanyang asawa tuwing maaalala ako. Kay Anime lang ako. Miss ko na siya. Ilang umaga ko ng di nakakasakay sa jeep. High School pa ako nung huli akong uminom ng mapait na bagay, kaya naman ang daling nalason ang katawan ko, ang sakit sa tiyan at nakakasuka na. Mamumulutan para lang may mailabas mamaya sa bibig. Maya-maya lang magiging mga pwet na ang aming bibig, haharap sa inodoro at kunwari pwet ang aming bibig na naglalabas ng mga bagay na bumubuhay sa mga chef ng bar, sana makaimbento sila ng pulutan na di na babayaran dahil itatapon lang naman ito ng mga mahihina sa inuman. Buti pang nagdala ako ng maraming bulak at iyon na lang ang pinulutan ko, isasawsaw ko sa suka para di plain ang lasa, ilalabas ko rin naman kaya ok lang na iyon ang pulutan. Lasing na kami pero umoorder pa rin ng alak si Birthday boy. Tanga rin ang taong ito eh, umorder pa di na pala kayang ubusin, sa bagay birthday niya, nagsasaya at nagsasayang siya. Iyan ang Pinoy! Karamihan sa mga lalaki kapag birthday nila iniisip kaagad nila ang SHOT SHOT, dapat magpainom sila at magpakalasing. Nagiging mandatory na. Ngunit hindi lahat ay ganoon ang pag-iisip dahil may mga tao rin na kagaya kong kuripot. Dahil sa kalasingan ko, iniisip at pinangako ko na ‘di na ulit ako iinom. Masakit na sa sikmura ko ang alak. At bigla kong naisip na mas marami pang mga inumin at bagay bagay ang makakapagpasaya sa akin na hindi ako sinisikmura, nagsusuka o nagiging pwet ang bibig, nagwawala, nayuyupi ang dila at ihi ng ihi.
Uto-uto ka ba? Napipilit ka ba ng iba na gawin ang gusto nila kahit di mo sila boss? O sadyang nakikisama at mabait ka lang kaya ka uto-uto? Pagkauwi ko kasi naging uto-uto ako, pa X-X na ang mga paa ko sa paglalakad nang makita ako ng mga sunog baga kong kapitbahay, “Pare shot ka muna, isang shot lang!”. “’Di pare lasing na ako, di ko na kaya!”. “Isang shot lang naman eh!” makulit sila kaya kahit ayaw ko, kinuha ko at shinot. Anong tawag sa isang taong gumawa ng bagay na ayaw niya na pinilit na ipagawa ng mga grupong naglalasing? Duwag at uto-uto. Niyurakan ng mga lasenggo ang pagkalalaki ko. Ang tawag ba doon pakikisama lang? Hindi. E kung naglalaslas sila at sabihin nilang pare laslas ka 1 time lang, susundin mo ba? Iba ang alak sa paglalaslas, pero pareho lang itong pagpaparusa sa sarili. TAMA NA! malelate na ako.
Jeep. Ang namimis kong Anime ay kasakay ko pero nasa dulo siya! Hindi siya naka-uniform. Pero uniform na rin, dahil pareho sila na nakared ng katabi niya. Buti pang sinuot ko yung Coke kong damit. Sa lahat ng damit ko iyon kasi ang medyo ikinakahiya ko, nakadrawing ang bote ng coke tapos may malaking “P7 only”. Ayaw ko kasing isipin ng iba na pinagyayabang ko ang presyo ng damit ko. Baka isipin ng mga walang isip na P7 pesos lang ang damit ko, libre lang naman ito sa mga truck na nagdedeliver ng softdrinks. Maliban kay Anime may bagong jeepmate kami, isang sexy na naka-miniskirt din, lintik di ko kaagad napansin dahil kay Anime. Ang liit ng miniskirt niya pero mukhang ‘di naman uniform ang klase ng miniskirt na suot niya. Ang di ko maintindihan bakit pa niya ito sinuot kung bawat tingin naming mga lalaking kasakay niya ay tinatakpan niya? Kung ayaw niyang binoboso nagpantalon na lamang siya. Napatingin ako sa pwesto ng kanyang kinabukasan litaw kasi ang pwet ng bata eh (Cleavage), di man lang naghintay ng ilang segundo para e-recheck kung litaw ang mga bundok, kaagad yumuko para i-check, napahiya tuloy ako. Kapag ang mga bakla o matrona ang nakatingin sa pwesto ng Family Jewel ko hindi ko sila ipapahiya, ‘pag di na sila nakatingin doon ko titignan kung bukas ba ang zipper ko o sadyang matambok lamang ang “eight equals equals equals equals equals equals equals D” ko, (Try mong gawin sa text message at send mo sa girlfriend o nililigawan mo). Paano ba malalaman kung nakatingin sayo ang isang tao ng patago, nakatingin sa kanan o kaliwa pero sayo ang atensiyon niya? Madalas kong gawin ito, kunwari nakatingin ako sa kanan, pero kahit sa kanan ako nakatingin, napapansin ko pa rin ang mga chicks na nasa tabi tabi lang. May mga baklang ginagamit sa akin ang sarili kong teknik kaya naman para malaman ko kung talagang style niya lang iyon o sinusulyapan ako. Titignan ko siya ng sandali at kahit wala akong muta mag-aalis ako ng muta, kapag nag-alis rin siya ng muta, ibig sabihin pinapansin niya ako o napansin niya ako. Parang basic human nature na rin kasi iyon, kapag may nakita kang nagmuta ilang sandali lang inaalis mo na rin ang muta mo. Ang napapansin ko lang ay kung bakit kapag nangungulangot ako sa jeep ay walang gumagaya, siguro nagkataon lang na sinisipon sila kaya ayaw nilang sumama sa daliri nila ang sipon.
Kulangot. Kapag nasa jeep ako at naramdaman kong may kulangot na nagbabaging sa mga buhok sa ilong, hinuhukay ko na agad ito. Kapag nasa daliri ko na at matagumpay na naipit sa kuko hindi ko muna ito ididikit sa ilalim ng upuan. Magpipretend muna akong walang nakuhang kulangot, kunwari nangati lang ang ilong ko. Style yon eh, nangulangot na mag iistilo pa na kamot kamot lang kunwari. Magpapalipas muna ako ng mga 40-50 seconds bago ko ikaskas sa upuan o sa ilalim ng pantalon. Buburahin ko muna sa isip ng mga posibleng nakasaksi ang aking paghuhukay ng natuyong sipon bago ko igasgas kung saan saan.
March 4, 2010
Malamig! Kakatamad tumayo, mas lalong nakakatamad maligo. Kung ‘di naman ako maliligo sayang naman, ngayon ko isusuot ang damit na inabot kagabi ng kapitbahay ko. Manny Villar. Siya yung taong magtatapos ng ating kahirapan, dati rin kasi siyang naghirap kaya alam niya kung ano ang pakiramdam ng paghihirap. Ang isang nakakabagabag nga lang at sana di na niya malaman na kahit mahirap kami di kami nagsuswimming sa dagat ng basura, mga sint-sinto lang siguro ang taong lalangoy sa dagat ng basura. Dagat na tubig nga wala dito, paano pa kami makakagawa ng dagat ng basura, baka pure ang tinutukoy niya. Pure na basura. Kung ganoon meron kami dito pero sapa ng basura lamang at di kami makakalangoy doon. Nagtataka lang ako kay bossing Villar, bakit kaya naisipan niyang lumangoy sa basura sa mga panahong naghihirap siya? Lumalangoy rin kaya siya sa dagat ng pera ngayong mayaman na siya? Totoo yung sinasabi niyang marami sa mga mahihirap ang nakapagpasko na sa kalsada, kami nga kahit new year sa kalsada kami, di naman kasi naming makikita sa loob ng bahay ang mga fireworks at nakakatakot sa loob ng bahay dahil halos lahat ng mga tinatamaan ng ligaw na bala ay nasa loob ng bahay . Anong amoy kaya ni bossing Villar pagkatapos lumangoy sa dagat ng basura?
Ayos ang pogi ko! Black Jeans tapos Manny Villar ang damit. ‘Di naman sa mahilig ako sa politika, sadyang mahilig lang ako sa mga sikat na damit.
Sobrang takaw ng driver na nasakyan namin. Ang salitang sobra ay kulang para i-describe ang pagkaganid ng driver na ito, bawat kanto may makita lang naglalakad ay humihinto, nagbabakasakaling sasakay sila. Buti nga at exempted ang mga aso at pusa. Ang galing nga niya eh, dahil ang sagot sa isang pasaherong nagrereklamo ay “Naghahanap buhay rin akong katulad niyo!”. Lintik! Naghahanap buhay rin pala siya eh! Dapat alam niya na mahalaga ang oras. Sa bagay walang late late sa kanila, sa amin meron. Sa totoo lang masarap buhusan ng isang baldeng antik na langgam ang driver na ito eh. Pagkababa ko tinignan ko ang sasakyan niya, kukunin sana ang plate #. Kahit wala akong planong i-reklamo siya. Mas kapansinpansin ang HOW IS MY DRIVING na nakapinta sa side ng jeep niya, may # doon ang LTFRB, at Mobile Number hindi telephone. Tinext ko pagkadating ko sa opisina, “Eow pow! Gs2 ko snang ereklmo ang drvr n cnkyn nmin knna, ang tkaw po kc sa pshero. Hlos lht kmi ngrrklmo dhil mll8 n kmi – Ahrean Padilla”. Mga bandang tanghali na nang nagreply ang LTFRB ng “Eow din pow! Ano pong itsura ng drver na nirereklamo nyo po?”. Reply naman ako agad ng “Mtnd ng konti, kmukha ni pugak at may pugad sa ulo, kalbo ang gitna ng ulo at merong tattoo sa braso ng i lab you Carol.” – “Oh ok po kc akala ko si tito Rey ang tinu2koy nyo, ok po pagssbhan ko na lang si tatay.”. Hindi ko alam kung ang anak nung driver , LTFRB o ginawang trip lang ang # at ikinalat sa lahat ng sasakyan ng mga kamag-anak.
Uwian nanaman. Fast Forward. Nasa Bario na ako pero di dumeretso sa bahay. May baklang pinatay, wala pang mga pulis at mga usiserong kapitbahay lang ang mga nagkukumpol kumpol. “Anong dahilan ng pagkamatay?” tanong ko habang nakatingin sa baklang may saksak sa tiyan at naiwan pa ang balisong sa tiyan. Gusto kong kunin ang balisong dahil may dala akong manggang hilaw, mukha kasing matalim at pwedeng pangbalat ng prutas. Hindi halatang sinaksak ang biktima kaya naman sumagot ang katabi kong usisero rin ng “Binaril yata, may narinig akong putok ng baril kanina eh.” Hindi ko alam kung pinagtitripan niya ako o talagang kagaya ko lang siyang tanga. Pwede ring nalito lang siya sa balisong dahil kakulay ng bala ng M-16 ang handle nito. Tutal naman wala pang pulis, lapitan ko muna, wala ring magbabawal na barangay tanod. May cellphone siya sa kanang kamay, kinuha ko at tinignan. Alam ko na ngayon ang tunay na dahilan kung bakit namatay ang kawawang bakla. Namatay siya dahil walang load. Ayon sa recent call niya tumawag siya sa 112 at 117. Dinial ko ulit, hanep na 112! For emergency assistance please dial 117. Kaya pala meron din siyang 117. Sa 117 naman ang sabi ay “Sorry you do not have enough money left in your account, please reload immediately.” Malinaw na kawalan ng load ang ikinamatay niya. Dapat bago ka magpakidnap, magpasaksak, magparape o makipagriot may load ka. Kung wala kang load sorry sorry! Walang emergency sa tulad mong poor! Ganyan ang sistemang uso ngayon, no money, no emergency. Magmula ngayon magloload na ako kahit sira ang mouthpiece ng cellphone ko atleast pwedeng magtext kung sakali mang malunod ako o mabangungot. Pagkatapos maging bungo ang bangkay dumating rin ang mga tanod, after 2 years ang siya namang pagdating ng mga pulis. Mga lokong kapitbahay lahat sila walang load para ireport, mga tanod naman busy sa panonood ng balita.
March 5, 2010 –
Warning!
Basta
Warning!
Dito magsisimula ang aking adventure. Kagaya ng dati kung hindi magsisimula sa pagising, magsisimula sa jeep. Si Anime ang ganda! Pinaka-unang pasahero sa jeep, at guess who kung sino ang kasunod niya? Tama! Hindi ako. Ang kanyang ate na maganda rin, sexy at mukhang angel. Teka! Bakit ko nasabing mukhang angel ‘di pa naman ako nakakakita ng mga angel, pero kung bibliya ang pag-uusapan, magtanong muna sa nagsabi sayong mukha kang angel kung anong klase ng angel, baka kasi yung tinutukoy niya yung angel na may apat na nakakatakot na mukha (Search niyo na lang sa google) . Tanging sa mga poster ko lang sila nakikita. Yung kayang mga nagpiprint ng mga angel ay alam ang itsura ng mga angel kaya nila ito nagawa? Ang suwerte naman nila. Pangatlo akong pasahero at sumunod na ang ilang mga babaeng may mga itsura rin (‘Di blank ang face). Walang mga senior citizen, walang pangit, walang bata, from 18-30 years old lahat at kaming dalawa lang ng driver ang lalaki. Nasa gitna na kami ng kalsada nang biglang may malaking liwanag na parang portal ng Diablo 2 ang lumabas sa daanan namin, mahirap nang ipreno ang jeep kaya nakapasok kami sa portal. Tahimik. May tunog ng pumapatak na tubig. Black ang background. Nagising ako sa ‘di familiar na lugar, ang mga tutubi ay sinlaki ng mga manok. May mga lumilipad na malalaking ibon na nakapalibot sa taas. May mga sakay sila na parang mga taong may buntot at walang ilong at malalaki ang mga tenga, kilala niyo si piccolo? Ganoon ang mga tenga nila pero ‘di green. Hinuli ako at ipinasok sa isang madilim na kulungan. Ilang minuto pa at biglang lumiwanag ang buong paligid, isang lumulutang na brilyante ang umilaw sa kapaligiran. Si Anime ay nasa sulok at ang iba kong kasakay kanina sa jeep, yung driver naman ay nakatali at may nakasulat na malaking X sa damit niya (X dahil matanda na at di na pwedeng humataw sa pagawaan ng bata). Mga aliens ang sumalakay sa amin. Binuksan ang pinto at pinalabas kaming lahat. Nakakahiya man pero hinubaran ako ng mga aliens na ito, nakakahiya 4 inches, pero ok lang naman dahil ang kasunod nito ay 6.5 inches na dahil ang mga babae naman ang hinubaran kaya di na nakakahiya dahil di na nagtatago ang 8 equals equals equals equals equals equals D ko. Ipinasok kaming lahat sa isang room, lintik! Mga english pala ang mga aliens na ito dahil may nakasulat na “LAB” sa room na pinasukan namin. Kawawa naman si Mang Driver, iniwan siya sa kulungan. May videocam na nakatutok sa isang kama na puno ng mga familiar na laruan, laruan na may shape na 8 equals equals D. Bastos pala ang mga aliens na ito. May nagsalita ng tagalog (Weird kanina english ngayon tagalog) “Kaming mga Jupeterians ay nais naming makita kung paano kayo magparami, at kung ano ang unang proseso para magparami kayo” Pumasok ang ilang mga aliens at nagsabing “ang mga pumalag ay papatayin!” isa-isang hiniga sa kama ang mga babae at ako lang ang naiwang nakatayo, dalawa pala kaming nakatayo, pero di tao ang isa, nakikitira lang siya sa katawan ko. May isang sigaw ang nagsabi sa akin na “Make love or die!” – And I lived happily ever after. Sarap mangarap kapag magaganda ang mga kasakay mo sa jeep. Pero bastos yata yon at parang rape ang nangyari. Kaya ganito na lang, sana may isang portal na lalabas sa dadaanan namin at bigla kaming ma-Warp ni Anime sa isang mala-NEVER ENDING STORY na lugar. Gusto ko may mga kalaban at mga monster na tutugis sa amin, suplada si Anime pero this time medyo nakakatsansing na siya sa akin, ‘pag may mga monster napapayakap siya pero aalisin din dahil biglang mahihiya at mamumula ang pisngi, makakapulot ako ng espada at magiging taga-pagtanggol niya, stay kami ng 100 years sa lugar na iyon na hindi nababasan ang oras sa totoong mundo, hindi rin kami tumatanda at pag pang 4 months na namin sa mundong pinasukan madedevelop na siya sa akin at mamahalin niya ako! Makikiss ko na siya! Smack! Solid! French Kiss! Hawakan at manyakan! Sarap mangarap! Lahat magagawa mo, pero nakakalungkot bigla, ang layo na ng nilampas ko sa trabaho at ang sama ng tingin sa akin ng kapatid ni Anime. Creative din siguro ang mga rapist, sobrang imagination nagagawa nila ang iniimagine, kakaimagine ko minsan parang gustong sumunod ng katawan ko eh, kaya takot ako kapag may tumabi sa akin na may malaking 8 (Horizontal), baka anong bigla kong mahawakan. Sumunod kasi ang isip ko sa iniimagine. – Walang Kwentang Episode/Talambuhay! Filler!
Dito magsisimula ang aking adventure. Kagaya ng dati kung hindi magsisimula sa pagising, magsisimula sa jeep. Si Anime ang ganda! Pinaka-unang pasahero sa jeep, at guess who kung sino ang kasunod niya? Tama! Hindi ako. Ang kanyang ate na maganda rin, sexy at mukhang angel. Teka! Bakit ko nasabing mukhang angel ‘di pa naman ako nakakakita ng mga angel, pero kung bibliya ang pag-uusapan, magtanong muna sa nagsabi sayong mukha kang angel kung anong klase ng angel, baka kasi yung tinutukoy niya yung angel na may apat na nakakatakot na mukha (Search niyo na lang sa google) . Tanging sa mga poster ko lang sila nakikita. Yung kayang mga nagpiprint ng mga angel ay alam ang itsura ng mga angel kaya nila ito nagawa? Ang suwerte naman nila. Pangatlo akong pasahero at sumunod na ang ilang mga babaeng may mga itsura rin (‘Di blank ang face). Walang mga senior citizen, walang pangit, walang bata, from 18-30 years old lahat at kaming dalawa lang ng driver ang lalaki. Nasa gitna na kami ng kalsada nang biglang may malaking liwanag na parang portal ng Diablo 2 ang lumabas sa daanan namin, mahirap nang ipreno ang jeep kaya nakapasok kami sa portal. Tahimik. May tunog ng pumapatak na tubig. Black ang background. Nagising ako sa ‘di familiar na lugar, ang mga tutubi ay sinlaki ng mga manok. May mga lumilipad na malalaking ibon na nakapalibot sa taas. May mga sakay sila na parang mga taong may buntot at walang ilong at malalaki ang mga tenga, kilala niyo si piccolo? Ganoon ang mga tenga nila pero ‘di green. Hinuli ako at ipinasok sa isang madilim na kulungan. Ilang minuto pa at biglang lumiwanag ang buong paligid, isang lumulutang na brilyante ang umilaw sa kapaligiran. Si Anime ay nasa sulok at ang iba kong kasakay kanina sa jeep, yung driver naman ay nakatali at may nakasulat na malaking X sa damit niya (X dahil matanda na at di na pwedeng humataw sa pagawaan ng bata). Mga aliens ang sumalakay sa amin. Binuksan ang pinto at pinalabas kaming lahat. Nakakahiya man pero hinubaran ako ng mga aliens na ito, nakakahiya 4 inches, pero ok lang naman dahil ang kasunod nito ay 6.5 inches na dahil ang mga babae naman ang hinubaran kaya di na nakakahiya dahil di na nagtatago ang 8 equals equals equals equals equals equals D ko. Ipinasok kaming lahat sa isang room, lintik! Mga english pala ang mga aliens na ito dahil may nakasulat na “LAB” sa room na pinasukan namin. Kawawa naman si Mang Driver, iniwan siya sa kulungan. May videocam na nakatutok sa isang kama na puno ng mga familiar na laruan, laruan na may shape na 8 equals equals D. Bastos pala ang mga aliens na ito. May nagsalita ng tagalog (Weird kanina english ngayon tagalog) “Kaming mga Jupeterians ay nais naming makita kung paano kayo magparami, at kung ano ang unang proseso para magparami kayo” Pumasok ang ilang mga aliens at nagsabing “ang mga pumalag ay papatayin!” isa-isang hiniga sa kama ang mga babae at ako lang ang naiwang nakatayo, dalawa pala kaming nakatayo, pero di tao ang isa, nakikitira lang siya sa katawan ko. May isang sigaw ang nagsabi sa akin na “Make love or die!” – And I lived happily ever after. Sarap mangarap kapag magaganda ang mga kasakay mo sa jeep. Pero bastos yata yon at parang rape ang nangyari. Kaya ganito na lang, sana may isang portal na lalabas sa dadaanan namin at bigla kaming ma-Warp ni Anime sa isang mala-NEVER ENDING STORY na lugar. Gusto ko may mga kalaban at mga monster na tutugis sa amin, suplada si Anime pero this time medyo nakakatsansing na siya sa akin, ‘pag may mga monster napapayakap siya pero aalisin din dahil biglang mahihiya at mamumula ang pisngi, makakapulot ako ng espada at magiging taga-pagtanggol niya, stay kami ng 100 years sa lugar na iyon na hindi nababasan ang oras sa totoong mundo, hindi rin kami tumatanda at pag pang 4 months na namin sa mundong pinasukan madedevelop na siya sa akin at mamahalin niya ako! Makikiss ko na siya! Smack! Solid! French Kiss! Hawakan at manyakan! Sarap mangarap! Lahat magagawa mo, pero nakakalungkot bigla, ang layo na ng nilampas ko sa trabaho at ang sama ng tingin sa akin ng kapatid ni Anime. Creative din siguro ang mga rapist, sobrang imagination nagagawa nila ang iniimagine, kakaimagine ko minsan parang gustong sumunod ng katawan ko eh, kaya takot ako kapag may tumabi sa akin na may malaking 8 (Horizontal), baka anong bigla kong mahawakan. Sumunod kasi ang isip ko sa iniimagine. – Walang Kwentang Episode/Talambuhay! Filler!
March 6, 2010 – Part 2 Hell Awaits!
Impiyernong pakiramdam ito! Parang nakapila ako sa mga totortyurin sa Slovakia (Panoorin niyo ang Hostel). Utos ng boss to wala akong magagawa. Nagprint naman akong malaking Mapa, isang bondpaper, sabi kanina sa Recto daw. Pero basta pagkababa ko daw sa Philippine Rabbit nandoon lang daw ang kukunin ko, may taong naghihintay daw. Avenida na lang daw. Sinabihan na daw ng boss ko yung tao ang itsura ko at damit na suot(Daw Daw Daw Puro Daw), buti di ako pinadalhan ng plakard na nagsasabing “ Ako po si Ahrean Padilla”. Nasa bus na ako at sinusubukang minememorize ang mapa. ‘Di ko mamemorize kaya bubuksan ko na lang pagkadating doon. Naghintay ako ng 30 minutes at pagkatapos pinalipad na rin ng sirenang lupang driver ang bus. Inaantok ako pero nakakatakot matulog baka pagkagising ko nasa Australia na ako. Nagising ako nang huminto ang bus, wala ring kwenta ang takot ko nabalewala dahil nakatulog rin. Mukhang nasa Pilipinas pa rin naman ako dahil nakikita ko ang mga magugulong kable ng kuryente, mga tarpaulin na nakasabit sa mga poste, mga estudyanteng only in the Philippines lamang ang japorms at higit sa lahat walang Kangaroo. Nakarating ako ng di nawawala ang kalahati ng aking katawan at di nagkalat-kalat ang utak sa NLEX. Baligtad pala ang na-print kong mapa buti na lang pwede mong ibaligtad ang papel para mawala ang pagkabaligtad nito, clockwise at clockwise lang pala ang katapat. Pagka-tayo ko hawak hawak ko ang 8.5x11 na papel na may mapa ng Avenida at Recto, tamang tama ang nilandingan ng mga paa ko, nasa terminal ako ng Philippine Rabbit sa avenida at “Sir kayo po ba si Ahrean Padilla?” ang galing 2 seconds pa lang ang sapatos ko sa semento ng Avenida nakita na ako ng dapat kong hanapin. Inabot sa akin ang isang bagay na nakabalot na pwede naman ipa-LBC sa halagang 135 Pesos kumpara sa 240 pesos na pamasahe sa bus, bus pa lang iyon ha. 500 naman ang ibinigay sa akin ng boss ko kaya may pagkakataon ako para kumain sa Jollibee, pero ‘wag na baka maligaw pa ako. Exact steps papuntang bilihan ng ticket ay 14, 17 Steps para sumakay ulit. Bale 31 na steps lang ang ginamit ko papuntang Avenida. Buti pang calculator na lang ang dinala ko mas naging kapaki-pakinabang pa sana kaysa sa mapang pinrint ko, ‘di bale nakadraft lang naman eh.
Sakay na pauwi.
Wala ng kaligaw.
Mukhang magtatagal pa kaya bababa muna ako at bibili lang ng makakain. Hopia, Tama na yon sapat na sa akin para mabusog ako. Nasa dulo ako ng bus, sa pinakalikod. Yung mas mataas sa mga ordinaryong upuan ng bus. Tumagal ng 20 minutes bago napuno at sa tabi ko ay isang babaeng medyo maganda ganda na rin, malaki ang pwet kaya pwede na. Kasunod niya sa upuan ang lalaking pinasunog ang buhok para kunwari follower siya ni Bob Marley at ang iba pang mga Rastafarians. Naka-dreadlock, apat ang butas sa tenga, dalawa sa kabila at dalawa sa naabot ng aking mapamunang mata. Kahit ang daliri ko ay kasya sa artificial na butas niya sa tenga. Meron din siyang butas sa ilong, pero hindi kagaya kong dalawa lang, tatlo ang sa kanya at merong isang reserba. Reserba siguro iyon kung sakaling bumara ang labasan ng hangin sa kanyang ilong ng dahil sa dalawang kilong kulangot na namuo. Isinuot niya ang mala-pajamang kulay na bonet, kulay rainbow na lasing, may green, red, yellow at black. Siguro girlfriend niya ang katabi ko dahil kitang kita ng kanang mata ko ang paghipo niya sa pwet. Swerte niya buti pa siya nakahawak na ng pwet ng iba, ako kundi lang mangangati ang mga buni di ako makakahawak ng pwet, at sariling pwet ko pa. Ano kaya ang texture ng pwet ng babaeng iyon? Bako-bako rin kaya at magaspang kagaya ng pwet ko? Yuck! Kadiri pala ang pwet ng babaeng iyon. Imahinasyon lang.
Astig. Solid. Mukha siyang rakista! Grabe talaga parang idol ko na siya. At kung tama ang iniisip ko meron rin siyang bilog sa dila, hikaw. At meron nga siya pero nabawasan ang kaastigan niya dahil “Pagkatapush nating kumain, shaan tayo?” yan ang unang shalita ang lumabash sha bibig niya, . Lahat ng S niya may asawa ng H, dahil iyon sa nilagay niyang pampakiliti kuno sa dila niya. Sabi ng iba kapag meron daw ang lalaki ng mga ganoong bagay ay di ka na iiwan ng girlfriend mo mga bagay na pampakiliti daw at pampasarap. Nakakturn off si papa rakista, paano na kung gusto niyang sabihin sa ingles ang “Gusto kong umupo roon?”
Bulitas sa ari, hikaw sa dila at kung ano ano pa para lang matakasan ang salitang LOSER! Kung pampasarap din man lang bakit hindi mo na lang bigyan ng masasarap na pagkain ang nobya mo habang kinikiliti ang talampan sa balahibo ng manok?. LOSER lang ang magpapalagay ng bulitas sa ari, dahil HIS LITTLE JOHN Can’t make his partner satisfied – uhhhhWOW! English!. ‘Di ba kaya ni eight equals equals D? Siguro nga hindi, kaya nagpapalagay sila ng back up. Kung ako siguro mga jolens na lang ipapalalagay ko para mas astig. The Bigger the better, di pa nangangalawang.
At nakarating ako sa bahay ng ligtas sa lupit ng aksidente. “Ahrean pkihtid 2 me bkas ng mdling araw ang nkuha u parcel, kta tau s plngke s skayn ng jip ppuntng sn fdo.” Ano raw? Text Speak! Madaling araw sa palengke? Ang lupit ng boss na ito! Linggo gigising ako ng maaga? Impossible!
March 7, 2010 Part 2.
Ang nakaraan...
Nakulong ako. That’s all folks!
Nasa kulungan kasama ang mga batang rugby boys na menor de edad na ikinulong, dapat yata nasa DZRH sila, di ako sigurado pero nasa dalawa lang yon DZRH o DSWD, DZRH para sa panawagan sa kanilang mga magulang, DSWD kung walang magulang na nakarinig sa panawagan. Wala lahat ang mga ineexpect ko kanina, wala rin si Dencio Padilla bilang Pulis. Lumipas ang mahabang panahon at limang oras na akong nasa kulungan. Tinanong ako ng mga kontrabida (siyempre ako ang bida) kung meron ba daw akong ID. Siyempre meron.
In case of Emergency pls. notify:
My Mama or my boss
“Lintik na in case of emergency na ito! Bakit walang contact number ang mama at boss mo?” tanong ng isa sa mga kontrabida. “Wala pong cellphone ang nanay ko at lowbat kasi lagi ang cellphone ng boss ko”. “Pilosopong bata to ha!”. “Yung ID ko po may number ng kumpanya namin pwedeng tawagan yan bukas”. Totoo pala na kapag nasa kulungan ka lagi kang nahawak sa selda at may sad face.
8PM. Isang pamilyar na mukha ang pumunta sa presinto. Si Reyna. Yung babaeng sikat na syota ng barangay sa amin, pokpok na bumasted dati sa akin. Sinalubong siya ng isang kontrabidang pulis at nagyakapan sa harap ng aking mapamunang mga mata. Pumasok sila sa isang kwarto, at pagkalipas ng mga ilang giyera at putukan lumabas din ang dalawa. Nag-aalala na ako na baka nag-aalala na ang mga tao sa bahay sa akin kaya di ko mapiligilang “Pssssssst! Reyna!”. Lumingon siya at nakita ako, mukhang tuwang-tuwa siya na nakulong ako. “Sinasabi ko na nga ba eh, adik ka! Nahuli kang nagdadrugs no?”. Yeddah! Blah blah! Kesyo! Kesyo! Walang kwentang senaryo at usapan. “Pakisabi sa mama ko nasa kulungan ako, dahil kay boss!” pahabol ko sa kanya. Tiyak na sa March 31 na niya ito masasabi dahil mukhang marami pa siyang schedule sa ibang mga kalalakihan sa mundo. Wala man lang hearing, kaagad kasi nila akong ikinulong at wala man lang silang sinabi na “You have the right to remain silence.”
11:37PM. Nakatitig sa wall clock ng presinto. Natatae sa nadaramang kiliti sa katawan. Tulog na ang mga rugby boys, sarap ng pagkain namin. Sinigang. Di ko alam kung anong klasing sinigang, kung baboy ba o manok dahil walang nakalagay na laman maliban sa mga puso ng saging at kalahating gabi. Di ko rin mahanap ang asim sa sinigang na ito pero wala akong magagawa dahil ito ang tawag ng mga rugby boys “Sinigang nanaman!” yun ang sabi nila bago kumain. Nagrereklamo pa ang mga kumag na ito, sa kalsada nga eh kahit kanin ‘di sila makapulot nauunahan sila ng mga daga at pusa. Ang tanging reklamo ko lang sa sinigang na ito ay mas lasang tubig na nilagyan ng asin pero pwede na rin kung talagang gutom na gutom ka na. Dahil hindi naman ako gutom nagshare na lang ako ng blessings sa mga rugby boys. “Sa inyo na ito!”.
Kulungan...
Isang guhit sa pader gamit ang uling na nasa ilalim ng tulugan ng isa sa mga rugby boys, simula na ng pagbibilang ng guhit, dalawa, tatlo, apat, lima, anim... 25, 26, 27...61, 62, 63...101,102,103... 500, 501, 502... 1438, 1439 at 1440, yan lahat ang nagawa kong guhit dahil 24 oras na ako dito. 1440 Minutes.
Welcome sa...
March 8, 2010
Isa na akong ganap na kriminal, bawas pogi points na sa pag-aapply ng trabaho dahil tumagal ako ng 24 oras sa kulungan, magpapatattoo na rin dapat ako ng mga i love you i love you, mga rosas na kupas at tiger tiger. Ang lagkit ng pakiramdam ko, parang normal lang, sanay naman akong lumalagkit. Mag-aalas-otso na wala pa rin akong dalaw. 9AM. 10AM. 11AM, “Tinawagan namin ang kumpanyang pinapasukan mo, pupunta raw dito mamaya ang boss mo para sa bail.”. Ngumiti na lang ako kahit hindi ko alam kung ano ang bail. 12PM dinalaw ako ni bangungot may dalang quarter pounder na kalahati at ibinigay sa akin, marahil iyon ang sinasabi nung pulis na bail. Nag-uusap si bangungot at yung chief at ilang sandali pa binuksan ng kontrabida ang kandadong kahit mga daga ay pwedeng ngatngatin. Ano ba ang sinasabi sa mga kriminal na lumalaya sa mga pelikula ni Rudy Fernandez? “Malaya ka na!”. ‘Di ko narinig yan nang binuksan ang panandalihang apartment ko. Hinatid ako ni bangungot sa bahay at pinaligo muna ako tapos diretso kami ng trabaho. Hindi nagsasalita si bangungot, 30 minutes sa loob ng kotseng kuba niya na walang naglalabas ng 26 letters sa aming bibig. Nakarating sa trabaho at diretso sa conference room. Siguradong kukunin niya sa akin ang baril na nasa kamay na ng mga pulis o kaya naman ay pagsasampalin ako at bubuhusan ng kumukulong mantika. “Salamat sa almusal!” yan ang unang salitang lumabas sa kanyang ilong habang nakatalikod sa akin. Umpisa na ng sermon pinipilosopo na niya ako. “Masarap ang sandwich na iyon!” dugtong pa niya. Delikado na siguradong ang susunod na tanong ay “Nasaan ang baril P.I. ka!?” Oo nga pala para sa ikalilinaw ng lahat ang P.I. ay isang salitang di dapat nakasulat sa kwentong ito dahil ayaw kong malagyan ng Putang Ina na salita ang talambuhay ko. Pero sasabihin ko na rin ang P.I. ay “Putang Ina”. Rephrase : “Nasaan ang baril Putang Ina ka!?”. Imahinasyon nanaman dahil ang kasunod na sinabi niya ay “Saan mo ba nabili iyon? Salamat Ahrean!”. Salamat daw sabi ng lintik na boss na ito. Salamat dahil nawala ko ang baril niya kapalit ang chicken sandwich?.
“Ang baril na pinakuha ko sa iyo ay nasa akin na lahat ng papeles kaya napalaya kita at kakilala ko ang mga pulis sa presintong iyon. Alam mo ba kung saan ko gagamitin ang baril na iyon? Gagamitin ko sana iyon para pasabugin ang ulo ko sa harap ng aking asawa, nakikipaghiwalay na kasi siya dahil di ko daw siya naalala puro trabaho na lang. Kahapon nang umuwi ako at kinatok siya sa kwarto at handa na akong magpakamatay sa harapan niya, binuksan ko sa harap niya ang sandwich na inaakala kong baril. Laking gulat niya nang makitang may dala akong sandwich at napaiyak siya dahil sa tuwa at sinabing “Hon nagbago ka na nga, pinaghanda mo pa ako ng almusal, naaalala mo na ako ngayon. Halika hati tayo!”. Naghati kami sa chicken sandwich na binigay mo at nakita naming pareho ang sarap ng buhay ng dahil sa sandwich na iyon, na-appreciate namin ang lasa at nalaman namin na kahit anong bagay na pinagsasaluhan ay nakakasaya ng damdamin at pwedeng bumuo ng nasirang pagsasama. Ok na kami! Hindi na siya nakikipaghiwalay. Gusto kong malaman kung sino ang gumawa ng sandwich na iyon, idala mo siya rito at magpapaturo ako. Salamat ulit Ahrean kung di dahil sa kapalpakan mo nilalamay na sana ako ngayon. Uminom tayo ng kape at magsalo tayo. Magmula ngayon ikaw na ang aking personal assistant at increase ko ang sahod mo ng 50%”.
Speechless ako kaya naman nagshare kami sa isang tasa ng kape ng di ko namamalayan na bawat sipsip niya sa tasa ay nabababad ang kanyang pustiso. Parang sa tagay-tagay sa inuman ng iisang baso lang ang ginagamit. Ang concept ng shot shot ay ibabad ang itaas na parte ng labi mo sa alak at inumin ang 95% tapos yung 5% na natira ay nasa baso pa rin kasama ang 44% ng tartar ng mga katagayan mo at ang 20% na laway nila. Nagkaroon kami ng bonding ni bangungot. Papalitan ko na ang pangalan niya magmula ngayon, magmula ngayon siya na si Chicken dahil nabuhay ng dahil sa chicken sandwich. Lumipas ang 7,200 seconds at dala ko na ang isang babaeng gumawa nung tagapagligtas na sandwich. “Bibigyan kita ng isang libong piso kung ituturo mo sa akin ang pagawa ng chicken sandwich.” Yabang ni Chicken sa babae. “Ay sir ipahawak niyo po muna ang 1000 bago ko sabihin.” Ganid na babae. Ibinigay naman ni Chicken ang 1000 at “Bili lang po kayo ng ladies choice mayonnaise at lagyan niyo ng strips ng manok, thank you po sir”. At naglahong parang bula ang isang libo para sa isang recipe na kahit ang mga langgam ay kayang gawin.
Natapos ang buong araw nang di gaanong inulan ng kamalasan ang buhay ko maliban lang sa buong umaga na naubos sa loob ng kulungan kasama ang mga rugby boys. Sarap ng tulog ko ngayong gabi dahil alam kong ang sahod ko ngayon ay makakabili na ng aquarium para sa pusa ng kapitbahay namin at dog food na puno ng ajinomoto para sa aso ni Ms. Nobody. Bibili rin siguro ako ng radyo na may built in sounds ng mga kanta ng Deicide at Cradle of Filth para mabawasan ang aking kasalanan sa Diyos.
March 9, 2010
Ito ang unang gising kong nakita ko ang “Buhay ka pa, Lol!” matapos kong makulong ng 86,400 na segundo sa kulungan. Wala ako sa mood kaya hindi na ako nag-Down-Up-Down-Up repeat 200x and pwak it became koko krunch ngayong umaga. Diretso sa banyo at naglabas ng isang napakahaba at napakatigas na brown, inggit ako sa brown na iyon, dahil mas mahaba pa siya kaysa sa eight equals equals D ko, mas mataba nga lang ang sa akin. Naligo ako na gamit ang surf na bareta bilang panabon sa aking katawan at nadiscover ko dati na pwede rin palang gamiting shampoo yung lumambot na parte ng surf, medyo titigas nga lang ang buhok mo kapag natuyo, pero nariyan naman ang biniling downy ni nanay para pampalambot. Nagmistulang tela ang buhok ko dahil ginamitan ito ng mas mahal na sabon at pampalambot kaysa sa shampoo. Dati naamoy ng ka-opisina ko ang bango ng downy sa buhok ko at naitanong niya kung anong klaseng shampoo ang gamit ko, tinanong ko siya kung meron siyang alam na shampoong amoy downy, wala naman daw, kaya sinabi ko sa kanya ang sikreto ko at tinawagan niya akong cheap. Tinanong ko siya kung tig-magkano ang sachet ng shampoo niya, tig-5 daw. Natawa ako sa presyo ng mumurahin niyang shampoo kaya sinabi ko sa kanya na “Ikaw ang cheap! Tig 5 lang ang shampoo mo samantalang mas mahal ang surf at downy kumpara sa mga shampoo at conditioner na gamit mo.” Asar talo ang lintik, dinahan na lang sa tawa at joker daw ako, anong nakakatawa doon at anong joke doon, tanga talaga.
Welcome back sa paborito kong pinapansin, ang mga sakay sa jeep. Nakayuko ako at ipinikit sandali ang aking mga mata habang pinupuno ng asong barker ang jeep. Mabilis naman itong napuno dahil may sumakay na isang taong dala ang kanyang buong sambahayan. Binuksan ko ang kaliwang mata ko habang nakayuko, tingin pataas. &*$@$* ng tinapa !&#*$*%, isang miniskirt na litaw na litaw ang white na panty. Hindi na ako gagalaw, ganito na lang hanggang sa maramdaman ko na lang malapit na akong bumaba, 15-30 minutes na panty viewing. Solve na masakit sa puson (may puson ba ang lalaki? ) Pakiramdam ko parang may mga damong nabubunot dahil sa pagtubo ng isang malaking malaking kabute, masakit sa pakiramdam ang matubuan ng natutulog na kabute dahil uubusin niya ang mga nakaipit na damo sa kanya, aray! aray! Masakit. Mas masakit ang pakiramdam bago ako bumaba at palagay ko buong araw kong pagsisisihan ang araw na ipinanganak ako dahil nung pababa ko lang tinignan ang itsura ng binobosohan ko, isang babaeng nasa 46-50 years old. Muntik na akong magsuka ng corned beef at dalawang kilo ng bigas sa itsura ng babaeng nabosohan ko na pansamantalang pinagpantasyahan, Ok pa ang kutis niya parang nasa 29 years old lang wala pang gaanong mga guhit guhit at di pa nagiging glossy. Ang itsura niya doon ang ikinatatakot ko, baka maging isang bangungot ito sa akin gabi-gabi. Parang nakita ko sa kanya ang closer look ng buwan, cheese bread naman kung sa tinapay.
Official na araw na ako ay isa ng Assistant ni Chicken. Siguradong maganda ang magiging trabaho ko, wala ng makukulit na tanong tungkol sa facebook, wala ng tanong kagaya ng “Bakit nagiging bilog at asterisk ang password ko?”, “Paano gawing malalaki lahat ang mga letra sa tinatype ko ng hindi ko pinipindot ang Shift?” at iba pang mga pang matatalinong tanong.Nawala man ang mga pang matatalinong tanong, naging mas nakakapagod pala ang trabaho ko. Bumili ng pagkain ni Chicken, Bumili ng inumin, magtimpla ng kape, walisan ang opisina niya, ayusin ang pugad ng ahas sa kanyang lamesa, punasan ang 3 inches na kapal na alikabok sa kanyang drawer, itapon ang sampung rim na scratch paper, at ayusin ang mga libro niyang pakalat-kalat. Mas mukha pa ngang opisina ang banyo namin kaysa sa kanyang opisina dahil mukhang niretokeng junk shop lang ang sa kanya. ‘Di bale 50% increase naman ang sahod ko.
Pagkatapos akong gawing Cinderella ni Chicken balik technician at answering machine ako para sa mga utak na puno ng kalawang, ang akala ko pa naman mala-Vice President ang dating ko, yun pala nagmukha akong trabahador ng isang mayamang nagtitipid sa gastos, all in one -- BOY, yaya, katulong, driver, hardinero, kartero, delivery boy at tagapagluto, parang naging ganoon ako sa opisinang ito. Uwian na at natapos din ang sinumpang araw ni Judas. Inaantok ako sa jeep, ang hirap labanan ng solid na antok. To the Left, bagsak ulo, nerbiyos, gising tingin sa paligid na parang sinasabi sa mga nakasaksi sa iyo na HOY HINDI AKO TULOG NO!”, back to sleep. To the right, bagsak ulo, nerbiyos ulit, gising at kunwari hindi ka talaga tulog. Ang daming ganyan sa jeep, yung mga pasaherong inaantok tapos pipikit, lalalim ang tulog at babagsak ang ulo pakaliwa man o kanan, siguradong pagkabagsak makakaramdam ng matinding kaba, automatic ang nerbiyos na iyon kapag nakatulog ka at bumagsak ang ulo mo, ang matindi pa nito magkukunwari ka pa na alam mo ang nangyayari kahit obvious na obvious na tulog ka talaga, parang sinasabi ng pakonting bukas mong mata na “Ay hindi ha! Ay hindi ha!”. Minsan kapag nangyayari sa akin ang bagay na iyan kunwari sinasabay ko na lang ang ulo ko sa natural na galaw ng jeep, para hindi halata na malalim ang tulog ko.
March 10, 2010 - Unedited (Nagmamadali)
Tarantado talaga itong Ms. Nobody na ito, tinatalo pa ang mga deboto ni Maria na nagnonobena. Hindi ko marinig ang nobena nila dahil sa “Nobody, nobody but you!”. Teka, Hindi ako nagmura! Hindi mura ang tarantado. Ang tarantado ay isang klase ng tao na natataranta, mali pala ako, dapat tarantada si Ms. Nobody dahil babae siya. Dahil nagising ako sa kantang walang nakakaintindi ng lyrics tatayo na ako para bumili ng pandesal bilang almusal. Ayos! Malinis ang bakery walang nakapila para bumili ng pandesal, wala ang mga magkakaklase sa pagbili ng pandesal at higit sa lahat wala na palang pandesal, kaya walang pila. Cup Noodles na lang ang pagasa ko para magising ang katawan ko at magkaroon ng konting lakas, bawas pogi points nanaman ito sa bato ko. Sarap talaga ng Cup Noodles lalo na kung wala ka talagang makitang almusal.
Kagaya ng dati hindi talaga maiiwasan ang pagsakay ko ng jeep. Nawala na ang pagtingin ko kay Anime dahil ilang araw ko rin siyang ‘di iniisip at ‘di nirerape sa panaginip, pero ngayong umaga unti-unting bumabalik ang aking pag-ibig sa kanya, kaya naman kahit ligawan niya ako ngayon ay masasagot ko siya ng di ako nagpapakipot. Swerte niya dahil Assistant ni Chicken ang boyfriend niya. Virgin pa kaya si Anime? Sana virgin pa siya para kapag naging asawa ko siya, ipapakita ko sa kanya ang tunay na kahulugan ng maginoong Pilipino. Ano ba ang dapat kong gawin para ligawan niya ako? O kaya naman ay kahit ibulong lang niya sa mga nakakatabi niya sa jeep na crush niya ako. Isang milyong taon ko rin siyang di nakakasakay sa jeep kaya naman sabik na sabik ang mga mata ko sa pamboboso sa kanyang skirt at pagtingin sa kanyang mukha. Nakukuryente ako tuwing tititigan ko ang kanyang mga matang nakatingin sa librong hawak niya, kinikilig ako, parang mababasa ng ihi ang pantalon ko. Ang landi ko talaga tuwing nakakasakay ko ang babaeng magiging ina ng labing pito kong future children.
Hindi ko kaagad napansin ang lalaking katabi niya, nasayang tuloy ang oras ko para paglaruan ang lalaking mukhang bakla sa isip ko. Nakapink na damit at nakasulat ang pangalang SlipKnoT, ang slipknot ay isang grupo ng kalalakihan na gumagawa ng panlalaking musika, na hindi nararapat sa isang damit na kulay pambabae. Malinis naman tignan ang damit na kulay pink, lalo na kung singkapal ng bibliya ang pulbos mo sa mukha at sing-haba ng kable ng meralco ko pilik mata mo. Ang daming mga lalaking hindi naman bakla pero tinatalo pa ang mga bakla sa pagpafoundation sa kanilang mukha. Gumagamit na rin ang ilang kalalakihan ng mga bag na pambabae dahil sa ganoong paraan nila maipakita na kunwari may girlfriend sila at sa imaginary girlfriend nila ang bag na dala, ang iba naman akala siguro cool ang magbag ng pambabae kaya kahit sa school ang bag nila ay transparent na may drawing ni hello kitty, sana magpanty na rin sila at gumamit ng pantyliners. Sa bagay parang cool din na ang mga lalaki dito sa daigdig ay magpapanty at magbabra na lang, nang sa gayon ay maiwasan ng iba ang pagnanakaw ng panty ng may panty. 10% ng mga dalaga sa aming barangay ay nawawalan ng panty dahil sa ilang manyakis na gumagala. Isa sa mga magnanakaw ng panty ay ang bestfriend kong si Poknat, tinanong ko sa kanya dati kung ano ang ginagawa niya sa mga panting ninanakaw niya, inaamoy lang daw habang nag-a-up-down-up-down repeat 200x siya. Tinanong ko rin kung anong amoy ang kadalasan niyang nasusungkit, amoy sabon lang daw. “Gago ka pala eh, bakit di ka nalang bumili ng sabon at sabunin ang underwear mo at iyon ang amoy amoyin mo.” Ayaw naman niya. Tinanong ko rin kung siya ang nagnakaw sa ilang panting nawawala ng kapitbahay namin (Ms. Nobody). “Dalawa lang ang ninakaw ko sa kanya, yung una itinapon ko lang pre, kahit bagong laba amoy banyo ng elementary school, di ko matake parang pinagsasamantalahan ko ang lola ko tuwing naamoy ko.” “Eh bakit umulit ka pa para sa pangalawang panty?” tanong ko ulit habang nag-eenjoy sa kanyang kwento. “Pare binigyan ko siya ng chance, pero yon pa rin ang amoy, siguro talagang ganoon na ang amoy ng sa kanya.” Nakakadiri man ang kwento ni Poknat pero kahit papaano nakakagising ng mushroom. Kaya dapat ayusin ng mga babae ang paglalaba ng kanilang panty dahil baka manakawan sila at nakakahiya naman sa nagnakaw kung amoy banyo ang panting ninakaw. Magmula nang maikwento sa akin ni Poknat ang ginagawa niya sa mga nananakaw na underwear, sa banyo ko na sinasampay ang mga brief ko dahil baka pag nagkataon mauso ito sa mga bakla at nakawin ang tatlo kong brief, nakakahiya naman dahil kahit anong laba ang gawin ko amoy pwet parin kapag natuyo.
Panandalian kong aalisin ang pagkakadikit ng mga mata ko sa mukha ni Anime. Kapansin-pansing ang katamaran ng mga nagdidikit ng mga pampolitikang poster dahil sa isang pader 20-50 na paulit ulit at tabi-tabing idinidikit ang kandidatong hawak nila, Vote! Juanito Paquito for Mayor at ang katabi niya ay Vote! Juanito Paquito for Mayor at ang katabi ulit ay Vote! Juanito Paquito for Mayor hanggang sa makarating sa dulo ng pader, ganoon din sa baba ,Vote! Juanito Paquito for Mayor, kung di man umabot sa dulo ng pader dahil naunahan na sila ng isa pang tamad na taga-dikit. Ang mahirap pa rito ay iiwan nilang kumukupas ang mga dinikit pagkatapos matalo sa eleksiyon. Isa sila sa mga salot ng lipunan! Isang mangagalat ng kalsada!
Lumang istilo na sa ating bansa ang istilo ng mga politiko na tuwing malapit na ang halalan doon nila nilalabas ang mabuting bahagi ng kanilang pagkatao, kung kinakailangan nilang magpagawa ng Ilog o sapa sa inyong barangay para lang may maipagawa silang tulay ay gagawin nila. Minsan nga gusto kong alisin ang bubong ng aming bahay baka sakaling may kandidatong magkawang gawa na lagyan ng bagong bubong, pero baka mapahiya lang ako at mahirapan pang ibalik ang mga ito. Uso rin sa aming barangay ang bentahan ng boto, ang isa sa mga pinakamalaking kalokohan ng eleksiyon. Bibigyan kang 350 pesos iboto mo lang daw ang hawak niyang kandidato. Tatanggapin ko ang perang ibibigay niya pero hindi ko siya iboboto, anong akala niya sa akin mukhang pera? Bakit ko iboboto ang isang kandidatong inaakala na madadaan ako sa pera? Sa bagay may punto rin ang kabilang parte ng utak ko eh, paano kung isa lamang iyong pagpapanggap para sirahan ang kalaban? Paano kung hindi talaga si Juanito Paquito ang bumibili ng boto? Ginagamit lang ang kanyang pangalan para isipin ng mga tao na masama siyang kandidato dahil iniisip na lahat ay nadadaan sa pera.
“Para! Para! Para na sabi eh!” Ang bingi ng driver. “Para po! ‘Wag niyo akong ilampas sakto lang ang ibinayad ko!” For the first time nakita kong ngumiti si Anime dahil sa sinabi ko, napangiti ba siya sa sinabi ko o sa binabasa niyang erap jokes?
Trabaho! Trabaho at trabaho hanggang sa maubos ang liwanag ng araw at lumitaw ang mga bituin, overtime kagaya ng dati, umuwi at matulog at hintaying ang katapusan ng mundo.
March 11, 2010
Alas-tres na ng madaling araw gising pa rin ako. Tuwing nakakatulog ako parang nalulunod ako sa sarili kong tulog, parang nilulunok ako ng banig namin, sa iba para silang nilulunok ng kama nila, kung wala silang banig, kami naman ay walang kama. Banig at papag lang. Parang nababangungot ako, gusto kong sumigaw at pakiramdam ko sumisigaw talaga ako pero walang lumalabas na boses. Gusto kong gumalaw pero parang stuck up ang buo kong katawan, Gusto ko talagang sumigaw pero sumisigaw na ako walang nakakarinig dahil walang lumalabas na boses sa akin. Makaligtas man ako ng ilang minuto tapos aantukin ulit, tapos babalik nanaman ang hindi malaman kung bangungot o katotohanang nilalamon ako ng sarili kong tulog. Kaya naman nang matindi na ang pagkakagising ko nang mga bandang 11PM, malakas na ang loob ko para tumayo at magkape. Tuloy tuloy na ang takot ko sa sarili kong papag kaya alas-tres gising pa ako. Iyon ang huling tingin ko sa wallclock namin, alas-tres. Napansin kong kakaiba ang panahon ngayon dahil maingay na ang alas-tres ng madaling araw. May nagnobena, may nag no-nobody nobody, may mga maiingay na tsismoso at tsismosa sa daan at may nagsisigaw na mga batang pinapalo ng nanay dahil tamad maligo. Kahit anong tingin ko sa wallclock alas-tres pa lang talaga. Kinuha ko ang salamin ko para makita ng maayos ang oras. Sinasabi ko na nga ba eh! Tumigil ang orasan namin, kapag kasi wala akong salamin tanging ang dalawang makakapal na kamay ng relo lamang ang nakikita ko at invincible ang payatot na ikot ng ikot. Hindi makaalis ang payatot na kamay sa six pero gumagalaw pa rin siya, kaya ang hirap hulaan kung anong oras talaga siya huminto. Tinignan ko ang relo ko sa cellphone at tamang tama ang oras para mainis kay Ms. Nobody. Ayos ang almusal ko ngayon tinolang piniritong fried chicken, tinola kahapon ng tanghali, nakarating ng gabi para iprito at pinirito pa ngayong umaga.
Pagkasakay ko ng jeep bigla akong nalito kung nasa planetang mundo pa rin ako dahil sa mga kasakay kong mga PRE-MASK RIDER BLACK na halos sakop na ng salamin ang buong mukha. Uso yata ngayon ang mga PRE-MASK RIDER BLACK shades dahil madalas kong makita ang mga shades na hugis mata ng langaw sa mga nakakasakay kong nagtatrabaho sa mga call center at sa ibang mga pang pang-gabing trabaho, hindi mo na kasi kailangang magtakip ng mata sa jeep kung matutulog ka man dahil di naman nila makikitang nakapikit ang mga mata mo, kumbaga, isa itong instrumento para sa pagtulog ng di nakikita ng mga kasakay mo ang iyong mga mata. Iba naman ang paggamit ko ng ganitong klaseng salamin, hindi ito kasing laki ng mga mata ni Mask Rider Black, tumutugma ito sa salamin ni Taguro. Noon epektibo ito bilang instrumento ng malayang pamboboso sa jeep. Buhat nang maging blurry ang lahat-lahat, nagsimula na akong magpasukat ng sarili kong salamin para mawala ang pagkablurry ng mga bagay na tinitignan ko, at magmula noon di ko na ginagamit ang salaming ipinamana pa sa akin ni Taguro. Wala rin kasing epekto dahil walang grado ang salamin na iyon, kahit open na open ang binoboso ko, sabog din ang kulay ng panty niya. Hindi kagaya sa salamin kong may grado, kapag nakapamboso ka tiyak na kahit ang pinakamaliit na pixel ng panty ng binobosohan mo ay kuhang kuha. Pwede mo pang i-save sa USB Flash Drive na nakasaksak sa pituitary glands mo at itake home para iplay back habang nag-a-up-down-up-down repeat 200x ka.
Usapang salamin pa rin. Dalawang klase lang yan eh, ang una ay ang salaming pamboso at ang ikalawa ay ang salaming inaabuso. Kagaya ng salamin ng jeep sa front seat, inaabuso ng isang taong walang pakundangan sa pagpisa ng kanyang mga tigyawat. Buhat ng sumakay ako pinipisa na niya ang mga white at black heads sa kaliwang pisngi niya. Dahil sa sampung litrong nana ang nakapaloob sa mukha niya, hindi na niya nakuhang lumipat sa kanang pisngi bago siya nakababa. Hindi ko na sana papansinin ang papoging iyon kung hindi lamang siya mayabang, isa siya sa mga top 3 na pinakamayabang sa buong mundo. Kung kasing magsalita siya at magkwento tungkol sa mga patago niyang binabayarang babae na dinidisplay sa gabi, parang napakapogi niya at napakayaman. Pasalamat nga siya kung hindi dahil sa tigyawat niya wala siyang mukha, isa lamang siyang tigyawat na tinubuan ng mukha. Sino ba siya at parang kilalang kilala ko? Katrabaho ko kasi, siya ang supervisor ng production ng kumpanya namin, madalas siyang pumasok sa opisina namin para humarap sa salamin at kumbinsihin ang kanyang sarili na pogi at isa siyang tao hindi halimaw. Kapag pakiramdam ko na pangit ang itsura ko at nakita ako ni Anime, 100% didiretso ako sa salamin pagdating sa trabaho, pero bago ako makarating at harapin ang sarili sa salamin, mag-aayos muna ako ng buhok at pupunasan ang mukha at kapag ayos na doon ako haharap sa salamin at sasabihing “Ok naman pala ako eh!” Kinukumbinsi ang sarili na ang nakitang version ni Anime ay ang maayos na version ko kahit halimaw version ang kanyang nakita. Parang sticker din ang mga salamin dahil tuwing naglalakad ang karamihan at may nakitang salamin tiyak na didikit ang tingin nila sa salamaing nakita habang naglalakad, mapababae man o lalaki nabibiktima ng sumpang ito. Kaya naman ang iba ay nagmumukhang baliw tuwing naglalakad sila at may madaanang naka parkeng sasakyan at sabay salamin at pose pose, tingin ng medyo paside side pero ang mata ay sa salamin nakatingin, punas ng mukha at iayos ang buhok. Hindi man lang inisip kung may tao sa loob ng sasakyan na may tinted na salamin, malay pa niya kung halos mamatay sa tawa ang nasa loob ng sasakyang iyon dahil sa pinanggagawa ng salaminkero.
Sarap pala ng buhay ko ngayon, wala daw si boss, solo ko ang opisina niya. Magkakape maghapon, mag-iinternet at uubusin ko ang mga stocks niyang pagkain. Ako muna ang boss ngayon. Saan kaya pumunta ang kumag na iyon.?
Ang nakaraan...
Ginising ako ng ingay ng mga hinayupak na tsismoso at tsismosa, at nagsimula akong nagdadada tungkol sa paboritong sugal ni Erap.
Pagkatapos ng isang malaking pang-aabuso sa opisina ni Chicken umuwi akong hindi nakokonsensiya sa inubos kong kalahati ng 25 grams na kape at isang truck ng skyflakes.
March 12, 2010 – Part 2
Pinaglihi siguro ako sa Apple itouch dahil madali akong matouch sa mga taong natutulog sa kalye, madali rin akong mahabag kapag nakakakita ng mga matatandang namamalimos sa lansangan, nahahabag ako sa sarili ko hindi sa kanila. Minsan nga mas marami pa silang pera kaysa sa akin na may maayos na trabaho. Pinaglihi rin siguro si Reyna sa itouch dahil kahit sino na may pera natotouch siya, ako lang ang hindi dahil hindi ko ibibigay ang 250 pesos sa kanya ng dahil lang sa sinasabi niyang luto. “Ahrean, busted ka na! Pero di mo na ako kailangang ligawan, sa halagang 250 lang maipapatikim ko na sa iyo ang lutong langit!” yan ang huling sinabi niya sa akin ng sinubukan ko siya ulit ligawan. Ano siya mas mahal pa sa Litsong Manok ang luto niya? At di ko pa naririnig ang klase ng lutong iyon baka may lason pa. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa lihi-lihing yan dahil hindi naman ako kamukha ni Jackie Chan, pinaglihi daw kasi ako kay Dolphy. Para kasi sa akin si Dolphy at si Jackie Chan ay iisa. Isa pa ang dadaya nila, sinasabi nila kung saan tayo pinaglihi pagkatapos tayong isilang, mag-iisip sila kung anong klaseng bagay tayo pwedeng ikumpara at simula non doon na tayo pinaglihi. Dapat kung totoo iyon, sa tiyan pa lang doon nila sabihin kung anong klaseng aswang ang magiging anak. Paano na ang mga nagbubuntis ngayon? Medyo hi-tech na tayo ngayon kaya dapat ang mga susunod na generation ay puro pinaglihi sa mga makabagong teknolohiya o mga makabagong pagkain. Merong pinaglihi sa iPod, iPhone, Laptop, dual core, core 2 duo at iba pang mga gamit na sikat ngayon, medyo masagwa nga lang sa pagkain dahil tinitiyak kong hindi maganda kung pinaglihi ka sa sarsarap instant ulam, pinaglihi sa siomai, pinaglihi sa shawarma, pinaglihi sa tukneneng , pinaglihi sa el diablo at iba pang mga bagong pagkain.
Pagkatapos ng mahabang panahon nagkita rin ang dalawang magkumare sa jeep at halos magsampalan kung sino ang manglilibre ng bayad, “Hindi ito na! Hindi ito na!” ang systemang nakakasawa na sa jeep. Excited silang magkita kahit dalawang bahay lang ang pagitan nila sa isa’t-isa. May dalang sanggol si Kumare No. 1 at itong si Kumare No. 2 naman ay may dalang kasinungalingan dahil sa tinawag na cute ang sanggol na baby version ni Max Alvarado. “Pwera usog!”.
Usog – isang uri ng kapangyarihan ng mga Pilipino at Pilipina na kung saan pwedeng makatodas ng isang sakitin na sanggol, minsan sinasabi ring kahit hindi sanggol ay na-uusog rin. Wala ang ibang bansa ng ganitong klase ng kapangyarihan, tayo lang ang meron, wala nga lang tayong power rangers at voltes V. Siguradong 99% ng mga Pilipino ay alam kung ano ang usog kaya ‘di ko na palalawakin ang pagpapaliwanag tungkol dito, basta isa itong malaking kapangyarihan na biyaya ng Pituitary Gland. Swerte ang taong nagtataglay ng Usog Power dahil kaya niyang makasakit ng isang tao sa pamamagitan lang ng pagpuna, maswerte siya dahil hindi na niya kailangang gumanti ng physical sa bawat taong mananampal sa kanya, isang salita lang na “Ang pogi mo” o kahit anong pagpuna, tigok ang kaaway mo, mag-iingat lang dahil baka may pangontra ang kaaway at memorize ang isang orasyong pangontra rito “Pwera Usog!” ang katapat ng Usog Power. Kung hindi mo kayang i-memorize ang orasyong iyon kailangan mo lang magpa-dura sa mukha sa taong naka-usog sa iyo, kung mabait siya ipapahid na lang niya ang laway niya sa tiyan mo, kung panis ang kanyang laway bumili na kaagad ng trosid dahil buni ang resulta ng laway na iyon, kung sa sanggol naman dapat idala kaagad sa pinakamalapit na pedia ang bata dahil may dumapong mga bacteria sa balat niya galing sa laway ng nang-usog. ‘Yan ang usog, kaya matakot dapat ang ibang bansa sa atin.
Wala si Anime kaya naman mas malungkot pa sa sementeryo ang mga mata ko. Hindi tumagal ng isang oras ang kalungkutan ng aking mga mata dahil wala pa rin si Chicken. Maghapong pang-aabuso nanaman ang magaganap sa kanyang opisina.
March 13 (Unedited)
Tuwang tuwa ang itsura ng baka na nakaprint sa noodles na babanatan ko ngayong umaga, ipinapahiwatig ng label ng noodles na ito na kada bili mo ng noodles na may flavor na beef ay isang billiong baka ang natutuwa sa iyo dahil isa sa mga kalahi nila ay ginawang pulbos ang laman at inilagay sa maliit na pakete sa loob ng noodles. Di lang ang mga baka ang natutuwa tuwing ginagawa silang panangkap sa pagkaing tao, kundi pati mga manok at baboy din. Sarap ng smile nila parang totoong masaya na naging flavor sila sa tig-8 pesos na noodles. Kung kayang tayo ay masakop ng mga aliens at gawin tayong mga flavor sa pagkain nila, nakasmile din kaya tayo sa mga Muru-Muru Noodles Human Flavor, Sawarusi Chips Female Human Flavor, Kusimu Tarim with Old Human Eye, Fresh Option: Human Flesh – P40 per kilo, Human Intestine P12 Per Kilo tapos may tarpaulin na nakahubad na tao na nakasmile sa shop na iyon, ang cute din siguro parang chicken flavor lang. Kawawang baka hindi ko man lang malasahan sa noodles na ito, mas lasang dagat dahil sa alat, dapat dito Noodles Ocean Flavor. Napansin ko nga pala ang presyong P6.00 Only sa plastic pero bakit 8 pesos na binebenta? Ang daming ganitong kaso sa mga produkto na binebenta ng mga sari-sari store, may presyo na sa label tapos inooverwrite pa nila ng magic marker, sa bagay di mo sila masisi dahil sa napakaliit lamang ng tubo nila kaya may sarili silang VAT, may Vat na sa mga binibili natin, may tax na sa sahod natin at meron pang mga underground vat sa mga sari-sari store.
Habang nagaalmusal ako dinig na dinig ko ang kantang sikat na sikat ngayon para sa bagong sistema ng election “May Bilog, May Bilog na Hugis Itlog.” Sana di na abutan ng mga magiging anak ko ang kantang ito dahil baka matatak sa kanilang isip na ang hugis ng mundo natin ay hugis itlog, ok pa sana kung ang kanta ay “May oblong may oblong na hugis itlog” o kaya naman ay “May oval may oval na hugis itlog”. Sa bagay di rin natin masisi ang gumawa ng kanta baka nakatingin sa egg yoke nung ginawa ang kanta kaya naisulat niya na bilog ang itlog, pwede ring nakatingin siya sa mga itlog ng mga suso na grupo ng mga bilog bilog na kulay pink na nagkadikit dikit, o baka naman tinitignan niya ang itlog ng nakabaligtad kaya naging bilog ang hugis nito.
*Yellow na parte ng itlog minsan tinatawag na RED/PULA ng mga kapampangan.
“Oo sir! Parating na po ako! Sensiya na po ang bagal kasi ng nasakyan ko kaya malelate ako ng anim na buwan, siyam na taon na po kasi kaming naglalakbay patungo sa kawalan” isang gawagawang tawag, kunwari tinawagan ako ni Boss dahil late na ako, gusto ko lang kasing ipabatid sa driver ng jeep na nasakyan ko na pinatunayan niyang hindi ang pagong ang pinakamabagal sa buong mundo kundi ang pagmamaneho niya at ang bulok niyang jeep. Dinededma lang ako dahil mukhang nag-eenjoy siya kay Tom Jones, di gaanong halata ang earphone niya kaya nasayang ang effort kong paringgan siya. Si Anime, bawat araw na di ko siya makita lalong tumitindi ang sikat ng araw at ang init ng pag-ibig ko sa kanya. Anime kung nasaan ka man ngayon sana maisip mo rin na minsan sa jeep ay nagkatabi tayo sa front seat at sa buong oras na katabi kita tanging ang pagkikiskisan ng ating mga balat sa kamay ang aking nadarama at nais kong malaman mo na magiging asawa rin kita balang araw, kaya wag kang magpapavirgin kahit kanino dahil akin ka lang. Sana virgin pa siya!
March 14, 2010 (Unedited)
6:17PM
Pumunta sa bahay si Poknat kasama pa ang tatlong extra na sina extra no. 1, extra no. 2 at si extra no. 3, mga barkada niya na manyakis din. May dalang mga flash light, bawang at asin, pangontra daw sa mga maligno, kung meron man. Ako naman tanging cellphone lang at limang pisong barya ang dala. May sabi-sabi na sa Haunted house na pupuntahan namin ay may nagpapakitang kapre sa mga punong nakapaligid doon, sa bahay naman mismo meron daw babaeng napakaganda pero madalang lang magpakita. Kwentong bario kumbaga, iyan ang mga kinukwento ni Poknat habang naglalakad kami patungo sa bahay na sinasabi nila. Malinaw na malinaw na sa akin ang layunin ni Poknat, hindi totoong multo ang hahanapin niya kundi ang babaeng naikwento niya, ewan ko lang sa tatlong extra kung anong layunin pero mukhang tatakutin talaga nila ang mga sarili nila.
6:20PM
Nakarating kami sa isang bakanting lote na pinalilibutan ng bakod na gawa sa kawayan. Pinasok namin ang lote dahil wala namang nakasulat na “No Trespassing” at kung meron man siguradong di rin namin papansinin at siguradong di naman maiintindihan ni Poknat ang “No Trespassing!”. Yung mga may picture lang ang kayang basahin ni Poknat, kagaya ng drawing na sigarilyo na may pulang bilog na may forward slash ( / ), parang logo ng ghostbusters na pinalitan ng sigarilyo ang ghost. Kung hindi ako nagkakamali ang basa ni Poknat doon ay “Hindi nagtitinda ng sigarilyo!”. Pati pala ang mga ilaw ng traffic light ay kaya niyang basahin dahil may maliit siyang bisekleta na madalas dumaan sa mga daanang may traffic light. Ayon sa kanya ang Red ay Stop, Green ay Go at ang Yellow na parang orange ay Hurry up. Malalaki ang mga puno sa bakanteng lote at sa isang puno ay may nakasulat na “Trespassers will be shot, survivors will be shot again!” Hindi ko gaanong naintindihan dahil parang mali ang grammar at di ko rin alam kung tama at kung ano ang tamang grammar para doon pero pagkakaintindi ko, ang mga manloloob ay paiinumin at kung di pa lasing, paiinumin ulit. “Sabi nila na kapag minura mo ang mga kapre, mamatay ka.” Sabi ni extra no. 2. “Ows?” duda ako. “Oo pare totoo iyon! Dahil ang lolo ko daw namatay dahil sa pagmumura sa kapre.” Sabat ni Poknat. “Ah ganoon ba? Putang inang kapre pikon pala sila hahahahaha! Tarantadong kapre show your pes!” Trip ko. Natakot ang apat na manyakis kaya naman gusto ni Poknat na magsorry ako sa kapre. Para sa ikakapayapa ng loob ng bestfriend ko humingi naman ako ng sorry “Pota ka naman kapre napakapikon mo sorry na!”.
6:49PM
Buhay pa ako hindi ako pinaslang ng kapre dahil sa minura ko siya, siguro dahil nagpasorry ako. Isang punso ang nadaanan namin at muntik ng naapakan “Waaaaaaa muntik ng lumaki ang paa ko! Muntik na muntik na!” sigaw ni Poknat. “Bakit nanaman?” tanong ko. “Kapag daw naapakan mo ang nuno sa punso at nasaktan yung dwendeng nakatira sa punso, lalaki daw ang paa mo. Kung dinura mo naman daw lalaki ang bibig mo!” Sabi ni extra no. 3. Hindi ko na hinintay pang makapagsalita ang isa pang extra, dali dali kong inilabas ang eight equals equals equals D ko at inilabas ang mainit na ihi sa nuno sa punso. Laking takot ng mga extra at ni Poknat sa ginawa ko kaya naman todo awat sila sa akin. “Anong ginagawa mo? Madadamay kami niyan eh!” sigaw ni Poknat. “Ano ka ba? Sabi niyo kung naapakan lalaki ang paa, kung dinura lalaki ang bibig, siguradong matutuwa sa akin ang future wife ko dahil inihian ko punsong ito! Tiyak na lalaki ang ari ko dito.” Trip ko ulit sa kanila. Ang tanga nga naman nila, kung totoong may duwende sa punsong iyon edi namatay din siya dahil sa milyong-milyong anay na nakatira doon.
7:05PM
Pwaaaaannnngg! Isang putok ng baril. Warning shot ata sa amin dahil umihi ako sa punso. Kani-kanyang takbo na kami. Tumakbo ako pakanan. Takbo ng takbo. Alam ko na puno na ng sugat ang paa ko dahil napatid at naiwan ang tsinelas ko at parang milyong ektaryang puno ng makahiyang pananim ang dinadaanan ko. May nakita akong isang mataas na bakod na alam kong kaya kong talunin dahil kasalukuyang nakasanib sa akin ang kapangyarihan ng Adrenalin. At natalon ko nga. Isang taong tumatakbo rin ang nalandingan ko na may hawak na cellphone, umiilaw kasi kaya alam kong cellphone. Tumba ang tao. Parang na-Knockout dahil tinamaan ko sa ulo. Isang bahay ng mayaman ang napasukan ko dahil sa pagtalon sa napakataas na bakod. Isang lalaki at isang sexy na babae ang papalapit. Mukhang papatayin nila ako dahil napatumba ko ang isa sa mga kamag-anak nila. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa transparent na night gown na suot ng babae at lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita kong siya pala si Anime...
Nararamdaman kong naging puso na ang mga bilog sa aking mga mata. Hinawakan pa ni Anime ang aking mga kamay bago ako tuluyang lumayas sa pamamahay nila, ang bait pala ng Mama niya, na Mama ko na rin; Soon! Binigyan niya ako ng tsinelas na may tatak na Crocs, nakabox pa nung binigay niya. Pagdating ko sa bahay doon ko naramdaman ang isang matinding sakit ng katawan at hapdi sa aking talampakan, may mga nakasuksok na tinik ng makahiya at isa isa kong binunot gamit ang pangtanggal ng balahibo sa kili-kili ng nanay ko. Kahit gaano kasakit ang nadarama ng mga talampakan ko ay siya namang ligaya ng aking puso dahil sa kaibigan ko na si Anime.
March 15, 2010
Kahit sa panaginip ay si Anime ang leading lady ko, kaya naman masarap ang gising ko dahil malapit ng maging katotohanan ang matagal kong ng pinapangarap. Sakay ng jeep, naghihintay na makasakay ang leading lady ko. Isang minuto ang lumipas at wala pa rin siya, dalawa, tatlo, siyam, sampong minuto at wala talaga siya. Aalis na ang jeep na wala ang ina ng mga magiging anak ko. Sarap ng tulog ng kaharap ko, iba-iba na ng direksiyon ang kanyang ulo, left-right-right-left-right. Sa kanang bahagi niya ay may dalawang magkumare na wala ng ginawa kundi pag-usapan ang buhay ng may buhay. Si ano daw inano ni ano na ano ni ano na umano kay ano na inano ni ano, ano raw? Kung makapagkwento ang isa may papalo palo pang nalalaman, kada salita niya napansin kong pinapalo niya muna sa kamay ang kausap na isa pang tsismosa. Ang usapan nila tungkol kay kuwan ay napunta sa dagang napagbintangan na pumunit ng damit ng tsismosa #1, sumagot naman si tsismosa #2 na “Ay mare baka minumura ng anak mo ang mga daga kaya nila pinunit ang damit niya”. Madalas ko ring marinig ito sa nanay ko, hindi daw dapat minumura ang mga daga dahil gaganti sila at pupunitin nila ang mga damit mo. Ang tindi naman pala ng mga daga, nakakaintindi sila ng mga mura ng tao, pero hindi nakakaintindi ng ibang salita. Curious tuloy ako kung naintindihan nila kung english ang mura sa kanila “Fucking Rat!”. Ang isang matindi pa sa mga dagang ito ay alam kung saan nakatago ang mga damit mo. Kung ako naman ay mas takot ako sa mga ipis, dahil kahit hindi mo minumura sinisira nila ang mga damit ko, yung mga maliliit na butas sa mga damit ng tao, madalas ipis ang may sala sa mga iyon, hindi daga.
Ilang beses na rin akong napapahiya sa jeep tuwing may magbabayad at tiyempo namang malapit ako sa driver, naghihintay muna ako ng konting sandali bago ko iabot, baka kasi ang kaharap ko o ang katabi ko ang magmamagandang loob na iabot sa driver ang bayad, dahil sa pare-pareho kami ng iniisip na baka iabot ng iba, pare-pareho kaming hindi kumikibo, kaya naman kapag wala akong nakikitang kumikibo , iyon ang tamang oras para kunin ko ang pera ng nagbabayad, sa kasamahang palad, dalawa o tatlo kaming sabay-sabay na kukuha sa bayad at magkakahiyaan pa para lang di mapahiya ang isa’t-isa, at ako ang laging napapahiya, nilaladlad ang kamay sa ere. Kung may choice lang talaga ako, ayaw na ayaw kong umuupo sa bandang likuran ng driver dahil siguradong magiging taga-abot ako ng bayad at napapahiya pa minsan. Tulogtulugan ang pinakamadaling paraan para may excuse sa pag-aabot ng bayad ng iba. Ang problema nga lang ay tuwing may chicks na kasakay, sayang kung tutulugan mo lang. Kapag may kasakay akong chicks, ipinapakita ko sa kanya na gusto ko siya o napapansin ko siya sa pamamagitan ng pasulyap-sulyap sa kanya, at sa kanyang triangle kung naka-miniskirt, pakiramdam ko rin na kapag pasulyap-sulyap sa akin ang isang babae, gusto niya akong maging boyfriend, madali ko lang mahuli ang mga babaeng pasulyap-sulyap sa akin, hindi na kailangan ang harap harapan ko pang tignan sa mata para lang mahuli, ang kailangan lang ay tumingin sa side niya, kahit saang side ok lang basta malapit sa kanya, mahuhuli iyon ng mata mo.
Ilang beses na rin akong napapahiya sa jeep tuwing may magbabayad at tiyempo namang malapit ako sa driver, naghihintay muna ako ng konting sandali bago ko iabot, baka kasi ang kaharap ko o ang katabi ko ang magmamagandang loob na iabot sa driver ang bayad, dahil sa pare-pareho kami ng iniisip na baka iabot ng iba, pare-pareho kaming hindi kumikibo, kaya naman kapag wala akong nakikitang kumikibo , iyon ang tamang oras para kunin ko ang pera ng nagbabayad, sa kasamahang palad, dalawa o tatlo kaming sabay-sabay na kukuha sa bayad at magkakahiyaan pa para lang di mapahiya ang isa’t-isa, at ako ang laging napapahiya, nilaladlad ang kamay sa ere. Kung may choice lang talaga ako, ayaw na ayaw kong umuupo sa bandang likuran ng driver dahil siguradong magiging taga-abot ako ng bayad at napapahiya pa minsan. Tulogtulugan ang pinakamadaling paraan para may excuse sa pag-aabot ng bayad ng iba. Ang problema nga lang ay tuwing may chicks na kasakay, sayang kung tutulugan mo lang. Kapag may kasakay akong chicks, ipinapakita ko sa kanya na gusto ko siya o napapansin ko siya sa pamamagitan ng pasulyap-sulyap sa kanya, at sa kanyang triangle kung naka-miniskirt, pakiramdam ko rin na kapag pasulyap-sulyap sa akin ang isang babae, gusto niya akong maging boyfriend, madali ko lang mahuli ang mga babaeng pasulyap-sulyap sa akin, hindi na kailangan ang harap harapan ko pang tignan sa mata para lang mahuli, ang kailangan lang ay tumingin sa side niya, kahit saang side ok lang basta malapit sa kanya, mahuhuli iyon ng mata mo.
Pagkababa ko sa jeep, nakita ko ang apat na nilalang na naghihintay na makatawid ang mga sangkatutak na sasakyan. Nakisali ako sa apat kaya lima na kami, lima na kaming tanga. Imbes na ang mga sasakyan ang hihinto para sa amin, kami ang naghihintay na maubos ang mga dumadaan na sasakyan para makatawid. Sayang nga naman ang buhay, kung mamamatay ka rin man lang sa pedestrian lane pa, di bale may bayad naman kapag sa pedestrian lane napisa ang bituka at utak ko. Isa sa mga kasama kong tanga ay nagbukas ng candy at itinapon na lang ng basta basta ang balat sa daan, dinagdagan ang mga dati ng nakakalat, kagaya ko rin siyang tapon lang ng tapon ng pinagbalatan ng candy kahit saan. Pangit man sa mata ng iba, pero ang aming pagkakalat ay may naidudulot ring mabuti para sa buhay ng iba, kaming nagkakalat ang nagbibigay ng trabaho sa mga nagwawalis sa kalsada, kung wala kaming nagkakalat at malinis ang kapaligiran, tiyak na wala rin silang trabaho. Kung papatayin lahat ng mga nagkakalat sa daan ngayong araw na ito, isang Linggo lang mamamatay na rin ang mga Aide at mga Janitor at Janitress sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho, na siya namang ikabubuhay ng mga embalsamador dahil sa pagkakamatay ng mga nagkakalat. Siguradong ¼ na lang ang matitira sa populasyon ng Pilipinas kung papatayin lahat ang mga nagkakalat. Paano pa kung isasali ang mga tsismosa at tsismoso sa mga papatayin, edi mga bulag, pipi at bingi na lang ang natira sa bansa.
Pagkatapos makadaan ng pang 2,901,100,121,001 na sasakyan, nakadaan rin kami ng apat pang tanga. Hindi naman ako nalate dahil advanced pala ng kalahating oras ang relo ko. Mukhang badtrip si Chicken dahil nawawala daw ang mga skyflakes niya at naubos ang kape, asukal, green tea at mga gummy bears. Hindi ko aaminin na ako ang kumain, dagdagan ko na lang ang points ko kay Satanas, isang guhit sa blackboard ni Satanas.
March 16, 2010
Martes. Si Anime nanaman ang panaginip ko, at may pagtatalik pang naganap. Ganoon na ba talaga ka desperado ang pag-iisip at imahinasyon ko? Matigas si eight equals equals equals D, pero walang wet dreams na naganap. Hindi ko na kaya, kaya naman babastusin ko na si Anime. Up-down-up-down-up-down repeat 200x, walang tissue kaya ang kumot na lang ang magsisilbing tissue sa mga lumabas ng milyong-milyong microscopic butete. Hindi makayanan ng ilong ang kinakailangan kong hangin dahil sa pagod na nadama, pati bibig sumisipsip na rin ng oxygen. Kung ilong lang kasi ang gagamitin ko medyo masagwa ang sounds, may tunog, katunog nung sounds na nalilika sa mga dahon ng saging, parang mahinang iyak ng sisiw. Sounds na nagagawa lamang ng mga tumigas na kulangot na nakasabit sa maiitim na damo sa loob ng ilong ng tao. Isang kagubatan ang loob ng ilong natin para sa mga langgam, ang balahibo ay siyang mga puno at ang kulangot naman ang mga bunga, malalaman na maari ng i-harvest ang kulangot kung may tunog na ang paghinga mo at kung medyo nahihirapan ka ng huminga. Masarap ang pakiramdam pagkatapos ng paghaharvest, instant menthol, ang lamig sa ilong ng hangin. Hindi ko alam kung pare-pareho ang amoy ng kulangot pero kapag nakadikit pa ito sa pader ng ilong ng tao ay di naamoy, pero kapag in-harvest na natin ito at medyo mabasa-basa pa ng konti, subukan mong amuyin ang daliring pinangharvest, doon mo palang malalaman na ang kulangot pala ay may amoy rin, madalas amoy pancit canton ang sa akin. Alam ko nararanasan rin ng iba ang pagiging barado ng isang ilong tuwing gabi at alam din nila ang teknik na kapag bumaloktot ka pakanan, yung itaas ng parte ng ilong mo ang makakahinga ng maluwag at ang sa ibaba naman ang magsasara ng tuluyan, ganoon din kapag bumaluktot ka ng pakaliwa, basta laging ang sa taas ang bida pagdating sa pagsipsip ng oxygen.
Ang sama-sama ko na talaga. Kung mamamatay ako ngayon at tanungin ng Diyos ng “Bigyan mo akong dahilan para papasukin kita sa aking kaharian.” Ano kayang dahilan ang maibibigay ko? Hanggang boso lang po ako at imahinasyon, di po ako nakikipagsex sa mga aso at sa mga mukhang aso. Virgin pa po ang katawan ko, isip lang po ang laspag. Gumawa na rin po ako ng kabutihan, pero di ko na maalala kung ilan at kung paano. Hindi po ako nagnanakaw ng marami, kapag nagsisinungaling po ako nininerbiyos rin. Valid kaya sa Diyos ang dahilan ko? Sana hindi na impiyerno ang parusa sa mga makasalanan, sana lagyan na lang ng meter ang ilong nila at babayaran na lang ang oxygen na sinisipsip araw araw. Piso kada inhale, may penalty kapag pinipigilan. Kung kayang ganoon nga ang gawin ng Diyos ngayon? Kawawa sigurado ang mga mahihirap paniguradong patay silang lahat. Ang bait ng Diyos dahil hindi niya ginawa ang bagay na iyon, lahat libre. At ang bait niya dahil buhay pa rin ako. Ayan may ginawa na akong kabutihan, pinupuri ko ang Diyos. Sa bagay sabi ng mama ni Poknat na ok lang daw na mamatay na makasalanan dahil may purgatoryo naman daw, magpapamisa lang daw at ok na. Magbayad ka lang sa Pari para ipagdasal ang makasalanan mong kaluluwa at libre heaven ka na, say goodbye to hell. Hindi ko alam kung maniniwala ako, wala akong alam sa bibliya, pero parang unfair ang sistema na iyon, ang dating kasi ay nasusuhulan ang Diyos sa pamamagitan ng pagbayad sa misa. Paano kung wala kang pera at wala kang kamag-anak na magdadasal para sa iyo? Kung ganoon ang sistema ng Diyos bale wala rin ang pagsamba sa kanya at pagawa ng mabuti dahil mababayaran naman ng misa ang mga kasalanan mo. Totoo ba na pwede ka pang ipagdasal kapag namatay ka na? at ang dasal ng mga kaibigan o kamag-anak mo ang maghuhusga sa iyo kung sa langit o sa impiyerno ang biyahe mo. Dapat pala hindi Jesus is my Savior, dapat pala Poknat’s prayer is my savior therefore Poknat is my savior.
Naunang tumayo sa akin si eight equals equals equals D, kalawa lang ako. Iinom ng Cup of Sugar, dahil mas marami ang asukal kaysa sa kape, papasok sa trabaho at uuwi, iyan lang ang routine ko araw-araw, paulit-ulit lang. Siguro sa kung isasagad ang buhay ko ng Diyos 70-80 years lang ang itatagal ko, meron pa akong 16,426 na araw sa mundo, 394,224 kung ikoconvert sa oras, at 23,653,440 na minuto para mabuhay, kahit pala bayaran ni Villar ng piso kada minuto ng nalalabing oras sa buhay ko ay may sobra pa siya para bayaran akong muli kung sakaling mabuhay akong muli.
March 17, 2010
Kagaya ng nakalipas na araw, sakay nanaman ako ng jeep, kaharap ang isang walanghiyang studyante na nagbabasa ng playboy magazine sa harap ng maraming tao. Napadaan sa isang simbahan, nagsign of the cross pa ang tinaman, nagsign of the cross din ang ilan sa mga kasakay ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang istilong ito, pero cool tignan. Tinanong ko ang isa sa mga nagsign of the cross kung bakit nila ginagawa ang bagay na iyon at ang sagot niya ay, "Isang paggalang iyon sa Diyos, kahit ikaw dapat gawin mo ito tuwing dadaan ka sa mga simbahan." Ilang minuto pa at napadaan kami sa isa pang simbahan at ginawa ko nga ang sign of the cross, nakapagtatakang ako lang ang nag sign of the cross at parang gusto pa nila akong pagtawanan. Siguro isang beses lang talaga dapat ginagawa iyon. Hindi mapigilan ng taong nagturo sa akin na magsign of the cross ang kanyang tawa kaya tumawa siya at sinabing "Sa mga simbahan lang ng katoliko mo dapat ginagawa iyan, Iglesya ni Cristo ang simbahang iyon, hahahaha!". Nakakatawa, ngayon lang niya sinabi, dahil sa kanyang tawa nakita ko na ring napangiti ang iba kong kasakay. Isang malibog na nagsign of the cross sa harap ng Iglesya ni Cristo, napakagandang balita nito, tiyak na ikakalat ng mga kasakay ko ang nakita nilang kapalpakan.
Miss na miss ko na si Anime, bakit kaya di ko na siya nakakasakay? May sarili na ba siyang sasakyan? o may naghahatid na sa kanya? Ilang segundo lang ang lumipas pagkaisip ko kung may naghahatid sa kanya, isang itim na kotse ang nakabukas ang mga salamin at kitang-kita ng dalawang bilog sa aking mata ang isang poging-pogi na lalaki na nagmamaneho at sa side niya ay si Anime. Isang malakas na paglindol ang naganap, isang baha, sunog, pagsabog ng bulkan at katapusan ng mundo sa loob ng aking dibdib. Nasira lahat ang pangarap ko at hindi dapat ako matutulog mamayang gabi dahil hindi na ako magigising sa sobrang kalungkutan. Magtatrabaho ako ng wala sa mood ngayong araw na ito, gusto kong umiyak at magpakatiwakal, pero hindi ko kaya dahil baka susunod si nanay sa akin 'pag nangyari iyon. Pagdating ko sa trabaho, isang envelope ang iniabot ng isa sa mga katrabaho ko sa akin, galing daw kay May. Natatakot akong buksan ang sobre ng kamatayan, isa itong invitation para sa kasal niya, 'wag naman sana, hindi naman siguro ito 7th birthday, lalong hindi binyag, basta ikakamatay ko kung isa itong wedding invitation. Eto na bubuksan ko na, unti-unting nahuhulog ang batik batik kong pawis. Slow motion ang pagtaas ng cover ng sobre, binubuksan ko na. Malapit na, malapit na malapit na...
Miss na miss ko na si Anime, bakit kaya di ko na siya nakakasakay? May sarili na ba siyang sasakyan? o may naghahatid na sa kanya? Ilang segundo lang ang lumipas pagkaisip ko kung may naghahatid sa kanya, isang itim na kotse ang nakabukas ang mga salamin at kitang-kita ng dalawang bilog sa aking mata ang isang poging-pogi na lalaki na nagmamaneho at sa side niya ay si Anime. Isang malakas na paglindol ang naganap, isang baha, sunog, pagsabog ng bulkan at katapusan ng mundo sa loob ng aking dibdib. Nasira lahat ang pangarap ko at hindi dapat ako matutulog mamayang gabi dahil hindi na ako magigising sa sobrang kalungkutan. Magtatrabaho ako ng wala sa mood ngayong araw na ito, gusto kong umiyak at magpakatiwakal, pero hindi ko kaya dahil baka susunod si nanay sa akin 'pag nangyari iyon. Pagdating ko sa trabaho, isang envelope ang iniabot ng isa sa mga katrabaho ko sa akin, galing daw kay May. Natatakot akong buksan ang sobre ng kamatayan, isa itong invitation para sa kasal niya, 'wag naman sana, hindi naman siguro ito 7th birthday, lalong hindi binyag, basta ikakamatay ko kung isa itong wedding invitation. Eto na bubuksan ko na, unti-unting nahuhulog ang batik batik kong pawis. Slow motion ang pagtaas ng cover ng sobre, binubuksan ko na. Malapit na, malapit na malapit na...
Kasal pala ng ate niya. Mabuti na lang at ate niya ang ikakasal, kung hindi siguradong may maglalamay sa amin mamayang gabi. Gayunpaman, malaki pa rin ang problema ko, dahil may kasama siyang lalaking lamang ng sampung libong paligo sa akin. 80% sure ako na nanliligaw iyon at 20% sure na syota na niya 'yon, teka pangit yata ang salitang syota para sa kasing-ganda ni Anime, Ok sige 20% sure akong BF niya iyon. Ang syota kasi parang kasing tunog ng Short Time at salitang kanto, wala naman kasi ako sa kanto ngayon, nasa opisina. Sayang lang ang itinurong closed-open sa akin ng aking ina kung hindi mapapasa-akin si Anime. Ngayon ko lang naisip na ang mga sanggol na Pinoy ay English ang unang talento at salita ang unang nalalaman. Ang closed at open ay salitang english ng sara at bukas, sa mga kakilala kong may baby wala pa naman akong nakikitang nagtuturo sa baby nila ng sara-bukas-sara-bukas, ang madalas ay closed-open-closed-open. Ang closed-open ay itinuturo sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbukas at pagsara ng kamaho habang sinasabi o kinakanta ang closed-open, closed-open. Kung pagmamasdang mabuti ay mali pa rin ang kanilang pagtuturo, dahil hindi magkatugma ang kamay at ang salita, nagsisimula sila sa closed pero pagmasdan mo man ang kamay nila ay hindi sumasabay sa pattern, Open pero nakasara, closed pero hindi pa tuluyang nakaclosed, closed pero naka-open. Mabagal ang kanta o pagbigkas ng closed open at ang bilis ng kamay kaya dapat para magsabay ng tama, dapat ay closing-closed-open.
March 18, 2010
March 18, 2010
Huwebes, araw ng paglilinis ng kuko ko sa paa. Araw din para masubukan ko ang regalong crocs ng taong hindi ko na alam kung magiging future mama ko. Simple lang akong maglinis ng kuko, nail cutter at inaalis ang hacienda ng mga bacteria sa singit ng mga malaki kong kuko sa paa, natitiyak kong karamihan sa atin ay alam ang amoy ng haciendang iyon, kahit mabaho, curious pa rin tayong amoyin, dahil sariling atin naman iyon eh. Pasakay na ako ng jeep na hindi umaasa na makakasakay ko ang babaeng nagbigay ng isang malaking suliranin kahapon sa akin, pero nakasakay ko. Wala akong karapatang magtampo sa kanya dahil unang-una hindi pa talaga ako siguradong boyfriend niya ang nakita kong kasama niya kahapon, ikalawa hindi ko naman siya girlfriend at ikatlo hindi pa niya inaamin na crush niya rin ako. Napansin niya ako, ok. Napansin ko siya, deadma. Cold treatment! Isang dambuhalang tao ang pagitan namin. Hindi na mahalaga sa akin ang pagbaba ng dambuhalang ito, ayaw ko munang makatabi si Anime, dahil parang 'di rin niya ako napansin kaninang pagsakay niya, pekeng pansin lang kung baga. Wala akong magagawa dahil bumaba rin ang dambuhalang halimaw na katabi ko, katabi ko na si Anime. Deadma pa rin. Napatingin siya sa kanang bahagi at "Hi, Kuya! kumusta ka na? nagbayad ka na ba?. Uminit bigla ang buo kong katawan kasama na ang cold treatment na biglang natunaw. "Ay hindi pa, ako na lang ako na lang!" Kunwari bumubunot ako sa bulsa pero nahihirapan sa pagbunot kahit alam kong wala naman akong binubunot. Naging masaya ang pagkukwento niya at ako naman ay patuloy na nag-iisip kung paano ko ipapasok ang tanong kung may boyfriend na siya, hindi ko na rin itatanong kung ang boyfriend man niya ay yung kahapon. "Haha, oo nga eh" hindi ko alam kung bakit ako biglang nagsalita ng "oo nga eh!" na may halong tawa. "Ang kapatid ko ay may girlfriend na ka-edad mo lang" kahit wala akong kapatid na babae, hindi ko maintindihan kung bakit nasasabi ko ang mga sinasabi ko, ang layo sa pinag-uusapan namin. Buti na lang at ok lang ang mga sagot niya na puro "Ay ganoon?", "Oo nga!", "Buti pa siya meron na.", "tama" at "hmmmmm". Teka saang sagot ba ang "Buti pa siya meron na"? parang nalalapit ang sagot na iyon sa sinabi kong "Ang kapatid ko ay may girlfriend na ka-edad mo lang". Tahimik sa jeep nang bigla kong masabi ang "YES! YES! YES!" sa sobrang tuwa. Nakatawa lang si Anime at tinanong sa akin kung napaano daw ako, "Wala lang masaya lang ako kasi, wala ka pang... (napatigil ako). "Wala pa akong...?" dugtong pa niya. "Ay dito na lang ako, para po! para po!" biglaan kong pagbaba, lagot ang layo pa nito sa trabaho ko. "Ingat!" nag-aalalang sabi sa akin ni Anime. Malelate ako pero ok lang, nakalusot naman ako kay Anime, at nalaman ko na wala siyang boyfriend.
Salamat sa pagbabasa,
Richard Tolentino A.K.A. chayd
Hindi ibig sabihin na tapos na ang kwentong ito, itutuloy pa rin ito araw-araw(minsan bawat ikalawang araw. Para mabasa ang kadugtong ng kwentong ito bumisita sa official blog:
Subscribe to:
Posts (Atom)